Captain Jack Holm
"I'm here to help." Ang sabi niya. Sigurado ba siya? Tutulungan niya ang kalaban? Pero hindi ko magawang hindi siya pagkatiwalaan.
"At bakit mo naman kami tutulungan?" Tanong ni Hoy.
"I'm a doctor. Hindi ako makakatulog sa gabi kapag may hinayaan akong taong may sugat o may sakit." Natural naman yan sa mga doktor. Pero totoo man o hindi, minsan ka lang may makikitang doktor na katulad niya.
Tinanggap ni Hoy ang ibinigay sa kaniya at agad pinaliguan ng alcohol ang sugat ko. Muntik na akong mapasigaw sa sakit pero agad ko namang kinagat ang ilalim ng bibig ko. Napapikit nakang ako sa sakit nang pinaliguan niya ito ulit. Sobrang hapdi nito. Na para bang namamanhid na ang leeg ko. I feel sick. Parang lalabas ang kaluluwa ko sa sibrang sakit. Pinipilit ko lang ang sarili ko ma hindi umiyak.
"Okay ka lang?" Sa tingin mo?!
Tinakpan niya na ng alcohol pad ang sugat ko at napa buntong hininga. Actually tama naman ang ginawa niyang biglang pagbuhos ng alcohol sa sugat ko, para hindi ko maexpect ang sakit. Pero grabe, ang sakit talaga kapag nilalagyan mo ng alcohol. Mas okay pa sana kung tubig lang ang ginamit.
"Kailangan nating makatakas dito." Sabi niya.
"Well, sana nga at makatakas kayo. I don't want anyone to get hurt more." Sabi naman ng doktor.
"Hindi mo kami pipigilan?" Tanong ko.
"Why would I? Hindi ako isang pirata. Isa lamang akong doktor na nagtratrabaho dito para matugunan ang pangangailangan ng anak ko sa pinagaaralan niyang Academy. Minsan kasi pinauuwi nila ako para madalhan ko ng pera ang anak at pamilya ko tapos bumabalik agad dito." Academy?
"Pero kung pinapauwi ka nga nila, diba pagkakataon mo na yun para hindi na bumalik dito?" Tanong naman ni Hoy.
"Hindi naman sa gusto kong magtrabaho dito, pero mas malaki lan kasi ang kinikita ko dito at isa pa, tulad ng sinabi ko, hindi ako makakatulog sa gabi kapag may hinayaan akong tao na may sugat o sakit." May pasyente kaya siya dito?
"Sino ba ang may sugat dito?" Taning niya ulit.
"Wala siyang sugat, may sakit siya." Natahimik kaming dalawa ni Hoy. Sino? "Ang ina ng kapitan. Malala na ang sakit niya kaya kahit healer man ako, hindi ko siya kayang magamot ng maayos dahil hindi malaki any spiritual energy ko."
Spiritual energy. Isa yung kinakailangan para magawa mo ang ability mo. Kapag maubos ito, para ka ng patay na hindi makagalaw, tilad ng sabi ni ate sa akin. Pero may iba din daw na kaso kung saan namamatay ang isang ability user kapag nauubos ito.
"Pupuntahan ko lang siya sa kwarto niya. Goodluck nalang sa pagtakas niyo." Tumayo na siya at umalis.
Pinutol naman ni Hoy ang tali sa kamay ko. Kanina pa siya tahimik, para bang may iniisip. Tapos ay umupo kami ng maayos na nakasandal ang likuran namin sa pader. Kailangan nga naming makatakas dito pero pano naman namin magagawa yun?
Tinangal ko muna ang cloak. Napunta ang tingin ko sa may bilog na bintana malapit sa ceiling. Gabi na pala. Ilang minuto na kaya kaming nakaupo na hindi naguusap dito? At ano na naman ang problema ng lalakeng to? Nakakapanibago lang talaga ang katahimikang to. Hindi ako sanay. Sa bahay kasi palaging maingay dahil palagi akong kinukulit ni ate, at palagi naman sila nagaaway ni kuya tungkol sa akin. Hays. Kamista na kaya sina ate? Ilang araw narin kaming hindi nagkikita. Nag aalala kaya sila? Na mi-miss ko na sila. Napa buntong hininga ulit ako at niyakap ang tuhod ko. Makikita ko pa kaya sila?
"Hey, hindi ka ba nagugutom?" Napatingin ako sa kaniya.
"Sa tingin mo? Ilang araw na kaya tayo hindi kumakain."
YOU ARE READING
Magnus Academy: The Cursed Blood
FantasíaFamily. Loyalty. Trust. Friendship. A twisted fate with the name of love on the line. But is it still all for the name of love even when things get a little darker? -not your typical Academy story. •COMPLETED• (This story is written in Tagalog and E...