Chapter 12: Why oh Why???!!!

101 6 2
                                    

A/N: Dedicated to Miss Girlinlove kasi super nag-enjoy akong basahin yung 3W8L niya. At kahit tapos na yung story, babalik balikan ko pa rin yun:))

Sana po magustuhan niyo ang chapter na ito.

VOTE>COMMENT>RECOMMEND>BE A FAN:))

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 12: Why oh Why???!!!

Naglaro pa kami ng naglaro ng spin the bottle. Grabe game na game talaga kaming lahat. Ang saya saya. Tawa nga kami ng tawa eh...Super enjoy.

Syempre may mga uminom na rin ng 5shots kasi hindi nila kaya yung dare hahaha...ako? well...

kamuntik na...

*FLASHBACK*

“Oh Xixi, truth or dare?” Ynna

Si Ynna naman to eh for sure madali lang dare nito hehehe...

“Dare!”

“Ui! himala nagdare ang bruha. Hahahaha!” Sharie

“Naman!” tapos may pa-flip flip pa ako ng hair niyan...hahaha...perstaym ko mag-dare eh..ahahahaha...

“Okay Xixi, I dare you to....*Ngiting mapanloko* drink that bottle of tequila. Bottoms up ha?” ^_________^V Ynna

O____O!!!!

“Seriously?!”

Nagnod lang si Ynna at ang lapad lapad ng ngiti nila ni Sharie. Palibhasa nakainom na sila eh kaya gusto nila ako rin dapat uminom.huhuhu....what to do?

Kapag umayaw naman ako sa dare ganon pa rin ang bagsak ko. Iinom pa rin ako. huhuhu...tinignan ko yung bote ng tequila...Kalahati pa ang laman nito..waaaah!!andami...

“hoy Xixi ano na? inom na!!!” Sharie

Nooooo!!!! Umiling iling ako.

Nagulat na lang ako nung kuhanin ni Renz yung bote ng tequila at ininom niya ito. Bottoms up pa talaga! Woaaah!! bakit niya ginawa yun? May pinagdadaanan ba siya at kailangan niya magpakalasing???

“Grabe naman bakit may knight in shining armor dito! Ang daya naman eh. ayun na eh..Iinom na si Xixi eh.” Sharie

“Oo nga! Ang daya. ikaw Renz ha...siguro may gusto ka kay Xixi kaya ganyan...” Ynna

“Hahahaha...kayong dalawa umamin nga kayo! Ano na bang meron kayo ha?” Niel

“W-wala ah! trip niya lang talaga siguro magpakalasing. Dapat kasi sa kanya niyo binigay yung dare na yun. Nainggit tuloy kaya yan...”

“Hahahaha..eh bakit parang ikaw yung uminom ng tequila? Xixi namumula ka na...ahahaha..affected much???” Sharie

“Che! ewan ko sa inyo. ”

*end of flashback*

Patuloy pa rin sa pagkakatuwaan yung barkada. Tumigil na rin sila sa paglalaro. Nagshashot na lang sila ngayon. At dahil hindi ko na sila masabayan kasi inuman na ang usapan nag-ayos na alng ako ng gamit ko sa kwarto. Aalis na kasi kami bukas eh.

 “Hayan ah tinulungan kita kanina.”

“Ay kabayo!”

Nagulat ako sa nagsalita. Kasi naman eh bigla bigla na lang sumusulpot tong lalaking to. Di man lang kumatok

“Psh!” *Chuckle*

“Naman kasi para kang kabute. Di ka man lang ba marunong kumatok?”

“At bakit naman ako kakatok? Kwarto ko rin kaya to.”

Oo nga pala. Kami nga pala ang magkashare sa room na ito. henebe pahiya naman ako doon.

“Pero kahit na! Hindi lang ikaw ang tao dito sa kwartong to kaya dapat kumatok ka parin. At paano kung nakatowel lang pala ako ngayon? oh di ba?”

“Eh kaso hindi ka nakatowel. Saka huwag ka mag-alala hindi kita type kaya hindi kita bobosohan.”

Argh! Antipatikong to! Nagpatuloy na lang ako sa pag-aayos kasi kung makikipagtalo pa ako s kanya eh wala din naman akong mapapala. Saka mukhang may tama na rin siya eh.

“ hoy Xixi, May atraso ka sa akin ha at maniningil ako sayo pagdating ng panahon.” *sabay grin*

Okay. That’s it! Kaya niya ininom yun eh para tulungan ako at hindi dahil sa may pinagdadaanan siya ganon? Tapos may kapalit ang pagtulong niya sa akin?? Ano naman kaya yun? sana lang hindi kalokohan yung kapalit nun. huhuhu...I’m so dead! tingin niya pa lang eh parang hindi ko na gusto yung kapalit. Dapat na ba akong kabahan? huhuhu...Bakit ba kasi ininom niya pa yun!!!! pwede naman akong mag 5 shots na lang eh. kaya ko naman siguro yun...

Pero salamat pa rin sa kanya. Ayoko talaga ng alak eh. Hanggang juice lang ako...hihi...Tatakasan ko na lang siya kapag maniningil na siya..Bwahahahaha!

“And don’t ever think of escaping kapag dumating ang araw na maniningil na ako sayo.”

Grab!, mind reader ba siya?  Paano niya nalaman ang iniisip ko? Masyado na bang malakas ang pagsasabi ng utak ko? Or baka naman nawala ako sa sarili ko at nasabi ko talaga yun literally? Oh no!

“h-ha? Bakit naman sana ako tatakas? Psh!”

“Aba ewan ko sayo.”

“Mind reader ka ba ha?”

“So you’re thinking of escaping huh?”

“H-ha? Hindi ah. Huwag ka mag-alala hindi kita tatakasan noh!”

“dapat lang kasi kapag tinakasan mo ako, lagot ka sa akin.” *Grin*

Ayan nanaman ang mga tingin ng mga matang yan at ngisi ng labing yan...huhuhu...bakit ka ba ganyan...

Bumibilis nanaman yung tibok ng puso ko....

Dapat na ba akong magpacheck up? Dumadalas ata ang pagbilis ng tibok ng puso ko eh. Normal pa ba to? Baka naman masyado ng malakas ang nerbyos ko? Hindi na ako iinom ng kape..huhu

My Dare Dreamboy<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon