040

90.6K 1.7K 100
                                    

Continuation ng date nila 'to. :) Enjoy reading!

Chapter 40 Necklace

Jewille's POV

Naglalakad kami sa loob ng mall ng magkahawak ang kamay. Kahit na ilang beses na kaming nagho-holding hands, nandoon pa din ang kilig para sa'kin. Para bang hindi pa din nagbabago yung feelings ko sa tuwing ganito na magkahawak ang kamay namin.

"William, saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo naglalakad eh." Tanong ko.

"Hindi ko din alam." Sabi nya.

Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto din sya. Tinignan ko sya kaya gano'n din ang ginawa nya.

"Manood nalang tayo ng movie." Sabi ko. Nag agree naman sya kaya nag lakad kami papasok sa sinehan. Namili muna kami ng panonoodin namin. Nang makapili na kami, bumili na kami ng tikcket. Medyo kaunti lang ang tao kaya nakabili kaagad kami ng ticket.

"Excuse me po," Isang matining na boses na galing sa isang babae. Dalawa silang magkasama, mukha silang kinikilig.

"Ah, bakit?" Tanong ko.

"Pwede pong papicture?" Tanong nilang dalawa. Halata sa kanilang dalawa na kinikilig sila at nagpapacute.

"Saakin?" Tanong ko sakanila.

"Ay, hindi po. D'yan po sa kapatid mo." Sabi ng isa sakanila. Huh? Kapatid? Napatingin ako sa gilid ko. Ah, si William. Kasama ko nga pala sya.

"Ay, hindi ko" Naputol ang sasabihin ko ng binigay nila yung cellphone nila sa'kin. Pumwesto na ako para mag picture pero biglang gumalaw si William at pumunta sa'kin. Inakbayan nya ako at ngumiti sya sa mga babae.

"Sorry girls, she's not my sister. She's my wife." Nagulat ako sa sinabi ni William. Yung dalawang babae naman, mukhang nagulat din.

Kinuha ni William yung cellphone nung dalawang babae at may nilapitan syang isang babae.

"Miss, can you take us a picture?" Tanong nya sa isang babae. Pumayag naman 'to. Lumapit ulit sya sa'kin at lumakad kami papunta sa pwesto ng dalawang babae kanina. Nag pa-picture kami kasama yung dalawang babae.

Nag sorry at nag thank you yung dalawang babae kanina. Nag sorry sila kasi akala daw nila magkapatid kami. Nag thank you naman sila kasi nagpapicture pa din daw si William. Pagkatapos umalis na sila.

"Bakit mo yun ginawa?" Tanong ko kay William.

"Ang alin?" Painosenteng tanong nya.

"Bakit mo sinabing asawa mo ako?" Tanong ko.

"Hindi ba totoo?" Tanong naman nya.

"Oo, alam kong totoo yun pero William, alam mo namang wala dapat makaalam ng tungkol sa'ting dalawa diba?" Tanong ko.

"Alam ko pero ayokong isipin ng iba na kapatid lang kita kasi hindi ako papayag na hanggang doon lang tayo." Sabi nya.

"Okay. Pero please, sa susunod, wag mong sasabihin yung gano'n ha? Mamaya schoolmate pala natin yun, edi patay tayo. Nalaman na nila yung tungkol saatin." Sabi ko.

"Yes, boss." Sabi nya.

Hindi ko maintindihan yung sarili ko. Oo, alam kong totoo naman na mag asawa kami pero syempre ayoko namang malaman ng iba yun. Madami kasing maaaring mangyari. Susugurin ako ng mga schoolmate namin na may gusto sakan'ya. Ayoko ng gumulo yung buhay ko. Masaya na ako sa kalagayan ko ngayon, sa kalagayan namin ngayon. Yung walang iniisip kung paano masusulusyunan yung isang problema.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon