EPILOGUE

117K 1.8K 99
                                    

Epilogue

Mabilis lumipas ang mga araw at eto na, flight ko na papuntang Korea.

"Okay na ba lahat ng gamit mo?" Tanong sa'kin ni mommy.

Tumingin ako sakan'ya at ngumiti ng tipid, "Yes, mom. Okay na po ang lahat." Sabi ko. Lumapit naman si mommy sa'kin at niyakap ako.

"Magpapakabait ka doon ah. Wala si mommy o si manang para maalagaan ka." Sabi n'ya habang nakayakap sa'kin.

"Mom, hindi na po ako bata." Sabi ko nalang.

"Oo nga eh, you're already a big girl. Take care there, okay?" Sabi ni mom. Humiwalay sya sa pagkakayakap nya saakin at pinunasan yung mga luha nya.

"Kayo din dito." Sabi ko. Niyakap ko nalang ulit si mommy. Humiwalay sya at bumaba na kami ng kwarto ko. Nakita ko naman sila manang, si dad, Jessica at Justine pati yung mga kaibigan ko. Lahat sila mukhang mga malungkot. Ngumiti ako ng tipid sakanila. Hindi ko kasi kayang makita silang malungkot.

"Wag na nga kayong malungkot. Aalis lang naman ako, hindi pa ako mamamatay. Haha. Pero seryoso na, wag na kasi talaga kayong malungkot. Hindi ako makakaalis nyan eh." Biro ko sakanila.

"Wag ka nalang umalis, Jewille." Sabi ni Cass.

"Malulungkot kami dito." Sabi ni Aly.

"Atsaka hindi na tayo kumpleto kapag umalis ka." Sabi naman ni Nicole.

"Ano ba kayo, hindi ba sinabi ko na 'to sainyo? Atsaka pwede naman tayong mag skype eh." Sabi ko.

Nag paalam na ako sakanila at sumakay na sa loob ng kotse. Ako lang yung pupunta sa airport. Sabi ko kasi, ayokong mag pahatid baka kasi hindi ako makaalis. Kaya mas pinili ko ng hindi mag pahatid sakanila.

Umuulan ngayon. Nakikisabay yung langit sa mga lungkot na nararamdaman ko. Unti-unti namang tumulo yung luha ko. Makakaya ko naman 'to, diba? Para din naman sa future 'to eh. Nakatingin ako sa labas ng kotse. Malungkot din ako ngayon kasi hindi ko pa nakikita si William. Hindi pa sya umuuwi simula kagabi. Nagaalala ako kung nasaan na sya pero hindi naman sya sumasagot sa mga tawag ko. I sigh. Bakit ba hindi sya nag pakita sa'kin? Eto na nga yung huling araw ko dito tapos hindi pa din sya nagpakita? Ugh.

Buti nalang at hindi masyadong traffic kaya medyo mabilis kaming nakapunta sa airport. Inayos ko na yung sarili ko at bumaba na sa sasakyan. Inalalayan ako ng driver namin sa pagbaba dahil nga maulan. Kinuha nya din yung maleta ko at binigay sa'kin. Nag pasalamat na ako sakan'ya at pumasok na sa loob ng airport. Nag check in na kaagad ako at hihintayin ko nalang tawagin yung flight number ko.

Tinignan ko yung cellphone ko para i-check kung nag text o tumawag manlang si William pero wala. William, nasaan ka na ba?

William's POV

"Bro, puntahan mo na kasi si Jewille." Sabi ni Serys.

"Ayoko." Sagot ko.

"Bakit?" Tanong ni Hope. Napaisip ako. Bakit nga ba hindi ko gustong makita si Jewille? Kasi aalis na sya. As simple as that.

Hindi ko sinagot si Hope sa tanong nya. Para saan pa?

"Alam mo, p're, puntahan mo na sya. Hindi naman pwedeng nandito ka lang. Atsaka p're, hindi naman ito yung huli nyong pagkikita. Pwede ka namang dumalaw doon kaya makikita mo naman sya panigurado." Sabi ni Hope. Napaisip ako. He has a point. May matutulong din pala 'to. Tumayo ako sa kinauupuan ko.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon