BOOK I || Missing Princesses Series
She is the Center of the Elements.
The Elemental Goddess.
She is the powerful among them all.
For she is the Powerful Enchantress.
🏆Highest Rank Achievement🏆
#1 in Fantasy 🥇 10/24/22
#1 in Enchantress
#1 in Mi...
Another week had passed since the start of classes. At ngayon sabay kami ni Bella na papasok sa klase namin although nakakausap ko na siya minsan ngunit nararamdaman kong mas ilag pa rin siyang makipagusap sa akin.
Inintindi ko nalang iyon; baka kung ano pang masabi ko pag nasagad na ako.
Nang makarating kami sa room ay agad kaming pumunta sa upuan namin at doon naghintay hanggang sa dumating ang instructor namin.
Napansin ko namang may lumapit saamin na kaklase din namin at may dala pa siyang bulaklak.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Okay, at para saan naman ang bulaklak?
"A-ahmZ-zhairaf-for y-you," utal na sabi niya sabay bigay saakin ng bulaklak niya.
Bigla namang nagbago ang ekspresyon ko at nakita ko naman ang biglaang pagkatakot nito.
Tssk, Mahina!
Well, wala namang masama kung tanggapin ko.
Kinuha ko sakanya ang bulaklak at nakita ko ang biglaang pagngiti ng lalaki.
Binigyan ko ito ng isang malamig na tingin ngunit nakangiting malawak pa rin siya, okay? Bat di na nasindak ang isang to sa tingin ko?
"Sabi ko na nga ba at mabait ka kahit cold ka tumingin. Salamat at tinanggap mo ano kasi uhmm GUSTO KITA ZHAIRA," lakas loob na saad niya kaya't di ko mapigilang mapangiti. Nahawa kasi ako sa ganda ng ngiti nito eh. Ang cute.
"Woooaaaaahhhh"
"Ang ganda niya pag ngumingiti."
"Mas gumanda siya pag nakangiti."
"Ang bait niya."
"I really like her."
"Akala ko di na niya tatanggapin ang bulaklakniSean. Siya pa naman ang may mataas na level saating mga newbies ngayon. Ang bait niya at approachable din pala."
"Bagay sila."
"Nakaka-inggit pero totoo nga mas bagay sila."
"Ang lawak ng ngiti ni Sean oh."
"They look good together."
Mga sari-saring komento yan ng mga kaklase namin.
Maybe it's not that bad to show them my other side, though.
Ngunit di ko pa rin basta-basta maibibigay ang tiwala ko sa isang tao.
Nararamdaman kong may malaking parte sa pagkatao ko si Sean. Nararamdaman kong magiging isa siya sa mga taong pahahalagahan ko. Alam ko ang nararamdaman kong ito. Ganito rin ang naramdaman ko noon kay Bella until one day nakuha na agad niya ang tiwala ko.