Chapter 16: Photoshoot

123 4 2
                                    

SHOWING ONESELF FRIENDLY IS MORE THAN A PRETTY SMILE AND A FRIENDLY HELLO:))”

 

Chapter 16: Photoshoot

Andito na ako sa studio kung saan magaganap yung photoshoot namin. Nalate ako ng 5mins. kasi naman ang hirap takasan nung dalawang bruha. Gusto kasi nila sumama sa akin kasi ayoko sabihin kung saan ako pupunta. Ayoko kasing malaman nila na I’ll be working with Renz. For sure aasarin nanaman ako nung dalawang yun.

At dahil late ako...sinermonan ako ng malditang baklita na na-assign para mag-organize ng event na ito. Bakit daw ako na-late. Hindi ko daw ba alam na marami pang kailangang asikasuhin dito at nagmamadali ang lahat kasi malapit na ang business launching blah! blah! blah! hindi ko na naintindihan yung iba niyang sinabi kasi ang bilis bilis niya magsalita.

Makapagsermon lang siya wagas. Wala pa nga yung partner ko “daw” eh. Nakuh! Goodluck na lang sa pagong na yun. Kung ako andami ng natanggap na sermon panu na lang kaya siya??? Hmmm....Wahahaha!!! exciting..si Renz masesermonan...hahaha!

Kasalukuyang inaayos yung make-up ko nang dumating si Renz.

“Sorry, I’m late” sabi nito na halatang hingal na hingal dahil sa pagmamadali.

Mukhang galing pa siya sa practice nila. Tzk! tzk! kawawang bata...daming ginagawa..

Malapit na rin pala ang Basketball competition nila against other universities kaya todo practice sila ngayon. Kayanin niya pa kaya ang busy sched niya?? at kayanin niya pa kayang makarinig ng sermon gayong pagod na pagod na siya???hihihi...

Lahat ng tao sa loob ng studio tumingin sa bagong dating na si Renz...Tapos...

“Ay! ang gwapo! Papalicious...uhmm...*pacute* It’s okay dear. Halika, aayusan na kita.” sabi ng malanding bakla at todo pacute pa talaga.

Grabe lang ah! akala ko naman pagagalitan siya...taliwas pala sa iniisip ko. Ang daya!! Rawr!Unfair!!!unfair talaga!!!

 Kamusta naman ang late lang naman ng 5 mins. kumpara sa 30mins late???eeesshhh! Ang malas ko ata ngayong araw na to.

“Okay, relax lang kayo ha? Give your best shot. In doing this dapat plagay na kayo sa isa’t isa and you should trust each other para maganda ang kalalabasan ng mga pictures niyo. And I assumed, it won’t be hard for us to do this photoshoot since you two know each other and friends din kayo kung tama ang narinig ko mula sa mga mudra niyo.” sabi nung photographer.

Nagtinginan na lang kami ni Renz at nginitian na lang namin yung photographer.

“I think all things are set. Let’s start. Xixi, lumapit ka pa ng konti kay Renz. Then, renx hold her in her waist.Relax lang ha...”

sinunod din naman yung sinabi niya kaso hindi talaga namin maiwasan nitong kasama ko na magkailangan ...kaya palpak lahat ng ginagawa namin^___^V

My Dare Dreamboy<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon