- 1 -
- Maddie's POV -
Today is the day .....
Im happy to be with him.....
He's Da One who made me feel so special ......
OMG ! nosebleed mga teh , tagalugin ko nalang ha ^___^
After lahat ng pinagdaanan ko meron din pala akong happy ending ......
I am now walking down the aisle and my DA ONE is waiting for me ......
Habang naglalakad ako , naalala ko lahat ng mga pinagdaanan ko at humantong ako sa moment na to.....
Sa lahat pala ng pasakit at trials na pinagdaanan ko .. May kapalit ang bawat luhang naibuhos ko sa buong buhay ko ... eto nasa harap ko ang HAPPINESS ko ...
*Flashback 12 years ago*
13th birthday ko ngayon , yehey ..
Katatawag lang ni nanay sakin .. Lola ko sya nanay ni papa. Pero ayaw magpatawag ng lola.
Binati nila ako, sa sunday punta daw kami dun. May pasok kasi ako ngayon eh , magluto lang si mama ng spaghetti mayang hapon paguwi ko galing school.
Pagpasok ko binati agad ako ng new found friends ko dito sa new school ko. 2nd year high school na ko.
Ang saya saya ng araw na to. Pero eto na rin pala ang magiging huling birthday ko na buo ang pamilya ko.
»»»»»»»»»»»»»»
A week after ng birthday ko , nagkaron ng matinding away ang parents ko.
Di ko alam ang dahilan dahil di naman nila sinasabi sakin.
At eto ang hindi ko inaasahang marinig mula sa papa ko.
" lumayas ka na dito , pero wag mong dadalhin ang anak ko "
Gusto kong sumama sa mama ko.
Kahit pa papa's girl ako , gusto ko sa mama ko TT.TT
" pag sinama mo siya wala kayong sustentong makukuha sakin "
At dun na rin sumuko si mama. Ayaw na nya kong isama..
" dito ka nalang sa papa mo. kasi sya mabibigay nya sayo lahat, may trabaho sya ako wala "
" ayoko mama " umiiyak ako habang nakayakap ako sakanya
" di pwede , narinig mo sinabi nya diba , di kita kayang buhayin .. di ka makakapag aral sa private school " umiiyak na rin si mama ..
" ayoko !!!! " mas lalo pang humigpit ang yakap ko sakanya
" ganito nalang , pag nakapag tapos ka na , saka kita kunin ha . tahan na "
" sige magtatapos ako para sayo . tapos aalis ako dito "
Yun ang huling usap namin ni mama .. Dahil bigla nalang kinuha ni papa lahat ng gamit namin at nilagay sa kotse nya . Pumunta kami kina nanay ..
Dun kami nagstay over the weekend .. Tapos pagbalik namin sa bahay wala na si mama .. Ang.sakit sakit , gabi gabi akong naiyak .. Pati sa school di ko mapigilan ang luha ko ..
Dahil na rin siguro sa lungkot kaya madalas akong hikain .. Opo may hika ako ..
Naging dahilan yun kaya napapadalas ang pag absent ko ..
Dahil na rin sa friends ko , ngumingiti ulit ako .. Sila na marahil ang masasabi kong true friends ..
Hindi ko inaasahang kakausapin ako ni Tita Ey kapatid ng papa ko .. Nakikita siguro nila na sobrang malungkot ako.
" di naman wala ang mama mo , saka andito naman kami ni nanay eh .. di ka naman namin pababayaan kami ang mag aalaga sayo , wag mo rin isipin na di ka mahal ng mama at papa mo ha "
mga salitang kahit paano nagpagaan sa loob ko ..
pero bilang solong anak , napakahirap parin ..
[ A/N: tumulo sipon ko sa chapter na to .. so ayan na ang unang bahagi ng kwento ni Maddie , comment po ha :) vote na rin kung napaiyak kayo ]
BINABASA MO ANG
SML2 [ Offline Message: I'm here ]
Novela Juvenilpanibagong kwento ng Social Media Love ... ang kwento ng maharot , makulet at pinaka dakilang bestfriend na si Maddie ... alamin ang kwento sa bawat ngiti niya ...