*Zhaira POV*
"Sino naman kaya ang nagpatawag sayo, Zhaira? May nagawa ka bang masama kaya pinapatawag ka sa headmaster's office?" Takang tanong ni Bella.
"Oyy, wala ah," pagtanggi ko sa sinabi niya.
Bakit nga ba talaga ako pinatawag sa headmaster's office?
"Zhaira, samahan na kita, ako ang magtatanggol sayo," nakangiti pang sabi ni Sian.
"Wag na, kaya ko na ang sarili ko," sabi ko sakanya tsaka tumayo na at lumabas na ng cafeteria.
"Sandali zhaira babes hintay!! Sasamahan kita, ipagtatanggol kita sakanila." Narinig ko pang sabi ni Sian bago ako magteleport.
Abnoy talaga.
Ngunit bago ako pumunta ng headmaster's office ay pumunta ako sa isang sulok na walang gaanong tao malapit lang ng office, at saka ko ininom ang vanish potion na ginawa ko at inisip na mawala pansamantala ang tattoo ko sa wrist.
Nakita ko pang nagliwanag ang tattoo ko hanggang sa unti-unti na itong naglalaho sa wrist ko.
Nang masigurong nawala na nga ito ay lumabas na ako at nagpatuloy na pumunta sa office.
Pagkarating ko sa harap ng office ay agad na naramdaman ko ang mga presensya ng kung sino. Sa tantya ko ay sampu silang naririto kasama na si Headmaster.
Nag-iba naman agad ang ekspresiyon sa mukha ko. Pagkapasok ko palang ay si Headmaster lang ang nakita kong naroroon.
Tssk nagawa pa nilang magtago eh nabuking na sila.
"Oh, narito ka na pala. Maupo ka, iha!!" Pilit na ngiting sabi nito at palihim pang sumulyap sa kung saan nagtatago ang mga isip batang iyon.
"Bago ako umupo, paupuin mo na rin muna ang mga isip-batang nagtatago mong bisita dito," malamig na sabi ko sakanya.
"Ehem, lumabas na kayo Alphas. Nabuking na kayo HAHAHA," halatang pilit na sabi ni Headmaster.
Ilang sandali lang ay nagsilabasan ang mga Alphas mula sa iba't-ibang sulok ng silid.
Pinaniniwalaan kong isa sa kanila ang may kakayahang maging invisible kasama ang mga kasamahan nito. At hindi ko expect na makikisama ang boss nila lalo na't masyado itong seryoso sa buhay.
Nakita ko ang mga transferees namin noon na sa mortal world. Di ko rin expect na isa sila sa mga tinitingalang Alphas dito, mga malalakas kuno na estudyante sa buong Farion Academy kung malalakas na nga bang talaga.
At batid kong isa sa misyon nila ang pumunta sa mortal world kaya sila naroroon noon.
At sa nakita ko kahapon, hindi nila matatalo ang mga halimaw na yun kung hindi ko sila tinulungan. Masyado pa silang mahina para matalo ang mga halimaw na iyon.
Kailangan rin nila i-improve ang senses nila lalo na't isa sa kanila ang muntik nang malagay sa alanganin kahapon. They don't deserve this kind of title if they don't know how to defend and fight for themselves.
Di dapat sila tinalagang malalakas na estudyante kung ganyan sila makipag-laban at umaasang may ibang tutulong agad sakanila.
Every individual has its own battle. Hindi nakasalalay ang pakikipaglaban nilang iyon sa tulong ng iba. Dahil sa bandang huli sarili din nila mismo ang lalaban.
I must discuss this with the headmaster. I must train them ngunit kailangang di nila malaman na ako ang nag ta-training sakanila. I must find a way, lalo na sila ang future ng Farion Kingdom.
BINABASA MO ANG
ZHAIRA || The Missing Enchantress
FantasyBOOK I || Missing Princesses Series She is the Center of the Elements. The Elemental Goddess. She is the powerful among them all. For she is the Powerful Enchantress. 🏆Highest Rank Achievement🏆 #1 in Fantasy 🥇 10/24/22 #1 in Enchantress #1 in Mi...
