Chapter 43 ♡ Being parents
Jewille's POV
Buti nalang at sabado ngayon. Mababawasan ng kaunti yung stress ko. Nakahiga ako ngayon sa kama at nakatingin sa ceiling ng kwarto ko. Ano kayang magandang gawin ngayon? Wala naman akong maisip.
"Jewille," Tawag ni William sa'kin na kakapasok lang ng kwarto ko. Tumingin naman ako sakan'ya.
"Bakit?" Tanong ko.
"I'm bored." Sabi nya. Lumapit sya sa'kin at humiga din sa kama ko. 1 pm palang. I'm want to sleep but i can't sleep. Tanghali na din kasi ako nagising.
Umayos ako ng higa at umunan sa braso ni William. Niyakap naman nya ako.
"Ano bang magandang gawin ngayon, William?" Tanong ko sakan'ya habang nakayakap sya sa'kin.
"I don't know. Let's just sleep." Sabi nya.
"Eh, William, kakagising ko lang." Sabi ko naman. Kaya tanghali na din akong nagising kasi nag basa pa ako ng libro. Tinapos ko talaga yung isang libro ng isang basahan lang. Ayoko kasing nabibitin ako kapag nagbabasa lalo na kung kumpleto na yung libro. Kaya ayun, mga 4 am na ako nakatulog tapos nagising ako ng 12. Gustuhin ko mang matulog, hindi naman ako inaantok.
Hindi naman na sumagot si William. Nakayakap lang sya sa'kin. Habang nagmu-muni muni ako dito, may bigla namang kumatok sa kwarto ko. Tumayo ako at binuksan yung pintuan.
"Bakit po?" Tanong ko kay manang.
"Ay hija, si Mrs. Cua nasa baba. Kakausapin ka daw." Sabi ni manang. Nag taka naman ako. Ano kaya yung sasabihin nya? Si Mrs. Cua ay ang kapitbahay namin. Nasa mid 40's na sya pero maganda pa din sya.
Inayos ko yung buhok ko at bumaba na. Nakita ko naman syang nakaupo sa sofa kasama yung anak nyang si Clyde. Nang makita nya ako ay ngumiti sya sa'kin.
"Good afternoon po." Bati ko sakan'ya. Binati din naman nya ako.
"Bakit po pala kayo napunta dito?" Tanong ko.
"Gusto ko muna kasing iwan 'tong si Clyde sainyo. Aalis kasi kami ng daddy nya para sa business namin and unfortunately, hindi namin pwedeng isama si Clyde. Nag leave naman yung yaya nya kaya wala na akong pwedeng pag iwanan netong si Clyde. Hindi naman kami mag tatagal. Bukas din ay babalik kami." Sabi ni Mrs. Cua.
"Ay gano'n po ba? Sige po, sa'min muna si Clyde." Sabi ko.
"I'm glad na pumayag ka." Sabi nya.
"Okay lang po yun. Gusto ko din naman pong alagaan si Clyde." Sabi ko. Nag paalam naman na si Mrs. Cua baka daw kasi mahuli sila sa flight nila papuntang palawan.
"Hi Clyde! Kilala mo naman na siguro ako, diba?" Tanong ko sa batang kaharap ko ngayon na nakatingin lang sa'kin.
"Opo naman!" Masiglang sagot nya sa'kin. Napangiti naman ako. Kahit nagiisang anak lang si Clyde, masiyahin pa din sya. Mabait din sya. Limang taong gulang na si Clyde.
"Mabuti naman. Teka, akyat muna tayo. Puntahan natin si William sa taas." Sabi ko. Hinawakan ko yung kamay nya at sabay kaming umakyat.
Nag punta kami sa kwarto ko. Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ko, nakita ko si William na natutulog sa kama ko. Lumapit naman kami sakan'ya at ginising ko sya. Mabilis naman syang nagising at tinignan si Clyde. Umupo sya at tinignan ulit si Clyde.
"Hi, Clyde." Sabi nya habang naka-ngiti.
"Hello po!" Bati naman ni Clyde. Pinaupo ko si Clyde sa kama ko. Ako din umupo.
BINABASA MO ANG
I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]
Roman pour Adolescents[COMPLETED||123115] NOTE: This story is still UNEDITED. Asahan ang mga nakakalokang grammatical and typo errors. What will you do if you're Secretly Married to the Campus Heartthrob? Written By: ivyjrsh Highest rank in Teen Fiction: #1