Chapter 2 - Transferees

2.9K 110 10
                                        

*Zhaira POV*

Hmm. I wonder who they are.

"Wait a second, class, I'll just call them outside," Sambit ni ma'am saka lumabas ng room.

Ilang segundo lamang ang tinagal ni ma'am at napansin agad namin itong pumasok kasama ang mga transferees. Pagkapasok palang ng mga transferee ay naghiyawan agad ang mga kababaihan at kalalakihan kong kaklase; may iba pa na nagtayuan pa. Anong nangyari sakanila? Artista ba ang transferee namin at ganyan sila kung makareact? Tssk.

"Okay class, settle down please!" sigaw na saway ng teacher namin sa mga ito. Hmp, buti nga.

Agad namang tumalima ang mga kaklase ko saka tumigil na sa pagtitilian at nagsiupo sa kani-kanilang upuan ngunit di pa rin maiiwasan ang kanilang mga mumunting bulong-bulungan na parang mga bubuyog. Tssk.

Napatingin naman ako sa mga transferees; well, no wonder pagtitilian talaga sila kasi magaganda't gwapo naman talaga sila. Lalong-lalo na sa isang lalaking humihiyaw sa kagwapohan slash hot! Pero I think nagme-menopause eh, di manlang ngumingiti katulad ng mga kasamahan niyang kulang nalang mapunit ang labi kakangiti.

"That messy black-haired guy is so hot!"

"Yeah, so handsome! Like the guy in his gray eyes."

"I like the guy with his red hair; it really suits his handsome face, kyaahh!"

"Hey dude! That girl is so damn sexy and a total hot."

"I'm going to court that girl."

And so on...

Grabe ang lalandi lang. Makakatulong ba ang kalandian nila sa ekonomiya? My gosh, these people. Makatulog na nga lang, ang iingay nila, grabe. Katahimikan naman kahit konti lang, please. Matutulog ang bida, oh!

Dahil sa walang choice ako dahil sa sobrang ingay nila. Kinuha ko ang cellphone kong keypad at kinuha ang earphones ko; magpapa-music na muna ako and take note, full volume ko talaga para di ko marinig ang mga tili nila sabay sumub-sub sa desk ko. Yan, much better.

Naalimpungatan nalang ako ng kalabitin ako ng kung sino mang taong umistorbo sa tulog ko.

Doon ko lang mapagtantong nakatulog na pala ako sa buong klase ko sa umaga. Ganon na ba ako kapagod? Well, okay lang naman sa mga teachers na matulog ako sa class nila; besides, nag-a-advance reading ako at pumupunta ako ng library para mag-take down notes at mapag-aralan ko pagkarating sa bahay at dahil narin sa malakas ang kapit ko sa may-ari ng school. Ako lang kasi ang maipagmamalaki ng school na toh dahil sa katalinuhan ko, hindi sa pagmamayabang ha! Pero ganun talaga eh! Isa din ito sa reason kung bakit walang may nambu-bully sakin. The school threatened those students na magtatangkang ibully ako dahil sa pagiging mahirap ko. And the reason for that is the school needs someone like me. Period.

Well anyways, let's go back to reality. Tiningnan ko lang ng blangkong ekspresyon ang transferee na kumalabit sakin. Napansin ko namang natigilan siya sa klase ng tinging ibinigay ko.

I'm not that type of person na sobrang showy, pero approachable naman ako dito sa school kaso cold ako makitungo sa iba kaya konti lang ang nagtatangkang lumapit sakin. Kay Lola lang ako nagpapakita ng totoong ako; mahirap na kasing magtiwala sa panahon ngayon. I let my guard down and let someone enter my life, gaining my trust and love. I let someone break me for nothing.

~flashback~

Papunta na ako sa gym kasi nandon ang boyfriend ko, yes, boyfriend ko. He's a varsity player and captain ng kanilang team. He's none other than Louis Villaflor. The most famous heartthrob in the whole school.

ZHAIRA || The Missing EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon