- 10 -
- Maddie's POV -
sa dami ng pwedeng mag comfort sakin , pero bakit siya pa ???
opo si Luis nga ...
" huwag mo na siyang iyakan , huwag mong sayangin ang luha mo sakanya " nakatingin siya sakin ...
" ang sakit lang kasi eh , akala ko kasi siya na talaga yung taong magmamahal sakin " sagot ko , tumungo ulit ako ... ayoko kasi makita niya kong ganito ...
" kawalan naman niya yun , hindi ikaw ang nawalan " sabi pa niya
" kasi hindi ako maganda --- "
" wala naman sa hitsura yun Maddz , gago lang talaga siya , hindi niya alam na isang espesyal na tao ang pinakawalan niya "
napatingin ako sakanya sa mga sinabi niya .... hindi ko akalain na maririnig ko yan sakanya ....
nagulat nalang ako ng punasan niya yung luha sa mga mata ko ....
" huwag mo na siyang iyakan ha , mag smile ka lang parati "
hindi ko inakala na sakanya ko maririnig ang mga salitang magpapagaan sa nararamdaman ko ..... yung taong minsang nakasakit din sa puso ko ng hindi sinasadya ....
matapos kami mag usap ni Luis , sobrang gumaan.ang pakiramdam ko ...
tama naman siya eh , di ko dapat pag aksayahan ng luha yun ....
" class , meron tayong activity na gagawin next week saturday ... pupunta tayo sa New Bilibid Prison , at kailangan niyo silang interviewhin " sabi ng teacher namin sa NSTP ....
inassure naman nila ang safety namin sa loob ... at sinabi nila na sa Medium naman daw kami mag iinterview at hindi sa Maximum ... ang mga nasa Medium kasi yung mga hindi naman daw malala ang kasalanan .. kumpara sa mga nasa Maximum na matitindi daw .....
araw ng pagpunta namin sa bilibid , tanghali na pero wala pa rin ang bus namin ....
lumapit si Resa sa teacher namin at tinanong kung pwedeng mag commute nalang kami , sa totoo lang mas makaka mura talaga kami pag ganun ...
nagpauna na kaming umalis , kaming magkakaklase , sumama na rin samin yung ilang taga ibang section .. at siyempre kasama namin si Vash , boyfriend ni bru .. at iba pa nitong kaklase ...
sa subject kasing ito magkakasama ang ACT/BSCS , BSCoE , DCET at DIT .....
pagbaba namin sa may alabang , nag abang nalang kami ng jeep ...
sakto namang walang ibang sakay yung jeep kaya napakiusapan namin na kung pwedeng hanggang bilibid na niya kami ihatid ... pumayag naman si manong driver ...
marami kasi kami medyo siksikan na ... pero aba si bru , umeeksena ...
kinandong kasi siya ni Vash , para magkasya kami .... hansweet nomon ........
inaasar nila si Yhallie , at ako nakikitawa lang ... pero napadako sa pwesto ni Luis.amg paningin ko , ngumiti naman siya pero masyado siyang tahimik ...
di lang siguro niya trip ang makipagharutan ...
pagdating namin sa bilibid , binaba kami mismo sa may Medium area ... naghintay nalang kami dun sa pagdating ng teacher.namin kasama ang iba pang studyante .....
almost 30 minutes kaming naghintay ... nang makareceive kami ng text na nasa may Maximum daw sila ... at pinapapunta kami dun ...
medyo may kalayuan kaya nag tryke lang kami .....
kaya pala kami pinabalik dahil sa minimum area nalang daw kami mag iinterview ... at dadaanan namin yung place kung saan dating ginagawa yung lethal injection at yung dating silya elektrika ....
pagtapos doon ay naglakad na kami papunta sa Minimum ...
mainit na dahil 10.30 na ng umaga .... tirik na tirik na ang araw .... at ako bilang girlscout , may dalang payong .... kasukob ko si Aizel sa payong ko ... nasa harapan namin si Yhallie at Vash na obviously ay magkasukob sa payong , si Joey naman kasukob si Ryan sa payong na nasa harap rin namin ...
" ang init , pasukob "
nagulat pa kami ni Aizel sa biglang pagsulpot ni Luis , naka akbay pa samin ni Aizel .....
" alis naman Luis , hindi tayo kasya " sabi ni Aizel , nawawala na kasi siya sa sukob ng payong ...
" e di huwag ka nalang makisukob " sagot ni Luis at tinulak pa niya si Aizel ...
natatawa lang ako sa kanilang dalawa , kasi init na init talaga si Aizel .... ako kasi may payong na , may pamaypay pa ... kaya pati dun nakikisukob si Luis ...
hindi pa rin inaalis ni Luis ang pagkaka akbay sakin ... ok lang naman sakin ... magkaibigan kami , so walang masama ... pero bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko .... pssh ! wala lang to ...
dahil inaasar pa rin ni Luis si Aizel at medyo napapalakas ang pagtawa ko , napalingon na samin sina Yhallie at Joey ... at ngiti lang ang naiganti ko sakanila ...
hindi inalis ni Luis ang pagkaka akbay sakin hanggang sa makarating kami sa Minimum .....
pagkadating namin dun , agad naming sinimulan ang pag iinterview ....
malapit na pala makalaya silang makalaya ... may pardon ng ibinigay sakanila .... at nakatakda ang ang paglaya nila sa susunod na taon ....
at sa buong pag stay namin dun , nangungulit pa rin samin si Luis , katabi ko nga siya habang nag iinterview ako eh , magkatabi kasi yung iniinterview namin .....
at talagang nakikisabat siya sa mga tinatanong ko .... pasaway tong lokong to eh ....
nagbalik na yung closeness namin ni Luis .... pero natatakot ako ....
baka mahulog ulit ako sakanya .....
*-*-*-*-*-*-*
a/n: 2 UD na yan ha ... lahat po ito ay nangyari sa mga panahong si Yhallie at Vash pa .. haha .. dito pala lalabas ang yhalish moments ..
vote comment and be a fan po ...
BINABASA MO ANG
SML2 [ Offline Message: I'm here ]
Ficção Adolescentepanibagong kwento ng Social Media Love ... ang kwento ng maharot , makulet at pinaka dakilang bestfriend na si Maddie ... alamin ang kwento sa bawat ngiti niya ...