Chapter 22 ♡ Their Mother
Jewille's POV
Sunday ngayon. Kakatapos lang namin mag simba ni monster. Nakalabas na sya kasi okay na daw yung mga records nya. At ngayon, nakahiga ako dahil wala akong magawa. Ang boring talaga sa bahay. Nagulat ako nung pumasok si monster sa kwarto ko.
"Oh? Anong kailangan mo?" Tanong ko sakaniya. Sya naman ay umupo sa edge ng kama ko.
"Bored." Maikling sabi nya.
Ilang minuto kaming tumahimik. Nag iisip kung anong pwedeng gawin para mabawasan ang pagka-bored. Maya-maya ay parang nag karoon ng light bulb sa ulo ko, "Ah! Alam ko na!" Sabi ko kay monster.
Nag pahilot ako kay William ng binti ko. Ang sakit kasi. Tapos nagulat ako ng pumasok yung mga mommy namin.
"Anong ginagawa nyo dyan?!" Tanong ni mom.
"Wala naman po! Hinihilot lang ni William yung binti ko, mom!" Sabi ko.
"Ah, good. Akala namin may iba na kayong ginagawa dyan eh." Sabi pa nya.
"Akala nga namin magkaka-apo na kami." Pabirong sabi nung mommy ni monster. Kaya namula ako.
"Bata pa kami mom!" Sabi ni monster.
"Joke lang." Sabi nya at tumawa.
"Mom! Nasaan si dad?" Tanong ko kay mommy. Naka upo kami dito sa living room.
"Daddy mo? Wala. Pinalipad ko na." Seryosong sabi ni mommy.
"Seryoso? Mom naman! Umayos ka nga ng sagot! Nasaan nga si daddy?!" Tanong ko ulit. Jusko. Ilang taon na nga ulit ang mommy ko? Nakalimutan ko na. Kung umasta kasi eh parang bata. -_-
"Joke lang naman anak. High blood ka masiyado eh. Nandun sa bahay. Nakahilata. Ayaw pumasok ng opisina. Tinatamad." Sabi ni mommy at nagpatuloy sa panunuod.
"Ah. Okay." Sabi ko nalang. Wala na akong masabi. Ang galing talaga ng lahi namin. Grabe. Kaya alam ko na kung saan nagmana ang kakulitan ko minsan at ang katamaran ko. Grabe. Grabe talaga.
Maya-maya ay biglang bumukas yung pintuan at niluwa nito sila monster at ang mommy nya. Ang mas kinagulat ko pa, bigla nalang tumakbo ang mommy ni monster pagkatapos ay tumabi kay mommy.
Habang nakikinuod ako sakanila, may sumandal sa balikat ko. Syempre sino pa ba? Edi si monster!
"Hoy monster! Anong sinasandalㅡ" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil pinigilan nya ako.
"One word, one kiss." Sabi niya habang nakapikit at nakasandal sa balikat ko. Nung naramdaman nya na wala na akong balak mag salita eh nag salita ulit sya.
"Good. Marunong ka naman pala sumunod." Sabi nya. Hindi ko lang masabi na, 'Syempre, William Cuizon. Takot ko lang. Atsaka nandito yung mga nanay natin tapos hahalikan mo ako?!' Gustong gusto ko yan sabihin kay monster eh. Kaso wag na. Baka ma-kiss pa ako. Mahirap na. Kailangan sigurista ka din.
Hindi ko namalayan na tapos na pala yung sponge bob. Tumayo na sila mommy kaya tinapik ko si monster at tinanggal ang ulo nya sa balikat ko para makatayo ako.
"Mamayang 7 sharp pumunta kayo sa Wrights Restaurant ah. We'll have a family dinner. Okay ayun lang. Bye! See you later kiddos!" Sabi ni mommy at hindi pa nga kinakain ng utak ko yung sinsabi ni mommy ay nakaalis na sila.
Still processing.
Nang medyo kinain na ng utak ko yung sinabi ni mom, napaupo ako sa sofa.
"Gosh. Family dinner?! Disaster yun!" Nasabi ko nalang at napasapo sa noo ko.
"That is also my problem. Tsk." Sabi ni monster.
"Paano na 'to?! Pupunta na tayo o hindi?!" Tanong ko.
"We don't have any choice, we'll going to attend that freaking family dinner."
Hindi na ako nag salita at pinikit ko nalang yung mata ko. Inaantok ako. I badly want to sleep to gain enegy!
Bago ako mapunta sa dream land, may narinig akong nag salita.
"Sleep well, jewille." Sabi nun at hinalikan ako sa noo. Weird pero hindi na ako nag salita dahil inaantok na ako.
~~~X
Twitter/Instagram: @imkpopperinspirit.wp & @ismtchwp_iki
Date posted: November 28, 2014
~ImKpopperInspirit
BINABASA MO ANG
I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]
Jugendliteratur[COMPLETED||123115] NOTE: This story is still UNEDITED. Asahan ang mga nakakalokang grammatical and typo errors. What will you do if you're Secretly Married to the Campus Heartthrob? Written By: ivyjrsh Highest rank in Teen Fiction: #1