*Zhaira POV*
Let me explain to you everything that happened these past few weeks na hindi ako pumasok ng school.
~Flashback~
Matapos kong mapanaginipan ng gabing iyon si Lola ay bigla na lamang may dumating na puting ibon at may dala itong mensahe. Nakapagtataka nga dahil sa ganito kalalim na gabi at may nagpadala pa ng liham na ganito. Hindi ba pwedeng through text, chats, or emails nalang? Bakit sa ibon pa? Siguradong importante talaga ito kaya personal na pinadala talaga sakin.
Inilapag ng ibon ang sobre sa papag ko saka walang paalam na lumipad na palabas kaya agaran ko itong kinuha at binuksan.
"Trust no one but yourself only; in this world you should not trust anyone except for yourself. This world is full of lies, pain, sadness, and greed. It will only give you painful memories. The only important thing in this world is money and position, so trust no one because this world is not for you." ~Your Guardian
Pagkatapos kong mabasa ito, agad itong naging abo.
So para sakin lang talaga ang mensahe na yun. Sino yung guardian na yun? Ano ang ibig sabihin nung sulat na yun?
Sapag-iisip isip ko sa mga katagang iyon ay di ko namalayang nakatulog na pala ako.
~Dream~
"Prinsesa!" Saad ng isang malalim na tinig.
Iminulat ko ang aking mga mata at napagtantong hindi ang kwarto ko ang bumungad saaking paningin kundi isang paraiso. How come napunta ako rito? Kanina lang andon ako sa kwarto ah?
"Prinsesa," Sambit nitong muli mula na saaking likuran. Pagkaharap ko'y bumungad sa akin ang naggagandahan at naggwa-gwapuhang mga nilalang.
Who are they?
"Prinsesa," Ani ng babaeng may gintong buhok at ginting kulay ng mata. I can say, she's the prettiest among all of them.
Napatingin naman ako sa likod ko baka andun ang prinsesang tinatawag nila. Bat naman ako mag-aassume na ako ang tinatawag nila eh hindi nga ako prinsesa. Isa lamang akong normal na babae na nakatira sa gilid ng Ilog Bela.
"Prinsesa Zhaira." Napatigil ako sa paghahanap ng prinsesang tinatawag nila nang marinig ko ang pangalan ko. Ako ba talaga ang tinawag nila?
Hinarap ko silang muli. Anim silang lahat: tatlong babae at tatlong lalaki. I can feel that they're powerful. And what the h*ck, Prinsesa Zhaira? I'm not a princess. Period.
"A-ako po??" Tanong ko sabay turo sa sarili ko.
"Ikaw nga prinsesa," nakangiting sabi ng magandang babae. Kahit na maganda siya, marapat lang na hindi agad ako magtiwala sa kanila.
"Anong kailangan niyo sakin?" Tila nag-iba naman ang ekspresyon sa mukha ko. Sabi nga ng nasa sulat, wag agad akong magtitiwala sa kahit na sino man. How did they know me?
"As expected, don't worry; you can trust us. We visited your dream because we wanted to talk to you. The time has come for you to control your powers, though you can control them but not well enough to defend yourself. As long as we can communicate with each other, we'll teach you some tactics, techniques, and strategies on how to use your powers so that you can control them without draining your energy. You can trust us, Princess, but before that, we would like to introduce ourselves. We are the gods and goddesses, and we've known you from the very start. We've been guiding you for years, and now it's time for you to go back where you really belong—the world where you came from." mahabang
pahayag ng magandang babae. Grabe, nosebleed ako dun; ahh, straight English yun, pre.
BINABASA MO ANG
ZHAIRA || The Missing Enchantress
FantasyBOOK I || Missing Princesses Series She is the Center of the Elements. The Elemental Goddess. She is the powerful among them all. For she is the Powerful Enchantress. 🏆Highest Rank Achievement🏆 #1 in Fantasy 🥇 10/24/22 #1 in Enchantress #1 in Mi...
