BOOK I || Missing Princesses Series
She is the Center of the Elements.
The Elemental Goddess.
She is the powerful among them all.
For she is the Powerful Enchantress.
🏆Highest Rank Achievement🏆
#1 in Fantasy 🥇 10/24/22
#1 in Enchantress
#1 in Mi...
"May mga katanunganlang kami sayo, Miss Perez," sambit ng isang pulis sakin.
Tiningnan ko naman siya ng malamig. Nagulat naman siya sa inasta ko kaya umiwas nalang ito ng tingin.
"M-may nakita ka bang tao k-kanina nung mangyari ang crime scene?" Nauutal niyang tanong sakin.
"Dun sa kabilang bahagi ng ilog, ituturo ko po sa inyo," sambit ko dito saka itinuro ang kabilang bahagi ng ilog.
Lumabas ako ng bahay at pumunta sa kabilang bahagi ng ilog Bela. Sumunod naman sila sakin. Nang makarating kami doon ay itinuro ko ang puno kung saan nakita ko ang taong pumatay sa Lola ko.
Nagsimula naman silang maghanap ng pwedeng maging ebidensya para matukoy kung sino ang salarin.
Nagsimula din akong maghanap nagbabakasakaling baka may makita ako na makapagtutukoy kung sino ang demonyong iyon. Ipaghihiganti ko ang lola ko. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya.
Pumunta ako sa eksaktong puno na inakyatan ng suspek. Naghanap ako at nagbabakasakaling may nahulog siyang bagay dito upang matuklasan ko kung sino man ang hinayupak na yun. May natanaw naman akong parang kumikinang. Kaya agad ko itong nilapitan.
Nakita ko ang isang kwintas sa lupa kaya kinuha ko ito at pinagmasdan. Isa itong kwentas na hugis oval at sa pinakagitna nito mayroon itong itim na oval shape na may naka-engrave na parang triangle shape at may 'V' na letter.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mahahanap din kita kung sino ka mang hayop ka! Tiningnan ko ang mga pulis na naghahanap pa rin ng maaring makuha at maimbestigahan. Agad kong itinago sa bulsa ng pantalon ko ang kwentas. Ako mismo ang maghahanap sa taong yun; wala akong dapat na mapagkatiwalaan ngayon.
"Ipagpabukas nalang natin ang paghahanap iha, magpahinga ka na muna sa inyo at dumidilim narin kaya magpahinga ka na. Nakikiramay kami sa nangyari," sambit ng pulis kaya nagsimula na akong maglakad pabalik sa bahay.
Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko agad na andoon pa rin ang bakas ng dugo ni Lola, maging ang mga handa ay nasa mesa pa rin ngunit mababakas ang mga dugong nagmula sa Lola ko. Maayos pang nakalagay ang cake na binili ko para sakanya. Umiyak lang ako ng umiyak sa kwarto namin hanggang sa makatulog ako.
~Dream~
"Apo, gising na!" Sambit ng isang tinig na siyang kilalang-kilala ko.
Napamulat agad ako ng aking mga mata at inilibot ang tingin sa paligid. Nandito pa rin ako sa kwarto namin ni Lola. Nanubig na naman ako sa mga mata ko ng makita kung sino ang nasa harap ko ngayon. Please, kung panaginip man ang lahat ng ito, please lang ayoko ng gumising pa. Dito na lamang ako sa piling ni Lola ko, sa piling ng taong kumupkop sa akin, minahal, at inaalagaan ako ng buong puso.