*Zhaira POV*
Nang makauwi ng bahay bumalik lamang sa dati ang nararamdaman. Bumalik lamang ang mga masasayang ala-ala noong kasama ko si lola. Yung mga panahong magkasama kaming kumakain tuwing gabi habang masaya nag kukwentuhan, magkayakap na natutulog.
Yung mga panahong tinuturuan niya akong magluto at magsaing.Yung hinehele pa ako at kunukwentuhan ng mga kakaibang kwento para lang makatulog ako.
Ngayon nawala na parang bula.Miss ko na ang mga ngiti ng lola ko.
Yung mga matang nagpapahiwatig na masaya siya na dumating ako sa buhay niya.Mga yakap niya na nakakapag-pagaan sa pakiramdaman.Yung pagmamahal na pumuno sa puso ko noon ngayon ay nadudurug ng paunti-unti.
Siya yung taong naging kaagapay ko noong wasak na wasak ako sa unang pag-ibig ko. Siya yung taong nagpursigi para lang sa kunabukasan ko.Siya yung taong nag-alaga ng husto saakin at di pinaramdam na may kulang sakin.
Ang lola ko ang nagbigay sakin ng pag-asang iyon.
Siya ang nagbigay ng sagot sakin na di ko na kailangan pang hanapin ang mga magulang ko dahil sakanya palang sapat na ang pagmamahal na ibinibigay niya sakin.
Napaluhod nalang ako sa mga naalaala. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa wala nang mailuha ang mga mata ko.
Gabi gabi nalang itong nangyayari sakin.Gabi gabing laging lumuluha at nagbabalik alaala sa mga panahong kasama ko pa si lola.
And I always end up on my bed till I wake up.
I don't know pero sa pagkaka-alala ko sa kusina o di naman sa sala ako nakakatulog ngunit sa tuwing gigising ako andun na ako sa kwarto.
Binaliwala ko nalang iyon at ipinatong ang ulo ko sa upuan ng mesa namin at nakatulugan ko na iyon dahil sa pag-iyak.
Ilang sandali lang naramdaman kong may bumuhat sakin kaya't gustuhin ko mang imulat ang mata ko at malaman kung sino itong bumubuhat sakin ay pinag-igi ko munang di imulat ang mata.
Nais kong malaman kung sino itong laging bumubuhat sakin para ilagay ako sa higaan ko.
Naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa isang malambot na higaan kaya't bago pa man umalis at mawala ang prisensya nito ay agad kong himawakan ang kamay nito.
Naramdaman ko ang pagkagulat nito dahil hindi manlang ito gumalaw.
Iminulat ko ang mata ko at doon nakita ang isang babaeng may mahabang buhok at nakasuot ng isang makinang at kakaibang damit. Parang yung pang-diwata ganun!
Akala ko white lady na ngunit nang humarap ito sakin nakita ko ang maamo nitong mukha.
Sa unang titig at alam kong hindi rin ito pangkaraniwang tao katulad ko.
"Sino ka?"nakakunot nokng tanong ko dito.
"Ako si Bella. Ako ang diwatang pinaniniwalaan ng mga tao dito. Ako ang guardian mo" sabi nito sakin.
BINABASA MO ANG
ZHAIRA || The Missing Enchantress
FantastikBOOK I || Missing Princesses Series She is the Center of the Elements. The Elemental Goddess. She is the powerful among them all. For she is the Powerful Enchantress. 🏆Highest Rank Achievement🏆 #1 in Fantasy 🥇 10/24/22 #1 in Enchantress #1 in Mi...