A/N: Dedicated ulit kay @elfkmvlee14 dahil nahulaan niya yung susunod na event or should I say, nahulaan niya yung pinapahulaan ko:))
Enjoy Reading!!!
------------------------------------------------------------------------------------------------
“WE CAN’T EXPECT THINGS TO HAPPEN THE WAY WE WANT THEM TO.”
Chapter 15: I’m Doomed!!!!
*Back to School*
Xixi’s POV
“Aargh!! Nakakainis talaga!” me
“Hoy Xixi, mauubos na yang dahon ng bulaklak. Maawa ka naman.” Sharie
Katatapos ng first class namin at dahil vacant namin, kasalukuyan kaming tumatambay dito sa favorite spot namin sa school. Saan pa ba kundi sa school garden lang naman. Ang ganda kasi ng view dito. Ang daming flowers at ang lamig ng simoy ng hangin. Kapag stress ka na at masyado kang preoccupied, magandang magrelax at magmuni-muni dito kasi napakapeaceful. Konti lang kasi ang nadadaan sa part na to.
“Ano ba kasing problema mo bru ha?” Ynna
“E naman kasi si mommy, sa dami ng ipapagawa niya sa akin yun pa!” me
“Ano ba yung pinapagawa sayo? Mahirap ba masyado at ganyan ka makapagreak?” Ynna
“OO nga. Pero wait lang ha, Last time I checked, Xiah Mikaela Concepcion loves challenges and she never backs down from anything. So what happened to her now?”
“EEsh! Iba tong sitwasyon na to mga bru. Not a chance! Never! and especially, not with that person!!!”
“Ano nga kasi yun ha? at sino ba yang taong kinaiinisan mo? Baka naman gusto mo sabihin sa amin. Kasi gurl hindi kami mga manghuhula dito.” Sharie
Sasabihin ko ba sa kanila? Huwag na lang kaya? Iniisip ko pa lang mukhang maloloka na ako sa magiging reaksyon nila. Knowing them,tzk! for sure hindi nila ako tatantanan at tiyak aasarin lang nila ako.
o-owh! ayan na po sila...nasa harapan ko na at kasalukuyang hinihintay ang sasabihin ko. Yung mga tingin nila, halatang naiinip na. Dapat maka-isip na ako ng paraan para makaalis dito. ^______^V
Cellphone ringing *Gang Nam Style*
“Who’s phone is that? pwede pakichange ang ringtone? please lang. That song is irritating me already. Puro yan ang pinapatugtog ng bunsong kapatid ko sa bahay eh.” iritadong pagsabi ni Ynna
Ako naman, nakahinga ng maluwag kasi kahit papaano, nadivert sa iba yung posisyon nila.hihi...Pero...
Teka akin yata yun ah.-___- May nagbavibrate kasi sa loob ng bag ko. Agad-agad kong kinuha ang phone ko sa bag para icheck kung sakin nga talaga yung pinanggagalingan ng tunog na yon.
At sa akin nga talaga! Paanong...
Paanong napalitan ang ringtone ko??? Napaisip ako...
Mukhang alam ko na kung sino may kagagawan nito -____-.
*FLASHBACK*
Habang busy sila mommy at tita Jean sa pag-uusap ng launching ng clothing line business nila, busy naman kami ni Renz sa pag-aasaran. Buti nga hindi kami napapansin nila mommy eh kasi kung nagkataon, mapapagalitan ako.Parang bata lang eh noh na pagagalitan kasi nang-aaaway. ^___^
Pagkaraan ng ilang minuto, napagod na ata yung mokong sa pang-aasar sa akin at mukhang naiinip na tulad ko. Ang tagal naman kasi mag-usap ng mga mommy namin. Haaay...
“Oi tigre, pahiram nitong phone mo ha?” Renz
“Tigre ka diyan! palibhasa mukha kang unggoy! psh! Manghihiram na nga mang-aasar pa!”
then he chuckled tapos kinuha na yung phone ko. Garabe lang talaga ton taong to ha. FC lang...
“Hoy gutrang na tsonggo hwag mong lobatin yan. Saka bakit ba kasi hindi na lang yung phone mo ang gamitin mo ha?”
“Baka kasi malobat yung phone ko eh pag yun ginamit kong panglaro. Kaya eto na lang gagamitin ko.” Ika nito saka ako binelatan. Sumosobra na talaga siya ha. Konti na Lang talaga itutulak ko na siya sa kinauupuan niya. Arrgh!
Pero infairness, magmula nang simulan niyang kalikutin yung phone ko, hindi na siya umimik at lalong hindi na rin niya ako inasar. Ang tanging ginagawa niya na lang ay ngumiti ng ngumiti. Ano kaya ginagawa ng mokong na to sa phone ko?? Hindi ko na lang siya pinakialaman kasi baka mamaya, asarin nanaman niya ko. Okay na ring ganyan siya kahit muntanga.
Pero nacucurious talaga ako sa ginagawa niya sa phone ko eh....HHhhmmmm...
*End of FLASHBACK*
So eto ang isa sa dahilan ng pagngiti ngiti ng mokong na yon? Renz!!! Humanda ka sa akin mamaya!!!
“Seriously Xixi??? Tititigan mo nalang ba yang cellphone mo? “ Sharie
“A-ah sorry. ahehehe...wait lang ha. Kailangan ko lang i-take tong call.”
“Naman! kanina pa tumatawag yan eh. Sino ba yan ha? wrong timing naman makatawag.” Ynna
“Si mommy to noh. Gaga!”me
“Oooppsss”Ynna. *sabay takip ng bibig niya saka nagpeace sign. *
Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Saka ako nagpunta sa may di naman kalayuan. Baka kasi marinig nila yung pag-uusapan namin ni mommy. Mabuking pa ako. Alam ko na kasi ang dahilan ngpagtawag ni mommy eh...feeling ko lang naman..hihi
“Hello Ma,”
“Thank God! You answered your phone. I’ve been calling you kanina pa. What took you so long to answer your phone? Vacant mo ngayon di ba? Asaan ka nanaman bang bata ka ha?” Mommy
Chineck ko yung phone ko at ang dami ngang missed calls ni mommy. Kahit din yung sekretarya niya pinatawag niya sa akin.
“Soory po. Hindi ko po napansin eh. Andito po ako sa schoolo. I’m with Sharie and Ynna. We’re waiting for our next class. “ me
“It’s okay. Anyway, I just called to remind you na today is your photoshoot with Renz...that would be mga 5pm, then after non, may meeting kayo saglit regarding the fashion show. Don’t be late dear!” Mommy
“Ma, seryoso po ba talaga kayong kami ang gagawin niyong model? Why don’t you hire professional ones to advertise your designs? Mas maganda yun Ma kasi mas kilala, mas mapapansin ng madla!” tuwang tuwa pa ako sa pagsasuggest niyan.
“Ah basta! kayo ang gusto namin. That’s the plan. Isn’t it cool kung mga anak namin ang mga models ng designs namin?! I’m so excited. Lalo na at bagay na bagay kayo ni Renz. You look so good together.” sabi ni mommy na kinikilig kilig pa.
“Ma naman eh, nang-asar ka pa. *sabay pout as if makikita ng kausap ko:))* Please po ma..I’m begging iba na lang kunin niyo. Wag na kasi ako.”
“Too late to back out sweety! haaay...I’m so excited to see you with Renz wearing our product na!. Oh I got to go anak may meeting pa si Mommy eh. Bye! I love you!!!” Tapos naputol na ang linya.
Ugggh!!! I’m Doomed.
Bakit ba kasi clothing line business pa ang naisipan nung dalwang yun? Pwede namang resto na lang tutal ang hilig hilig naman nila magluto. Tuloy nadamay nanaman ako sa pinaggagagawa ni mommy.
haaay..ano lang kaya ang mangyayari sa akin. I’m stuck with that annoying monster!!! Ilang araw rin akong dapat magtiis sa presence niya kasama ng mga pang-aasar at pambwibwisit niya.
Malas!!!!
A/N: Can’t think of any lesson/insight for this chapter hihi...sensya na kung yun ang nailagay ko...
at pasensya na rin kung Lame update...babaguhin ko na lang tong chapter na to kapag may time na po ako:)) sorry rin po sa mga typos.
saka na rin ang picture...
Till next Update^____^
10 comments before next update. (Oh comment lang yang hiningi ko ha? Bigay niyo na po sakin yan...hahaha!)
-X!@h-
BINABASA MO ANG
My Dare Dreamboy<3
Ficção AdolescenteKapag ba napanaginipan mo ang isang tao lalo na't never pa siya naging part ng buhay mo..may tendency ba na mapansin mo siya at ma-fall ka sa kanya?? And what if parehas kayong may mapait na nakaraan??handa ba kayong sumugal ulit para sa pag-ibig...