044

76.7K 1.6K 116
                                    

Chapter 44 I'll court you everyday

Jewille's POV

Nakatingin ako ngayon sa couple na nasa harapan ko. PDA masyado. Ang sarap lang sabihin na, Hello, mall po ito at hindi motel. Pero wag na. Mag mukha pa akong bitter at walang ka-partner.

Lumingon naman ako sa kaliwa ko dahil asiwang-asiwa na talaga ako sa couple na nasa harapan ko, pagka-tingin ko ay may dalawa din na mukhang nag liligawan. Sweet nilang tignan. Hindi katulad nung dalawang nasa harapan ko! Lalanggamin na ata ako dito. Bakit ang sweet nilang tignan? Bakit hindi sila katulad ng nasa harapan ko? Sabagay, makikita mo naman ang diperensya. Yung nasa kaliwa ko kasi, mukhang mahal naman talaga nila ang isa't-isa pero yung nasa harapan ko, mukhang mahal talaga nila ang iba. Flings lang ata 'tong dalawang 'to. Psh, nagsasakitan lang sila.

Bakit nga ba ako nangingi-alam? Care ko ba kung masaktan sila, diba? I sigh. Nasaan na ba kasi si William? Iniwan nalang ako bigla-bigla! May tumawag kasi sakan'ya at lumayo nalang sya bigla. Kaya eto ako ngayon, nabi-bitter sa mga nakikita ko. Buti nalang nandito si Clyde at hindi ako mukhang lonely. Si Clyde naman walang paki-alam sa'kin. Kumakain ng ice cream eh. Sunday ngayon, uuwi na kami. Huminto lang kami dito sa mall dahil nagugutom na daw si Clyde. Kahit kailan talaga 'tong batang 'to, laging gutom. Ang takaw nya pero ang cute nya pa din. Ang unfair lang.

Tumingin nalang ako sa paligid. Ang dami ng tao dito sa mall. Malapit na din kasing mag Christmas. Siguro bumibili na sila ng christmas gifts. Ano kayang magandang iregalo kay William? Wrist watch? Madami na sya nyan. Polo shirts or t-shirt kaya? Eh, madami na din sya nyan. Mag lilibot nalang siguro ako bukas para bumili ng regalo. Habang maaga pa, bibili na ako ng regalo. Bibili na din ako ng regalo para sa mga bestfriends ko.

Napatingin ako sa nag lalakad na papunta sa'min. Si William, may kasamang magandang babae. Ang ganda nya, sobra. Tapos mukhang ang saya-saya nilang dalawa. Lalo na si William. Mukha nga silang couple eh. Bagay sila.

Nang makalapit si William at yung kasama nya saamin, otomatiko akong napangiti. Tumayo ako dahil ayoko namang mag mukhang bastos.

"Sorry kung umalis ako ng walang paalam at pinaghintay kita. By the way, this is Shane. Shane this Jewille." Sabi nya. Nakipag shake hands naman yung Shane sa'kin.

"Nice to meet you, Jewille." Sabi ni Shane sa'kin.

"Nice to meet you too, Shane." Bati ko din sakan'ya.

"Si Shane pala yung kapatid ni Serys." Sabi ni William. Napatango nalang ako at ngumiti sakanila.

"Oh, who's this cute boy?" Tanong ni Shane at tumingin kay Clyde.

"Anak nya po ako." Sagot ni Clyde.

"Clyde, usapang matanda 'to." Sabi ko kay Clyde. Humawak naman sya sa hita ko, "Sorry po, ma." Sabi nya saakin. Nakatayo na din sya at ubos na nya yung kinakain nya kaninang ice cream. Ginulo ko yung buhok nya. Kahit kailan talaga 'tong si Clyde, hindi ka pwedeng magalit.

"Wala ba kayong gagawin?" Tanong ni Shane.

"Wala naman." Sagot ni William.

"That's great! We can still go around. Let's go!" Sabi ni Shane at hinatak na si William kaya naman wala na kaming nagawa ni Clyde kundi sumama.

Nag ikot-ikot kami. Bumili sya ng damit, sapatos at kung ano-ano pa. Shopaholic pala 'tong Shane na 'to! Jusko, nakakapagod syang samahan! Tapos ang nakakainis pa dito, nakahawak sya kay William! Kung makadikit, akala mo sakan'ya si William!

"Ma, i'm tired na. Uwi na po tayo." Angal ni Clyde. Ako din naman pagod na kaya lumapit kami kay William na kasalukuyang pumipili ng damit kasama si Shane.

"William, uuwi na kami ni Clyde. Pagod na daw sya. Sige, una na kami." Sabi ko at hinawakan na si Clyde. Umalis na kami sa mall at humanap ng masasakyan. Hindi na ako nag abala pa na lumingon ulit kay William kanina. Mukha naman kasing wala syang balak na umuwi. Mas gusto pa nga nya siguro ang mag stay sa tabi ni Shane kaysa umuwi.

Pumara naman ako ng taxi. Buti nalang may pera ako dito. Sumakay kami ni Clyde sa taxi.

Medyo mahaba-haba din ang byahe dahil traffic. Nakatulog na nga si Clyde sa byahe. Malapit ng kumubog ang araw ng makarating kami sa subdivision. Nag bayad na ako sa taxi driver at binuhat ko na si Clyde. Dadalhin ko na sana si Clyde sa bahay nila pero nakita kong sarado pa at nakapatay ang ilaw kaya dumiretso na ako sa bahay namin.

Nakita ko si manang na nag lilinis. Binati ko sya at sinabing aakyat lang ako para ilapag si Clyde sa kwarto ko. Umakyat ako at pumunta na sa kwarto ko. Mahimbing pa din ang tulog ni Clyde hanggang sa nilapag ko sya sa kama ko. Tinanggal ko yung sapatos nya at inayos sya ng higa. Hinaplos ko yung buhok nya. Sobrang pagod na talaga siguro si Clyde at ang himbing na ng tulog nya.

Bwisit kasi si William. Sabi nya saglit lang daw kami sa mall dahil kakain lang daw kami pero nakita lang sya ng Shane na yun, iniwan nya na kaagad kami. Ang nice nya, grabe.

Nag tali ako ng buhok ko at nag bihis na ng pang bahay. Umupo ako sa tabi ni Clyde na mahimbing na natutulog. Sana hindi pa dumating yung parents nya. Gusto ko kasing makasama pa ng matagal si Clyde.

Habang nakatingin ako kay Clyde, may bigla namang kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Tumayo ako at binuksan yung pinto. Nakita ko naman si William.

"Let's talk." Sabi nya at tumalikod. Hindi manlang nga ako nakapag salita tapos bigla syang tatalikod? Bastos talaga 'to. Wala na din naman akong nagawa kaya sinundan ko nalang sya.

Napunta kami sa balcony ng bahay. Palubog na ang araw at mahangin na din. Damang-dama mo yung magandang view dito. Huminto sya kaya huminto din ako.

"Bakit tayo maguusap?" Tanong ko. Hindi kasi sya nagsasalita kaya ako nalang ang nag salita. Nahiya naman kasi ako, diba? Aaminin ko, nagtatampo talaga ako sakan'ya. Bigla nalang kasi syang nangiiwan.

"Sorry kanina." Sabi nya habang nakatingin sa'kin.

"Okay." Sabi ko.

"Alam kong nagtatampo ka sa'kin. Sorry talaga, Jewille. Hindi ko naman kasi matatanggihan si Shane dahil kapatid sya ni Serys at parang kapatid ko na din sya. Huwag kang mag alala, may boyfriend si Shane." Paliwanag nya.

Lumapit ako sakan'ya at niyakap sya.

"Sorry din, William. Ang childish siguro ng ginawa ko. Nag selos lang naman ako. Hindi ko naman yun maiiwasan. Para kasi kayong couple, na kahit sila na, para parin silang nagliligawan." Sabi ko tumulo na yung luha ko. Bakit ba ang emotional ko masyado? Argh, nakakainis.

"Then if that's the case, i'll court you everyday." Sabi nya. Niyakap ko naman sya ng mahigpit.

Humiwalay sya sa pagkakayakap at sa isang iglap lang, nawala na ang pagitan sa'ming dalawa.

~~~X

Date posted: December 21, 2015

~ImKpopperInspirit

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon