Chapter 1- Her Past

5.5K 120 0
                                        

Zhaira POV

~boooooooooooommmmmmm~
~Boooooooggggggggssssshhhhh~
~Shiiiiiiiiiiiinnnnnnnnngggggg~
~Boooooooggggggggssssshhhhh~

Anong nangyayari? Ba't may naglalaban?

World War na ba?

Bat parang panahon pa ni Lapu-Lapu ang kanilang mga gamit na sandata?

Diba dapat mga baril na?
Hello modern time na kaya toh.

Wait, baka may shooting dito?
Cameraman? Where are you?
Andito ang protagonist, oh!

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at di kalayuan ay nakita ko ang isang babaeng may bitbit na kung ano at nakabalot pa sa isang puting tela.

Yakap-yakap niya ito habang tumatakbo papalayo sa mga naglalaban-laban. Anong ginagawa niya? Saan siya pupunta?

Napag-isipan kong sundan ito baka ano pang mangyaring masama sakanya. Napansin kong pabalik-balik ang tingin nito sa likod, kanan, at kaliwa niya, nagbabakasakaling baka may nakasunod sa kanya.

Makikita sa mukha nito ang takot, at mas niyakap pa ng mahigpit ang dala nito na nakabalot sa puting tela.

Narinig ko ang isang impit na iyak ng sanggol na nagmumula sa babae. Kung ganun? Sanggol pala ang dala-dala nito?

Pilit nitong pinapatahan ang bata ngunit iyak ng iyak lamang ang sanggol.

Napansin ko ang paggalaw ng halaman sa paligid at lumabas ang mga taong nakasuot ng itim na cloak. Hindi ito napansin ng babae dahil pinapatahan niya ang sanggol.

Kaya't bago pa man siya masaksak ng lalaking naka-cloak ay hinawakan ko sa braso ang isang ma-ma!! Ngunit lumagpas lang ang kamay ko dito.

What the heck just happened? Could it be...wait, am I dead?

Am I in heaven? Wtf. I'm already a ghost? Seriously?
Anong bang ginagawa ko dito? Baka ako pa mamatay dito!! Ay, patay na pala ako dito!

Pero Waaaahhhhhhhhhh!!!!!!!!!! Ayoko pang mamatay!!!!!!!

Magtatapos pa ako. Maghahanap ng trabaho. Mag-aasawa pa ako. Magkaka-anak ng isang dosena. Pero charot lang yun. Grabe na ang isang dosena, noh!

Nawala sa isip ko ang babae at napabalik na lamang ako sa realidad nang marinig ko ang pagdaing nito. Nagtagumpay ang lalaking saksakin ang inosenteng babae.

"Hindi!" sigaw ko. Napahawak nalamang ako ng bibig dahil sa nasaksihan.

How can this person become so cruel? How can they stab her from behind?

Napatingin ang babae sakanila habang nababalot na ng dugo ang bibig nito. Hawak-hawak pa rin niya ang sanggol na ngayon ay nababahiran na rin ng dugo niya.

I hope the baby is safe.

Umatras pa siya ng umatras ng mapansing nasa dulo na siya ng rumaragasang ilog. No way...wala na siyang kawala.

Nanlalaki ang matang napatingin ako sa babaeng may dala ng sanggol nang umiilaw ang kamay nito ng kulay berde at biglang may mga vines na nag-form into a nest, literally malaking nest parehas ng sa ibon, mas malaki ngalang ito, at inilagay ang sanggol sa nest na ginawa niya. She put something there atsaka umatras pa ng umatras hanggang sa nasa tuhod na niya ang tubig.

ZHAIRA || The Missing EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon