*Zhaira POV*
Gungong talaga ang lalaking toh.
"Zhaira?"
Sabay kaming napalingon ni kamahalan sa nagsalitang iyon, at gulat na itinulak ko ito at napatayo.
Nasa harapan lang naman namin ang mga kasamahan ni kamahalan, tssk.
Ayan tuloy, nalaman nila na si Zhaira na kilala nila ang trainer nila.
"So all this time ikaw ang kasa-kasama namin? How come?" Di makapaniwalang sabi ni Patrick.
"Do I have to explain everything to you? You better not know," Malamig na sabi ko dito.
Napatikom naman ito ng bibig at di na nagsalita.
"Don't be too harsh on them, Zhaira."
"Manahimik ka dyan kamahalan, wag kang sumabat kung hindi naman ikaw ang kausap," inis na sabi ko dito.
Napansin ko naman ang pagpipigil ng tawa ng mga kasamahan nito.
"What's so funny?"
Nagsitahimik naman sila at sabay-sabay na nagsi-iwas ng tingin.
Tssk.
"Since ito na ang huling training niyo sakin, bahala na kayo sa buhay niyo. Natapos ko na ang part ko sainyo," malamig na sabi ko sa mga ito.
"What? Ngayon pa na nalaman namin na ikaw ang trainer namin. Pwedeng i-extend?" Nakangiting sabi ni Frea sabay kumapit sa braso ko.
"Walang extension. Ang tapos ay tapos," sabi ko dito sabay inalis ang pagkakakapit nito sakin.
"Eh bakit naman? I want to know you more pa kaya. I can't believe na kilala ka na pala nila samantalang ako eh ngayon ka pa lang nakilala," nakangusong sabi nito. Isip bata talaga.
"Syempre, abala kalang kasi sa pagpapaganda at hindi mo namalayang may misyon tayo sa mortal world," mataray na sabat ni Sofia sakanya.
"Kasalanan ko bang naging maganda ako? At isa pa, kayo kaya itong nag-iwan sakin dito," sabi ni Frea sabay flip hair. Aba't hindi talaga nagpapatalo.
"Eh sino ba naman ang maghihintay pa sayo eh tanghali ka na nagigising samantalang hindi pa sumisikat ang araw e yun ang alis natin," sagot naman ulit ni Sofia. Wala talaga sa kanila ang may ayaw na matalo.
Akmang sasagot na naman ulit si Frea ng batuhin ko na sila ng snowballs gamit ang pinaghalong tubig at hanging elemento ko.
"Ouch, Zhaira naman, how could you hurt my beautiful face?" nakangusong sabi ni Frea.
"Manahimik kayo kung ayaw niyong ipalamon ko sainyo ang snowball na yun," nanlilisik ang matang sabi ko sakanila.
"But how come you have that sub-element?" Seryosong tanong ni Louis.
Bat mas kinakabahan pa ako sa isang toh kesa kay kamahalan?
"Oo nga noh? Bakit ka nga ba may dalawang kapangyarihan? Akala ko ba elemento ng hangin lang lang meron ka?"
Oh no!
Bakit ko nga ba ginawa yun? Nayon nagtataka na sila kung bakit mas marami pa sa isa ang kapangyarihan ko.
"Correction, the Four Elemental Powers," seryosong sabat ni Kamahalan. Oh my, this moron.
Gulat na napalingon ako kay kamahalan. How come he knows I possess the Four Elemental Powers?
BINABASA MO ANG
ZHAIRA || The Missing Enchantress
FantasyBOOK I || Missing Princesses Series She is the Center of the Elements. The Elemental Goddess. She is the powerful among them all. For she is the Powerful Enchantress. 🏆Highest Rank Achievement🏆 #1 in Fantasy 🥇 10/24/22 #1 in Enchantress #1 in Mi...
