Chapter 49 ♡ Bonfire
Jewille's POV
"Flight? Saan?" Nagulat ako sa nag salita kaya napalingon ako. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko sya.
"William.." Bangit ko sa pangalan nya.
"Saan ka pupunta, Jewille?" Tanong nya.
"William," Wala akong ibang masabi kundi ang pangalan nya. Hindi ko alam ang sasabihin ko, sobrang na-shock ako.
"Answer my question, Jewille, where are you going?" Kalmado nyang tanong. Alam ko namang nagpipigil lang sya ng galit nya.
"William, ano, sasabihin ko naman sa'yo peroㅡ" Naputol ang sasabihin ko ng sumigaw sya.
"Just answer my fucking question! Where the fuck are you going?!" Galit at pasigaw na tanong nya. Nakakatakot si William. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya sinabi ko na sakan'ya.
"S-sa Korea, William." Sabi ko. Mukha naman syang nagulat.
"Anong gagawin mo doon?!" Tanong nya ulit.
"Doon na ako mag aaral." Sabi ko.
"What the fuck?!" Sabi nya. Makikita mo sa mga mata nya ang halo-halong emosyon.
"May in-offer sa'kin na scholarship ang school, sa Seoul National University. I accept the scholarship." Paliwanag ko.
"Why did you accept it?!" Tanong nya.
"Matagal ko ng pangarap ang makapag aral doon, William!" Napataas na din ako ng boses ko.
"They offer me that scholarship too but i refuse it. Inisip muna kita bago yung sarili ko." Nagulat ako sa sinabi nya. Medyo kalmado na yung boses nya.
"Kaya mo naman pala na wala ako. Dapat pala tinanggap ko nalang yang scholarship na yan." Sabi nya.
"Sorry, William." Sabi ko habang nakayuko.
"You're so selfish, Jewille. Inisip mo lang yang sarili mo." Napatingin ako sakan'ya nung sinabi nya yan. Binigyan nya ako ng isang nakapanlalamig na tingin at umalis na. Napahawak ako sa bagay na nasa gilid ko. Nanginginig ang tuhod ko. Mabuti nalang at meron akong makakapitan dito. Unti-unti na akong napaiyak. Yes, i know. I'm so selfish. Tama naman sya.
~~~
"Jewille, wag ka ng umiyak." Pagpapatahan sa'kin ni Aly.
"Magiging okay din ang lahat, Jewille." Sabi ni Nicole.
"Gusto ko din naman ng tumigil sa kakaiyak dito pero hindi pa din tumitigil tumulo yung luha ko eh." Sabi ko. Bigla namang may kumatok sa pintuan kaya binuksan 'to ni Cass.
"Bakit?" Tanong ni Cass.
"Tawag daw tayo ni ma'am sa baba." Sabi nung kumatok.
"Ah sige, susunod na kami." Sabi ni Cass at sinarado na ulit yung pintuan.
"Narinig mo naman yun, diba? Kaya umayos ka na dyan, baba na tayo." Sabi ni Cass. Seryoso sya, mukha syang nagaalala sa'kin.
"Thank you sainyo." Sabi ko. Niyakap naman nila ako.
"Wala yun. Wala dapat umiiyak sa'tin. Kung meron man, dapat dinadamayan." Sabi ni Aly.
BINABASA MO ANG
I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]
Teen Fiction[COMPLETED||123115] NOTE: This story is still UNEDITED. Asahan ang mga nakakalokang grammatical and typo errors. What will you do if you're Secretly Married to the Campus Heartthrob? Written By: ivyjrsh Highest rank in Teen Fiction: #1