035

114K 1.9K 142
                                    

Chapter 35 First Love

Jessica's POV

Sabado ngayon at nandito ako sa kwarto ko, nakatunganga na naman. Hay. Ang boring na naman dito sa bahay! Bakit kasi bumalik pa kami dito? Dapat doon nalang kami kila ate para may kasama naman ako at hindi boring! Tss. Sila mommy kasi eh! Atsaka mas malapit naman sa school sila ate. Ewan ko ba kung anong naisipan nila mommy. Ilang months na kaming nandito, ilang months na din akong buryong buryo.

Bumangon ako sa pagkakahiga at bumaba. Kakain nalang ako pampawala ng bored. Dumiretso ako sa kusina at binuksan ko yung fridge. May nakita akong ice cream cake kaya kinuha ko 'to. Kumuha ako ng kutsara at kumain.

Nangangalahati na ako sa kinakain ko ng may nag doorbell.

"Ate Maria pakibuksan naman po ng pintuan!" Sigaw ko para marinig ni Ate Maria. Sya yung kasambahay namin. Medyo matagal na din sya dito.

Pinagpatuloy ko yung pagkain. Buti nalang merong binili si mommy na pagkain kundi nga-nga nalang ako sa kwarto ko sa sobrang boring.

"Ang takaw mo talaga kahit kailan." May nagsalita kaya nagulat ako at nabulunan. Uminom ako ng tubig na nasa tabi ko lang. Buti nalang kumuha ako ng tubig! Tinignan ko yung nag salita.

"Letche naman Steven! Bakit ka ba bigla bigla nalang nagsasalita?!" Tanong ko kay Steven. Yes, Steven Nastive everyone.

"Busy ka dyan sa pagkain mo eh!" Sabi nya.

"Ewan. Bakit nga pala nandito?" Tanong ko sakaniya.

"Masama ba? Bestfriends naman tayo ha." Sabi nya.

"Bestfriends your face!" Sabi ko.

"Bakit, hindi ba?" Tanong nya.

"Hindi." Sagot ko.

"Ah, okay. Hindi pala tayo mag bestfriends, sige alis na ako." Sabi nya. At nag simula ng mag lakad palabas.

"Hoy Steven!" Tawag ko sakan'ya. Lumingon naman sya at tinignan ako na parang nagtatanong kung ano ang kailangan ko.

"Ang drama mo talaga kahit kailan!" Sabi ko.

"Paano ako hindi magda-drama kung palagi mo nalang akong sinasaktan?" Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Hala, kailan naman kita sinasaktan?" Tanong ko sakan'ya. Sa pagkakatanda ko kasi hindi ko naman sya sinaktan.

"Sa hindi mo pagtanggap ng puso ko." Sabi nya at humawak pa sya sa kaliwang dibdib nya na para bang nasasaktan. Ay peste!

"Yuck naman Steven!"

"So pinandidirian mo na 'tong gwapong mukhang 'to?"

Sasagot na sana ako sa tanong nyang nakakaewan kaso may nag doorbell.

"Buksan mo nga yung pinto, Steven."

"Ayoko, ikaw na. Kaya mo na yan."

Tamad talaga neto kahit kailan. Psh. Nag lakad na ako papunta sa pinto. Binuksan ko yung pinto at nagulat ako kung sino ang nandito sa harapan ko. Si Patrick.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakan'ya.

"Masama bang dumalaw kay Tita?" Sabi nya kaya nagulat ako.

"Huh? Tita?" Tanong ko.

"Oo, kay Tita." Sabi nya. Tita? Mommy ko?

"Baka namali ka lang ng address. Sige na, alis na." Sabi ko sakan'ya pero ayaw nya pa ding umalis.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon