BOOK I || Missing Princesses Series
She is the Center of the Elements.
The Elemental Goddess.
She is the powerful among them all.
For she is the Powerful Enchantress.
🏆Highest Rank Achievement🏆
#1 in Fantasy 🥇 10/24/22
#1 in Enchantress
#1 in Mi...
Sa linggong ito inuna kong pumunta muna kay Mr. Cheng upang magpaalam. Sinabi kong may pupuntahan akong importante at baka abutin pa ako ng graduation or baka hindi na.
Naiintindihan naman niya ang sitwasyon ko lalo na't kamamatay palang ng lola ko kaya inaprobahan niya ang nais ko at ginawan ako ng letter para makausap ang mga teachers sa gusto kong mangyari.
Tinanggihan ko naman ang offer niya provided na ng school ang college tuition ko kaya di na siya nagtanong pa kung bakit.
Nagpapasalamat ako at may mga taong talagang handang tumulong para sa mga katulad kong walang wala.
Pumunta ako sa mga teachers ko, and as always, dahil malakas ako sakanila, ay inaprobahan din nila agad ang gusto ko.
Pinag-advance quiz nila ako at sa Friday ang final exam ko sa lahat kaya wala nang problema. Pwede naman daw makuha ko pa ang diploma ko dahil pinapatago naman daw nila iyon sa teacher in charge. Kaya walang problema sakin pag bumalik ako makukuha ko parin ang diploma ko.
Diplomang pinaghirapan ng lola ko para lang makapagtapos ako kahit high school manlang.
So ayon nga, from Monday to Thursday puro projects, quizzes, and assignments ang pinagawa saakin ng mga teachers ko. Nagtataka na nga ang mga kaklase ko dahil hindi na daw ako pumapasok sa actual time na klase ko dahil tuwing vacant ang isang teacher, pumupunta ako ng faculty para magpasa o di kaya ay mag-quiz.
Hanggang sa dumating ang Friday. Halos putok ang utak ko sa dami ng nireview ko; imagine 9 subjects in just one day.
Lahat ng subjects na yan itatake ko today for our final exam for the second semester.
Hanggang sa matapos ko lahat at masurvive lahat ng mga tanong nito.
Well, yung iba kasi medyo easy lang, but yung isang subject ako medyo nagkaproblema dahil masyadong logic at difficult ang questions niya. But natapos ko naman iyon till the end and now. Nakangiti akong papa-uwi na at nasa labas na ako ng gate.
Kukunti nalang kasi ang mga students na narito. Sa tagal ko bang namang sumagot at sunod-sunod pang test papers ang hawak ko kaya siguro nagtagal ako sa pagsagot.
Paparahin ko na sana ang dumaang tricycle nang may humawak sa balikat ko.
Inis na hinarap ko iyon at nakita kong si Louis Villaflor lang pala. My one and only...EX.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Anong kailangan mo?" Malamig na tanong ko sakanya.
Bahagya pa siyang nagulat ngunit napawi rin iyon at tumitig sa mga mata kong walang emosyong nakatingin sa kanya.
"A-no k-kasi..." utal na sabi niya.
"What?" Taas kilay na sabi ko.
"Zhaira kasi...I-- I'm sorry!! Sorry kasi sinaktan kita. Sorry kung pinagpustahan ka namin. Please Zhaira I want you back. I want you back babe please. Pinilit nila akong gawin yun dahil pag ginawa ko yun sasagutin na ako ni Trixie kaya yung ginawa kong iyon at first iniisip ko na pustahan lang ang lahat. Until I courted you I felt the love that you gave me and that was the day I knew that I fell for you, kahit one month palang tayo noon ginusto na kita kaya mas pinaghandaan ko ang unang monthsary natin I want you to feel that day as a special and best day. Nung sa locker naguluhan lang ako nun. Naguluhan ako sa nararamdaman ko dahil di ko maipagkakailang may nararamdaman parin ako kay Trixie but when I saw you crying and slap me well deserve ko naman that's the time I realized everything seeing you crying and leave me behind broke my heart. Sinubukan kong sundan ka at kausapin ka but Trixie was there and stop me. Pag tumitingin ka samin bigla nalang niya akong hahalikan. Ikaw yung gusto ko Zhaira. Ikaw yung nagparamdam sakin ng totoong pagmamahal. Please babe come back to me. I promise to love you, care and cherish you." mahabang pahayag nito sabay luhod sa harapan ko.
Nakita ko pang nagkumpulan ang ilang mga estudyanteng nakakita sa ginawa ni Louis. Anong pakulo na naman ang ginagawa nito?
"Tumayo ka, Louis," malamig na saad ko dito. Wala akong time para makisali sa drama niya.
"No. Hindi ako tatayo hanggang hindi mo ako binabalikan," umiiyak na sabi niya. Naririnig ko pa sa gilid ko ang mga bulong-bulungan ng mga ka-schoolmates ko.
Pinagmasdan ko ang mukha niya, and all I can say is he's so miserable.
Maitim at malaking eyebags. Namumulang mata dahil sa kakaiyak, puyat at pagod. Yung uniform niyang kusot-kusot at madumi at magulong buhok. Addition pa yung kalasingan niya.
"Tumayo ka na," malamig na sabi ko ulit sakanya.
"No!! Nagsisisi na ako, Zhaira. Nagsisisi akong pinakawalan kita. Nagsisisi akong hinayaan kang umalis na umiiyak at hindi manlang kita hinabol noon. Napakatanga ko! Napakatanga ko dahil sa oras na kailangan mo ng karamay sa nangyari sa lola mo, wala manlang ako dun para damayan ka sa pagdadalamhati mo. I'm sorry, Zhaira. Please accept me again. Di ko na iyon sasayangin ulit, please," desperadong sabi nito.
Umiwas lang ako ng tingin dahil naramdaman kong may kumawalang luha sa mata ko.
"Time heals all the wounds, Louis. Pinapatawad na kita sa lahat. Siguro nangyari yun para ipaintindi satin na hindi tayo ang para sa isa't-isa. Salamat at naging parte ka ng buhay ko. May rason kaya nangyari yun. Yun ay makahanap ka ng taong mas sasaya ka di yung ganito umiiyak ka sa harapan ko at nagmamakaawa para balikan ka. Go make yourself happy Louis. Di kita makakalimutan. As you can see I'm leaving today, and that's for good. Kaya inasikaso ko na lahat at tinapos ang mga exams ko in advance para manlang di masayang ang oras na ginugol ko sa pag-aaral dito. Make yourself become successful baka sa pagbabalik ko masaya ka na at nahanap mo na ang taong karapat dapat sayo." Malungkot na sagot ko dito.
Hinawakan ko siya sa kamay tsaka pinatayo.
"Maybe it's time for us to say our goodbyes to each other." Binigyan ko siya ng isang totoong ngiti. Kaya't agad niya akong niyakap ng mahigpit.
"I promise to you, I'll become successful one day, and I'll find that right person for me. Thank you for being part of my life. Kahit mahirap na pakawalan ka kakayanin ko, Zhaira. Pag bumalik ka wag mo kong kakalimutang tawagan ah, so friends?" tanong nito sabay lahad ng kamay.
"Friends," sabi ko sabay tanggap sa kamay nito.
Niyakap niya ulit ako hanggang sa pakawalan niya na ako kaya naglakad na ako palayo sa kanya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sumulyap muna ako sakanya sa huling pagkakataon at nakita ko siyang pinupunasan ang luha habang nakatingin sakin.
Someday you'll be happy.
Hindi man sa akin kundi sa babaeng nakatadhana sayo habang-buhay.
Napatingin naman ako sa likod niya at nakita ko doon ang mga transferees.
Bumalik sa dati ang ekspresyon ko nang makita sila.
Di ko alam pero nakakaramdam ako ng uneasiness feeling sakanila. Although I feel some comfort towards them, pero mahirap nang magtiwala ngayon.
Parang may pumipigil saking mapalapit sa kanila kaya pag nakakasalubong ko ang mga tingin nila ay sinasamaan ko ang mga ito ng tingin. Kahit nakakaramdam ako ng guilty sa ginagawa ko sakanila, di ko nalang iyon pinapansin.
At mas lalong kumukulo ang dugo ko sa lalaking yun. I don't know, pero pag nasa paligid siya nababahiran ng galit ang sarili ko sakanya. Na parang may ginawa siya noon sakin na kinamuhian ko.
Alexander Black, sino ka ba talaga?
Why do I feel so much anger with you?
_____________________________________
Please don't forget to Vote, Comment, and Follow me on my Account.