Chapter 24.2 ♡ Vacation
Jewille's POV
Nandito kami sa isang restaurant. Iniintay yung order. Nakasalpak yung earphones ko sa tenga ko pero wala naman akong pinapakinggan na music.
"Mom, can I have your phone?" Tanong ko kay mommy at inilahad yung kamay ko para ibigay nya kaagad yung cellphone nya.
"Here." Mommy said. Kinuha ko na yung phone ni mommy tapos ay tinignan kung ano yung mga apps. Well, wala naman akong nakitang laro kaya tinignan ko nalang yung gallery ni mommy. May album na puro picture nila ni daddy, may album na puro picture ng mga napuntahan na ni mommy tapos may album na puro picture ni mommy at ni mommy ni monster. Tapos meron ding puro picture naming tatlo nila Justine, meron ding family picture namin. Tinignan ko yung album na parang ako yung nandun. At grabe. Ako nga 'to pati si monster. Tinignan ko yung suot ko, eto yung suot ko ngayon at yung suot ko dito sa picture ah! Pero infairness! Bagay kami dito! Hahahaha. In-open ko yung Bluetooth ng phone ni mommy pati yung Bluetooth ng phone ko. Ni-bluetooth ko yung picture na yun tapos ay in-off na yung mga Bluetooth ng phone namin.
"Here's your phone mom." Sabi ko kay mommy at binigay sakaniya yung phone nya.
Kinuha ko naman yung phone ko at pinalitan ng wallpaper ito. Ni-wallpaper ko yung picture naming dalawa. Nice!
"Oh? Why are you smiling?" Tanong ni Mommy. Nakangiti na pala ako.
"Ah! Nothing mom." Sabi ko kay mommy at ngumiti. Nag smile back naman si mommy saakin. Yung smile nya nga parang nangaasar pa eh.
Pagkatapos namin kumain ay nag pahinga muna kami tapos lumabas na ng restaurant. Ganoon pa din naman ang pwesto namin. Katabi ko pa din si monster. Pero ngayon, hindi na ako matutulog. Hindi na ako inaantok eh.
Nakinig nalang ako ng music. Ngayon, may music na talaga. Hindi tulad kanina. Haha. Habang nakikinig ako ng music ay biglang may sumandal saakin. Pagkatingin ko si monster. Sino pa ba diba? Eh sya lang yung katabi ko.
Hinayaan ko nalang sya na sumandal sa balikat ko. Inaantok pa siguro 'to. Anong oras kaya 'to natulog? Naalala ko na naman yung kagabi. Yung tumawag sya. Ouch. Sakit nun ah! Letse. Ang hirap talaga kapag monster yung minahal mo. Wala kasing puso eh! Sabi ko nga eh. Hindi dapat ako naga-assume eh. Kasi kapag nag assume ka ng sobra sobra, masasaktan ka din ng sobra sobra. Yung paga-assume mo, naging triple pa yung sakit na binigay sayo.
Ang hirap kasi saatin magmamahal na nga lang, sablay pa! Yung taong hindi mo gusto, doon ka pa magkakagusto ng lubusan. Alam nyo yung feeling na kapag may crush ka tapos inaasar ka na hindi ka crush ng crush mo tapos nasaktan ka? Ganun. Triple nga lang. Sakit lang.
Sa sobrang drama ko, nandito na pala kami. Bumaba na sila. Lahat sila ay excited. Ako lang ata ang hindi. Ay eto pa palang si monster. Ginising ko na si monster kasi kami nalang yung nandito sa van.
"Gumising ka na. Nandito na tayo. Doon ka nalang matulog sa kwarto." Gising ko kay monster sabay tapik ko sa pisngi nya. Ilang tapik ko pa ay gumising na din sya.
"Where are they?" Tanong nya. Nandito. Ayan oh! Kitang kita mo. Nandyan sila. Gusto kong sagutin ng ganun si monster pero wag na. Baka magalit pa saakin.
"Bumaba na. Pumasok na sa resort." Sabi ko nalang. Bumaba naman na si monster kaya sinundan ko na siya. Pagkababa namin ay nandun na sila sa loob. Pumasok na kami sa loob.
"Mom, where's my room?" Tanong ko kay mommy.
"There!" Sabi ni mommy sabay turo doon sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]
Teen Fiction[COMPLETED||123115] NOTE: This story is still UNEDITED. Asahan ang mga nakakalokang grammatical and typo errors. What will you do if you're Secretly Married to the Campus Heartthrob? Written By: ivyjrsh Highest rank in Teen Fiction: #1