- 4 -
- Maddie's POV -
unang araw ng practice para sa graduation ....
andito kaming lahat sa gym .... una daw munang pa-practisin ang mga kanta para sa baccaulaureate mass at graduation ceremony ...
masakit na lalamunan ko kaka-kanta ...
naks feeling singer lang ^____^
" ok sige mag lunch muna kayo tapos bumalik kayo dito ng eksaktong 1pm ha "
" yes sir " sagot naming lahat ...
yung adviser namin at yung kapatid niya na music teacher namin ang nagtuturo ng kanta ...
" kapagod kahit kumakanta lang " reklamo ni kariza
" oo nga eh , hayyyy "
pagtapos ng lunch break naka balik na kami sa gym ....
" kailan kaya iaannounce yung mga sure na gagraduate ? " tanong ni anne
" oo nga noh , nagpapractice na tayo dapat sabihin na nila " sabi ni jane ...
" guys punta daw tayo ng audi , lahat daw " sigaw ng taga kabilang section ...
(audi= auditorium)
bakit kaya ?!
pagdating namin dun pinagsamasama kaming magkaka section ....
" pinatawag namin kayo dito para sa isang malaking announcement " panimula ni mrs. dela cruz
" nakikita niyo ba tong hawak ko ? nandito nakasulat kung sinu-sino ang mga magreretake ng exam , meaning sila yung mga hindi pinalad sa deliberation. they will have to retake the exam at kailangan maipasa nila yun. dahil pag hindi, kailangan na nilang umulit ng 4th year"
OMG !!!!! wala sana ang pangalan ko dun ....
naiiyak na ko .... pinagpapawisan ako kahit may aircon naman ....
" let's start with st.andrew, eto na yung mga names ng magretake ng exam , blah blah blah blah blah ..... "
*inhale.exhale* waaaaaa kinakabahan ako ....
" madz, relax lang " sabi ni jane
" oo nga naman " pag sangayon ni anne at niyakap pa ko
" bhezzzie , aja ! " sabi naman ni kariza ...
" thanks guys pero sobra talaga kaba ko ...."
" and the rest are graduates "
at nagpalakapakan naman lahat ng nasa st.andrew na hindi tinawag ang pangalan ....
" ok sa st.john naman tayo , ready naba kayo ? "
" opo "
" hindi pa " mahina kong sabi
" hehe ano ka ba madz , think positive " natatawang sabi ni jane
" ok here are the names ng mag take ulit ng exam , blah blah blah blah blah Llena , Ramos , blah blah blah "
ok nilagpasan ang M , pero teka baka hindi naman alphabetical to ....
" ok and the rest are graduates "
whhhhhaaaaaaattt ????? graduate ako ????????
after ng announcement na yun , nagtuloy tuloy na ang practice namin ....
araw araw practice .... pero ok lang ...
nag promise si mama na uuwi dito para sa graduation ko ....
syempre gusto ko sila ni papa ang kasama ko sa graduation ko ....
civil naman sila sa isa't isa .... ayos din naman ang pakikitungo ng kinakasama ni papa kay mama ...
dumating ang araw ng graduation .....
mass muna bago ang ceremony rites ...
sa mass , kailangan namin lumakad sa may aisle together with our parents ....
bago dumirecho sa upuan namin ....
sa kalagitnaan din ng mass ... meron kaming hinandang surprise para sa parents namin ....
kakantahan namin sila at aabutan pa namin ng flowers .... lalapit din kami sa pwesto nila ....
pero nalungkot ako paglapit ko sakanila ....
si mama lang kasi ang naabutan kong nakaupo ....
" nasan si papa ? " tanong ko pagka abot ko ng flowers ... niyakap ko rin siya , kasi medyo naluluha ako ....
" lumabas eh, naiyak kasi si Mat , andun sila Darlene " sagot ni mama ...
hindi ba pwedeng ako muna ??? araw ko naman to diba ???
hindi ba pwedeng magpaka selfish ako kahit ngayon lang ???
makasama ko man lang ulit ng buo ang pamilya ko , yung walang kahit na sinong extra ????
bumalik ako sa upuan ko na malungkot ....
natapos ang mass , dumirecho na kami sa gym para sa graduation ceremony ...
at ang finale ay ang pagkanta namin ng Graduation song , lahat kaming studyante nasa stage ....
halo-halo ang nararamdaman ko ...
masaya kasi grumaduate ako , malungkot kasi akala ko masosolo ko si papa at mama ...
»»»»»»»»
[ A/N: awww :( so sad for Maddz , okey lang yan gurl ... ]
BINABASA MO ANG
SML2 [ Offline Message: I'm here ]
Teen Fictionpanibagong kwento ng Social Media Love ... ang kwento ng maharot , makulet at pinaka dakilang bestfriend na si Maddie ... alamin ang kwento sa bawat ngiti niya ...