Chapter 11 - Farion Academy

2K 78 4
                                        

*Zhaira POV*

Pagkapasok ko palang ay napasigaw agad ako.

Ikaw ba naman biglang mahulog sa kawalan...nakakasakit din sa ulo dahil paikot-ikot ako habang nahuhulog.

"Ahhhhhh—Aray!!" Daing ko nang tumama ang puwet ko sa lupa.

Nakita kong nasa harapan ko lang si Bella na nakatalikod. Napatingin naman ako sa tinitingnan niya.

"Woaaahhhh!!!!" manghang sabi ko.

Nakita ko lang naman ang isang malaking gintong gate na may mga cursive na letra ng pangalan ng academy.

Teka Academy pa ba toh? Eh, sa palasyo na ata ito eh.

Teka Academy pa ba toh? Eh, sa palasyo na ata ito eh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

'Farion Academy'
School for Extraordinary One's

In fairness ang gara ha.

"Tara, pumasok na tayo," pag-yaya niya sakin at nauna nang maglakad palapit sa malaking gintong gate.

Grabe ang taas nito.

Nang makarating kami ay agad siyang kumatok ng tatlong beses. Bigla naman iyong nagbukas. Woah, hightech pa siya. Nasa likod lamang ako ni Bella habang naglalakad siya papasok.

May mga mangilan-ngilang students ang nasa labas at lahat ng iyon ay nakatingin samin. Napansin kong may ibang estudyanteng nagpapalabas ng mga angking kapangyarihan nila.

Tunay ngang katulad ko ang mga mag-aaral dito.

"Dito ka sa tabi ko, Zhaira. Wag kang magpahalata sakanila," rinig kong mahinang sabi ni Bella sakin.

Lumabas naman ako sa likod niya nang narinig ko ang gulat, mangha, at bulungan ng mga estudyante.

Bigla namang nagbago ang ekspresyon ko ng makita ang mga estudyante. Soft expression to blank, I even gave them my coldest stares para mas matakot sila.

Medyo tumahimik naman ang mga estudyante kaya nagsimula naman na kaming maglakad.

'Grabe ang gaganda nila.'

'New students ba sila? '

'Pre mga chicks.'

'Ang ganda nung nauuna.'

'Mas maganda ang nasa likod nito, yung puti ang buhok.'

'Yung isa oh mukhang malakas.'

'Oo nga ang puti niya dagdagan pa sa puti nitong buhok. Di ba siya lumalabas sa bahay nila? She's so beautiful.'

'Nakakakilabot ang mga tingin niya.'

'Balak ko pa naman sana siyang kaibiganin pero nakakatakot siya huhu.'

'Yung kasama niya nakakatakot din.'

ZHAIRA || The Missing EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon