BOOK I || Missing Princesses Series
She is the Center of the Elements.
The Elemental Goddess.
She is the powerful among them all.
For she is the Powerful Enchantress.
🏆Highest Rank Achievement🏆
#1 in Fantasy 🥇 10/24/22
#1 in Enchantress
#1 in Mi...
Di ko napansing napatagal na pala ang pagbabasa ko kaya nung nag bell na ay hagad kong kinuha ang mga gamit ko at pumasok na sa susunod na klase ko.
Naging maayos naman ang klase ko hanggang maghapon yun nga lang, nakakailang dahil sa mga panakaw na tingin ng mga transferees sakin na para bang anytime may gagawin akong masama kaya kada segundo nalang kung tumingin. Nakaka-irita na kaya. Ano nga bang problema nila sakin?
Pag binibigyan ko naman ng masamang tingin umiiwas naman agad pero yung lalaking yun nakikipagtagisan talaga ng tingin eh kaya sa huli ako nalang ang unang umiiwas.
Napansin ko naman ang mga masasamang titig kanina ng mga kaklase ko. Problema nilang lahat?
Ngayon naglalakad na ako papuntang gate para magtungo sa restaurant na pinagpa-part-time ko, pero langya naman pati mga nakakasalubong kong mga kapwa ko estudyante ang sasama din ng tingin. Parang kakainin nila ako ng buhay. Lintik lang, wala na ang inaasam kong peaceful life.
Kanina ko pa rin pansin na may nakasunod sakin, and I already know who they are. Well, I can feel their presence. Pagkalabas ko sa gate ng school ay nararamdaman ko pa rin ang pagsunod nila kaya humarap na ako sa mga ito.
"Stop following me," Malamig kong sambit sakanila. Pansin ko pang natakot ang isa. Well, as if I care.
"W-we're not!!" Nauutal sagot naman ng lalaking kulay abo ang buhok.
"Nakakapagtaka naman, andun ang parking lot oh! Mukhang naliligaw kayo," nakangisi kong saad sa mga ito. Napa-iwas naman siya ng tingin. Huli ka balbon!
Dito sa school na toh ako lang ang scholar. Marami kaming sumubok na maging scholar sa school na toh, at ako lang ang natatanging nakapasa sa pagsusulit nila. At dahil mahirap lamang ako, ako lamang ang estudyante ng school na ito na nag co-commute o naglalakad. As I always say, lahat ng students sa school na toh mayayayaman. Sa sobrang laki ng school na toh halos may 10 parking lots ito.Nakakagulat naman dahil nakikita naman na anak mayaman itong mga transferee na toh at halatang hindi sanay na maglakad.
"Ahmm, nothing, miss, we're just waiting for our driver to arrive," sagot nito. Napakunot noo naman ako. Kesa naman makipagdaldalan pa ako sakanila ay napagdesisyonan kong aalis nalang sana ng may pumarang limousine kasabay lang nito ang black na van. Really, tama ba ang prediction ko sakanila? Mga Artista ba sila? Well, no wonder mayayaman talaga sila. Born with a golden spoon. Tssk.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.