009

195K 3.3K 213
                                    

Etong POV ni Cass ay continuation lang ng chapter 8, okay? And yung POV ni Jewille ay yung araw ng activity nila sa MAPEH. Baka kasi maguluhan kayo. Hehe.

Chapter 9 Worried

Cassandra's POV

Nag lalakad ako ng nakangiti papuntang CR para mag bihis. Bakit nga ba ako nakangiti? Dahil syempre kay James!

Nandito na ako sa tapat ng CR. Bubuksan ko na sana yung pintuan kaso may narinig akong hikbi sa loob kaya naman binuksan ko ito. Pag pasok ko ay walang ilaw.

Nagulat ako nung may biglang humawak sa paa ko kaya napasigaw ako.

"Ohmygod! Hindi pa ako ready na mamatay!" Sigaw ko.

"E-eh? Cass? Ikaw ba yan? Buksan mo nga y-yung ilaw. H-hindi ko makapa eh." Sabi nung kausap ko.

"Bakit mo alam yung p-pangalan ko?" Kinakabahang tanong ko.

"Aish! Ako 'to si N-nicole. Bilisan mo na. B-buksan mo na yung i-ilaw." Binuksan ko naman kaagad yung ilaw at nakita ko si Nicole na nakaupo sa sahig ng CR at puno ng luha yung mukha nya.

"Hala! Anong nanyari sayo?" Nag aalalang tanong ko.

"W-wala 'to." Sabi nya.

"Hindi mo ako maloloko, Nicole." Sabi ko sakanya with my serious face. Minsan lang ako mag seryoso kaya kailangan ay sumagot sya 'no.

"Okay, okay. I give up. Kasi ganito yun," Sabi nya. Nakinig naman ako sa kwento nya. Tsk. Sabi ko na nga ba eh. May gusto 'to kay Cj.

"Hay. Parehas pala tayo Nics eh." Sabi ko sakan'ya at tinulungan sya sa pag tayo. Naikwento ko naman sakaniya yung tungkol saamin ni James.

"Mag ayos ka na, Nics ah! Wag mong problemahin yun! Think positive! Try and try until you die! Haha! Sige una na ako. Hinihintay na ako ni James loves eh! Bye!" Sabi ko kay Nicole at umalis na dun sa CR.

"James Dela Cruz!" Sigaw ko nung nakita ko si James na may kausap na babae.

"Girls, Sorry ah. Nandyan na kasi yung girlfriend ko. Baka mag Selos na." Sabi nya. At ano daw? Girlfriend? Pinagdiinan nya pa talaga yung pag sabi ng 'girlfriend'.

Okay, sige. Kinikilig ako. Bakit ba?

"Oh? Ang tagal mo naman mag CR, Loves!" Sabi nya sabay akbay saakin.

Loves? Tawag ko sakanya yun ah!

"Hmp. Gaya-gaya." Mahinang sabi ko.

"Anong sabi mo? Gaya-gaya? Sino?" Tanong nya. Napatakip naman ako ng bibig ko. Napalakas ata yung pag kasabi ko.

"A-ah? Wala naman akong s-sinabing ganun ah." Pag tanggi ko.

"Eh? Pero may narinig ako eh." Sabi naman nya.

"Ang sabi ko tara na." Oh. What an excuse, Cass!

"Sige! Pero kain muna tayo. Nagugutom na kasi ako eh." Sabi ni James saakin.

"Sure thing! Ako din eh!" Sabi ko naman kaya kumain na kami.

Kinabukasan

Jewille's POV

"Kinakabahan talaga ako! Grabe! Bakit kasi manunuod pa yung ibang 4th year! Paano kung pumiyok ako? Paano kung mali yung lyrics ko? Paano kung" Pinutol ko yung sinasabi ni Cass at nag salita, "Bakit ba ang ingay mo Cass? Atsaka bakit ka ba kinakabahan? Think positive!"

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon