Prologue

523 23 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, event's, and incidents are products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person's living, living or dead, or actual event's is purely coincidental.

PROLOGUE:

"Noong unang panahon, ang mundo ay pinamumunuan ng dalawang diyos.

Si Bathala at si Sidapa.

Sila ang nagpapantay at nagpapanatili sa pagiging patas ng mundo.

Ang liwanag at ang dilim.

Ang buhay at kamatayan.

Ang kabutihan at kasamaan.

Ang pagpaparaya at kasakiman.

Namuhay ang mga tao na sinasamba ang dalawang diyos.

Ang mga diwata at mabubuting engkanto ay mga lalang ni Bathala na namumuhay sa Utopia. Habang ang mga maligno at iba pang masasamang nilalang ay sumasamba at namumuhay sa kaharian ng Dystopia.

Ngunit sa pagdaan ng ilang libong taon, mas dumami ang sumamba kay Bathala dahil sa kabutihang dulot nito. Doon umusbong ang alitan sa pagitan ng dalawang diyos.

Ang dating tahimik at mapayapang mundo ay nagkagulo. Ang dalawang diyos at mga nilalang ay nag away away at dahil iyon sa inggit.

Kasabay na rin ng paghahangad ng malakas na kapangyarihan ng Diyos ng kamatayan ay nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mabubuti at masasama.

Ang mga tao at diwata laban sa demonyo at maligno.

Pero mas nanaig parin ang liwanag sa dilim. Nagtagumpay si Bathala na talunin si Sidapa ngunit kapalit naman non ang kaniyang buhay.

Binigay niya ang kaniyang lakas at kapangyarihan upang mapuksa si Sidapa. Kaya sa kasalukuyang panahon ay itinuturing ng pinakamataas na diyos si Bathala ng buong Utopia at mga mortal"pagkukuwento ng isang babae sa kaniyang dalawang anak na nakaharap sa kaniya habang sila ay nakaupo sa ibabaw ng malaking kama.

“Sandali!”sabi ng isang batang babae. “Kung napuksa na ni Lite ang kadiliman, bakit may mga demon assassin parin na gumagala at pumapatay sa mga bayan?”she asked.

Ganito kasi yon. Nagkaroon ng anak si Sidapa at iyon ay si Shadow. Siya ang naatasan ng kaniyang ama upang maglikom ng milyon milyong kaluluwa para ialay kay Sidapa at upang mabuhay muli. Dahil na rin hindi kaya ni Shadow ang ganoon karaming buhay ng mag isa ay naghanap at nagsanay siya ng mga Demon upang gawing assassin. Kaya naman ang bawat bayan ay napuno ng takot at pangamba dahil sumasalakay ang mga Demon Assassin na ito at kumitil ng mga enosenteng buhay."

"I hate them! Ang bad nila!"nakasimangot na sabi ng isa pang batang babae na kawangis ng isa.

"Samantala, ang anak naman ni Bathala ay dinalaw ng kaniyang ama sa panaginip.”

“May anak si Bathala?”tanong ng matapang na batang babae.

“Oo, at iyon ay si Fortuna ang goddess of the Earth. Ayon sa kaniyang panaginip ay kailangan niyang maghanap ng tatlong bagong tagapangalaga ng apat na elemento upang pigilan ang plano ni Shadow. Nagtagumpay naman si Fortuna, nahanap niya sina Ariadne, Phyllis at Grainne.”ngumiti ang inang nagkukuwento sa kaniyang mga anak. 

“Si Ariadne ang goddess of air, si Phyllis ang hot tempered god of fire at si Grainne ang womanizer god of water. Plinano rin nilang magkaroon ng eskwelahan para turuan at labanan ang mga Demon Assassin at upang maipagtanggol na rin ang kanilang sarili. Bago kasi mamatay si Bathala ay nag iwan ito ng isang kataga..."

"Another war breaks out but I'm not there to help you. But, From Adam's root, every Eve's shall bore a light who'll drove away the darkness."

***

UTOPIA ACADEMY: School of Elemental WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon