033

125K 2.2K 92
                                    

Chapter 33 Official

Jewille's POV

"Damn you!" Sigaw ni Monster kay Harley at sinapak ito. Hala! Sabi ko naman kasi tumigil na sila eh!

Kakauwi lang namin galing sa party ni Hope na naging disaster dahil kay Elixa. Hindi ko sya ganun ka kilala pero nase-sense kong may masama syag balak. Lalo na kila Aly at Harley.

"Sige lang kuya, saktan mo lang ako. I deserve all of this." Sabi ni Harley at tumayo sa pagkakatumba nya pero sinapak ulit sya ni Monster kaya napatumba ulit sya.

"You really deserve all of this shits! Kailan ka ba magti-tino ha?! May anak ka na't lahat-lahat, hindi ka pa din tumitino! Be matured!" Sabi ni Monster.

"All of this things, i'm doing this for the sake of everyone. Napapasama man ako sa paningin nyo, wala akong pakialam. I have my reasons, my acceptable reasons. Believe it or not." Sabi ni Harley at tumayo sa pagkakaupo nya. Naglakad sya palabas ng bahay. Lumingon sya at ngumiti pagkatapos ay umalis na. Nakikita ko sa mata ni Harley yung sakit, yung ngiti nyang nasasaktan.

"Harley! Saglit!" Habol ko sakaniya. Tumakbo ako para mahabol sya. Buti nalang mabagal lang yung paglakad nya. Para syang wala sa sarili na naglalakad sa kawalan. Naabutan ko sya, umiiyak habang naglalakad. Ngayon ko lang nakita si Harley na ganito. Lagi ko kasi syang nakikitang masaya, yung parang walang problema. Nasa likod ko lang sya. Tinitignan ko kung mapapansin nya yung presensya ko. Pero mukhang hindi nya ako napapansin kasi tuloy pa din sya sa paglalakad nya.

"Pwede mo namang sabihin saamin o di kaya saakin yang mga problema mo eh. Kaibigan mo kami, bakit ka maglilihim diba?" Nagsalita ako kaya napalingon sya saakin. Nagulat naman sya.

"J-jewille," Tawag nya saakin pero mahina lang at nag crack pa. Pinunasan nya yung luha nya kahit patuloy pa din yung agos ng mga 'to sa mata nya.

"Huwag mo ng punasan yang luha mo, kusa yang titigil. Okay lang naman saakin na makita kang umiiyak. Hindi naman kita sasabihan ng bakla." Sabi ko at tumawa ng mahina. Ngumiti naman sya ng kaunti.

"Salamat, Jewille." Sabi nya.

"Anong salamat? Wala pa nga akong nagagawa, nagpapasalamat ka na." Sabi ko sakaniya.

"Salamat kasi nandyan ka. Nandyan ka kahit na galit sila o ikaw sa'kin."

"Oo, aaminin kong nagalit talaga ako saiyo. Kagalit galit naman kasi talaga yang ginawa mo. Lalo na at kaibigan pa natin yang sinaktan mo. Pero kanina, medyo nawala yung galit na yun dahil sa sinabi mo. Hindi ko alam kung totoo o hindi yang sinasabi mong may rason ka kaya mo 'to ginagawa pero paniniwalaan pa rin kita Harley. Sana hindi mo sirain 'tong tiwala ko na 'to." Sabi ko.

"Oo Jewille, hindi ko sisirain yang tiwala mo. Salamat din kasi pinaniniwalaan mo yung mga sinasabi ko. Thank you, Jewille." Sabi nya at niyakap ako.

"Nandito lang ako kung kailangan mo ng masasandalan. Ako na yung living pader mo ngayon. Haha!"

"Hindi nagkamali ng pinili si kuya na babae. Ang swerte nya sa'yo. Thank you talaga. Sige na, umuwi ka na. Lagot ulit ako kay kuya neto kapag nagkasakit ka kaya uwi na."

"Sige. Ingat ka! Bye Harley! Fighting!" Sabi ko at tumakbo na pauwi sa bahay.

Habang naglalakad ako papasok sa gate, naalala ko si Monster. Patay ako dun! Brace yourself Jewille!

Alyssandra's POV

"Hindi na kita mahal Aly. I'm sorry."

"Hindi na kita mahal Aly. I'm sorry."

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon