Chapter 8: Letting Go???....

142 7 5
                                    

A/N: Isang malaking SORRY po sa chapter na ito. Sobrang nahirapan po kasi talaga akong magsulat ng chapter na ito kasi wala na po ako maisip na katuloy ng story ko. Kung pwede nga sana ending na agad eh. hahaha...

Nawawala na rin po ako sa flow ng story ko. (Pakikwento nga.)

Anyways...Enjoy reading...

VOTE>COMMENT>RECOMMEND>BE A FAN:)) para ma-inspire ako.LOL.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 8: Letting Go???....

Ynna’s POV

“Hey Ynna, Are you listening?” Xixi

“H-huh?” me

“Ano ba yan....Kanina pa ako dada ng dada dito yun pala walang nakikinig. Sana naman binigyan mo na lang ako ng piso ng bumili ako ng kausap ko di ba? Sayang laway ko teh...” Xixi

“Pasensya ka na bru. Kasi naman eh...Haaay.” Me

“Wow! lalim nun ah. Di ko mahukay.” Xixi.        Tinignan ko lang siya sabay pout.

“What’s your problem ba bru? Care to share, Care bear?” Xixi.

“W-wala. Umiral lang siguro kaartehan ko.” Me

“Wala? Sigurado kang wala sa lagay na yan? Eh itsura mo pa lang hirap na ipinta eh. Para kang pinagsakluban ng Langit at lupa. Pangit mo na tuloy...” Xixi

“Hindi ko maiwasang kainggitan si Sharie. Ang swerte swerte niya kasi mahal na mahal siya ng boyfriend niya. Ako kasi, hanggang ngayon nangangapa pa rin ako  sa aming dalawa ni James.” sabi ko.

“Ayun!!! teh, hanggang ngayon ba yan pa rin ang issue? garabe lang ha. Garabe talaga. Ynna, 5months na kayo ni James. Hindi ka naman siguro bulag o manhid noh? Kitang kita naman kung gaano trinatry nung tao na makabawi sayo. Malay mo one of these days dumating din yung pinakahihintay mo. Biglang sorpresahin ka na lang tapos sasabihin niya na yung magic words. “Ynna, I love you.” sabi niya na ginaya pa talaga yung boses ni James.

Oo, tama ang nalaman niyo. We’ve been together for almost 5 months pero until now, never ko narinig sa kanya na mahal niya ako. Puro na lang like...like...like...facebook lang ganon...

Sabi niya babawi siya sa akin. Sabi niya itratry niyang magwork kami. Nakikita ko naman yung mga efforts niya eh kaso bakit parang hanggang doon na lang yun. Parang hindi kami umuusad. Kung ano kami noon, ganoon pa rin hanggang ngayon. In short, may kulang. One-sided love pa rin ata kasi ang relationship namin eh...Ganoon ba talaga kahirap sabihin na “Ynna, I love you.”

“Kailan pa yon? Buti pa si Niel at Sharie everyday may bago sa relationship nila. Bilis nga lumevel up eh. Everyday ng pagsasama nila memorable at meaningful. They never failed to show how much they love and appreciate each other. Eh kami? everyday is just an ordinary day for us and everyday is meaningless.”

“Ano ka ba. Stop being insecure. Si Niel at Sharie may sariling kwento at kayo ni James may sariling kwento rin. Nagkataon lang talaga na yung dalawa eh nagstart sa pagkakaibigan. Bestfriends pa nga sila di ba? Eh kayo? strangers lang kayo nung umpisa.”

Nagets ko naman yung punto niya pero hindi ko pa rin talaga mapigilang mainggit dun sa dalawa.

“Patience Ynna, Patience. Makontento ka na lang muna sa kung anong meron kayo ngayon ni James. Darating din kayo sa level nila Sharie at Niel. Tiwala lang. As long as you’re in each others’ arms, there’s nothing to worry about. Hindi pa ba sapat na sayo lang tumitingin si James? Baka sa pagiging praning mo diyan, eh lalo siyang mawala sayo.”

“Natatakot kasi ako bru eh, paano kung sa sobrang pagtitiwala ko naman, masaktan lang ako sa huli at paano kung umaasa lang pala ako at naghihintay sa wala? Saka ang hirap din alamin kung hanggang kailan at kung hanggang saan tong relasyon namin. Napaka-uncertain kasi eh.”

“Wala ka naman dapat ikatakot eh. Parte lang ng pagmamahal ang masaktan. Saka kung natatakot ka pala, eh dapat you didn’t enter in this kind of relationship in the first place. Alam mong sa umpisa pa lang na masasaktan ka at aware ka naman kung ano yung pinagdadaanan ni James bago naging kayo di ba?. He even told you the truth at naging honest din siya sa nararamdaman niya.  Look Ynna, kung ang pagsasabi lang niya ng I love you ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan eh itigil tigil mo na yang dramang yan. Ang mga tao may sari-sariling way kung paano nila ishow yung love nila sa mga taong mahal nila. At ang boyfriend mo eh more on actions kesa sa words. Malay mo rin, he’s not just used of saying those words lang talaga. Sige nga, I’ll ask you, which will you prefer, a guy who’s always telling how much he loves you pero ni minsan di naman pinaramdam o a guy who always shows how much he loves you kahit hindi siya ganoon kavocal sa nararamdaman niya sayo?” Mahabang litanya nito.

“Syempre I’ll go sa second choice noh. haaay.... siguro nga tama ka, pero bru....iba pa rin naman kasi pagsinasabi ng mahal mo na mahal ka niya di ba? Hindi ba mas masarap yung feeling kapag narinig mung sinabi niya rin na mahal ka niya...kahit minsan lang...At saka at least alam mo na mahal ka niya. Malay mo yung kabaitan at kasweetang pinapakita niya sa akin eh bilang friend lang pala? Ayoko na mag-assume Xixi. Masakit na.”

“Gaga! Mag-antay ka kasi, sasabihin niya din yun. Saka may magkaibigan bang naghahalikan at super sweet? Kulang na nga lang dumugin kayo ng langgam sa sobrang kasweetan niyo eh.” Binato ko nga siya ng tinapay. Nagawa pa talaga niya mang-asar ha.

“Aaargh!!! hindi ko na alam ang gagawin ko. Kasi naman yang lalaking yan eh. Napakaunpredictable!!!”

“Wala ka naman dapat gawin eh. Kailangan mo lang talagang mag-antay. At kung hindi ka na talaga makapag-antay at nasasaktan ka na talaga, Let go.”

Napatayo ako sa sinabi niya. Nagulat ako...at the moment na marinig ko yung mga salitang yun nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.

“Whaaat?! Let go?”

“Ah-huh! learn to let go when you’re hurting too much. Parang pagsakay lang ng jeep yan.”

Tinignan ko lang siya ng anong-konek-look. Ano nanaman tong pinagsasabi ng babaeng to? Hindi talaga siya nauubusan ng mga kung ano-anong love advices ha. Dapat magkaron din siya ng show tulad ng kay papa Jack eh. Tingin niyo?

“Kapag ba nakita mong puno na yung jeep sasakay ka pa ba? Isisiksik mo pa rin ba yung sarili mo, magkasya ka lang? Makasakay ka lang?”

“Of course not! Masakit kaya maipit at nakakangalay sa paa kapag hindi ka nakaupo ng kumportable. And why should I force myself inside it kung pwede naman akong mag-antay ng panibagong jeep.”

“That’s it! that’s my point.”

“Huh? Hindi kita mintindihan.”

“Alam mo, parang love lang yan. Kung hindi mo na kaya at nasasaktan ka na, huwag mo ng ipilit. Kung sadyang wala kang puwang o lugar sa puso niya at sa buhay niya, you should let go. kasi the more you push yourself to him, mas lalo ka talagang masasaktan. Bakit hindi mo na lang antayin yung right guy for you? Lahat ng tao dito sa mundo, may nakalaan para sa kanila. And maybe, James is not meant for you. Isa lang siyang props sa buhay mo para turuan ka ng lesson or pwedeng panggulo lang din muna. Why don’t you let go and wait for the right guy?”

“Hindi ko kaya yun bru. Mahal ko siya...sobra”

“Haist ewan ko sayo! Bahala ka nga diyan. Saka kung saan saan na ata napupunta tong pinag-uusapan natin. Hindi ko na rin alam kung I’m still making sense here.”

Tapos umalis na siya at nakijoin sa barkada na kasalukuyang nagswiswimming ngayon.

Haaay... dapat nga kayang maglet go na ako? Matagal tagal na rin akong nag-aantay na mahalin niya ako kaso feeling ko hanggang dito na lang talaga kami. Maybe Xixi is right. We are meant to be friends lang talaga.

Nakuh enough na nga muna sa pag-eemo. Mabuti pa magswimming na rin ako. Dapat sulitin ko na to. Last day namin dito sa beach resort eh. Aalis na daw kasi kami maya maya eh. Madami pa daw kaming papasyalan na lugar dito sa Batangas sabi ni Niel.

My Dare Dreamboy<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon