Chapter 3: This is it!Pancit!:)

155 12 4
                                    

Chapter 3: This is it!Pancit!:)

“Xixi wake up”    toktoktok

“Xixi!!!”

Urgh! Ang ingay naman.... istorbo sa tulog! eesshh! *sabay kuha ng unan at tinaklob sa mukha at akmang matutulog na ulit.*

“Xixi open the door. Come on! It’s already 8am. Wake up!”

huh?? boses ng dalawang bruha yun ah! Bumangon na agad ako para pagbuksan yung dalawa kasi kung hahayaan ko pa sila doon eh baka masira na yung pinto ng kwarto ko kakakatok nila. Ano bang klaseng kamay meron tong mga to. Pambabae pa ba?-_-

Pagkabukas ko ng pinto...

“ Sa wakas binuksan din ni sleeping beauty ang pinto. Halos mamaga na yung kamay ko sa kakakatok eh!” Ynna.

“ Eh ano ba kasing meron at kay aga-aga nambubulabog kayo?” me

Dapat mamayang 10am pa ko gigising eh! Weekend kaya ngayon...I should be resting...and sleeping until I want...

“ Naisip kasi namin na ngayon na natin gagawin yung mga dare natin at since weekend naman, mag-girl bonding na din tayo.” Sharie.

“ Whaat?! as in ngayon na? agad agad??” me

“Makapagreak naman to wagas...Don’t worry yung sa may libre part pa lang naman. Magprapraktis muna kami sa mga dare namin hahahah” Ynna

Pheeew! buti naman...susme di pa ko ready itext si Renz noh!

“Oh maligo ka na ng maka-gora na tayo bruha. Excited na  ko eh!”(n_n) Ynna.

“Oo na po. Give me 45mins. to prepare. Nuod muna kayo diyan or mag-internet kayo. Pahanda na lang kayo kay manang ng food kapag gusto niyo kumaen.” me

“Yan naman ang gusto ko dito eh! Minsan nga Xixi paampon kahit isang araw lang.(^___^)” Sharie.

“Che! kung mag-aampon man ako eh hindi ikaw yon. Mamumulubi kami sa katakawan mo eh.” me

“Grabe ka naman..(sabay pout)” Sharie. tapos binato yung unan sakin...tinawanan na lang namin siya...Pikon talaga ever..hahaha

Mga 10:45 na kami nakarating ng mall kasi yung dalawa inantay ko pa...Nawili sa pagkain at pag-iinternet. Tapos medyo traffic na din kasi sa daan...

“Oh mga bru san muna tayo?” Sharie.

“Ahm pwede bang kumain muna?? Di pa ko nagbrebreakfast eh. Remember??” me

“Ah oo nga pala. Sige tara! San niyo ba gusto kumain?” Sharie

“Kahit saan basta makakain lang tong mga alaga ko at kanina pa sila tumatumbling sa tummy ko eh. Ingay ingay tuloy.” (-_-) me

At tinawanan lang nila ako. Since gutom na gutom na ako, Napagdesisyonan naming sa Jollibee na lang kumaen para mabilis dumating yung order. At dahil ngayon na nga namin gagawin ang mga dare namin, si Sharie ang nagbayad...At dahil libre, Umorder kami ng napakarami ni Ynna...Bwahahaha! Buti na lang pala di ako kumain ng breakfast. Mapaparami kain ko nito.

Ang sarap talaga kumain kapag libre^_^

Ang next stop naman namin ay sa may Nailcessity. Si Ynna na ang next na manlilibre....Medyo natagalan kami dun kasi sa dami ng pagpipilian na nail designs, hayun di kami makapili=_= kulang na lang i-try namin lahat...In the end, nakapili din kami...with the help of their staff...haha...maganda naman yung pili niya...so girly!...at dahil BFFs kami, pareparehas kami ng nail arts. wala lang trip lang:))

Sa max rider naman ang sinunod naming puntahan. It’s my turn to pay for the bill...At ang dalawang bruha tinotoo nga nila na magthree rides kami. Hihirit pa nga sana sila eh kaso....

My Dare Dreamboy<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon