39 ♥ Sweet Words

16.3K 306 49
                                    

Chapter 39

[[ Nadine's ]]

" Oh nakakahiya naman sayo " "

napatingin ako sa lalaking nagsalita sa likod ko . si AJ lang pala na may dalang Ice Cream

hindi ko alam kung san ako dinala ng lalaking to pero sa puntong to , tanaw ko ang buong City . para akong nasa new york dahil medyo madilim na at ang makikita mo naang eh puro ilaw sa mga company at buildings

" Bakit Chocolate ? Vanilla sabi eh "

" Tss magrereklamo pa ito , dun ka sa kuy--- asawa mo pala magreklamo "

napatingin ako sa kanya . bwisit to kaya nga ako nagpasama sa kanya dito para hindi yung pag-usapan eh

Nung nakita ko si james at yung babae . para kong nilalamon sa inis at selos . walangya sya .

akala ko itinigil na nya ang pagiging playboy nya . eh kung hindi sa bar sa kumpanya naman nagadadala ng babae .

at guess what ? halos maghalikan na sila sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa eh

nung makita ko yun , nagmamadali agad akong umalis sa pinto . sa sobrang inis ko hindi ko mapigilang tumakbo habang nagtutubig ang mga mata ko .

saktong bumukas ang elevator nung nakapunta ako sa may hagdan kaya agad akong pumasok .

bago pa magsara yun nakita ko agad si james na humahabol at tinatawag ako pero nagsara na yung elevator

Saktong bumukas yung elevator sa lobby . hindi ko agad nakita dun si james . agad akong lumabas at sumakay sa isang taxi .

arghh . nakaka frustrate na . ang saya saya ko kanina kasi nagluluto pa ako ng pang lunch namin tapos ... wala na . parang bula na puputok lang kung kelan gusto . para bulang kung kelan ka natutuwang laruin eh bigla puputok kaya ang mangyayari , wala na yung happiness mo kasi wala na yung bula .

oh ano ? gets nyo ? oh sya wag nyo nang intindihin , baka gumugo ang ilong nyo !

My Bride And I --- [[JaDine]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon