MAAGANG nagising si Snow at dumiretso sa banyo para maligo. After bathing ay agad nadin siyang pumunta sa kitchen para kumain. Naabutan niya doon ang mga maid na nagluluto at nagchichis-misan pero agad ang mga ito na tumahimik nang dumating siya.
"Kain na ho kayo, ma'am?" sabi ng isang mga nasa mid50's na ginang.
"Marunong ho kayong magtagalog ,manang?"
"Oo naman hija. Nakatira ako sa Pilipinas at nag ofw lang ako dito sa Greece."
"Matagal na ho ba kayo dito?"
"Ilang taon na din. Ako yung yaya ni Dylan dati. Ang bilis lang ng panahon no? Parang kailan lang, siya pa ang inaalagaan ko ngayon ay magkaka-anak na siya. At kambal pa."
"Oo nga po e." napangiti siya habang hinihimas-himas ang tyan niya."Ano nga po palang pangalan niyo Manang?"
"Tawagin mo nalang akong Manang Haidee hija." sagot nito habang inihahanda ang pagkain.
"Cge po.Manang Haidee."
"Ang bait mong bata ka. Di tulad ng Samanthang yun." napatigil siya sa pagsubo dahil sa narinig.
"Kilala niyo po si Samantha?" kinakabahang tanong niya.
"Ay oo naman hija. Magkababata kasi yang si Dylan at Samantha. Akala ko nga sila na ang magkakatuluyan e kasi hindi yan mapaghiwalay noong mga bata pa sila kaso biglang umalis si Dylan papuntang Greece para mag-aral kaya nagkahiwalay ang landas nila ng mga ilang taon."
"Ah ganoon po ba." kung ganoon ay malalim pala talaga ang pagsasama nila Dylan at Samantha. Kaya pala mas pinipili ng binata si Sam kaysa sa kanya at sa mga babies nila.
"Oo. Nung umalis nga yang si Dylan ay mas lalong naging masama ang ugali ng Sam na yun. Kaya ang ginawa ni Dylan ay sinundo si Sam at sabay silang pumunta ng Greece."
Gago talaga ang lalaking yun!
Kung magiging rebound lang pala siya dito ay dapat pala na hindi nalang siya sumama pa dito. Nandito naman si Samantha kaya anong silbi niya dito? Ano? Makikita na naman niya si Dylan at Samantha na magkasama nang masaya katulad dati? Tsk.
BINABASA MO ANG
Claimed by the Billionaire
RomantizmON-GOING - EDITING Snow Cullen needs help and Dylan Montefalco is willing to help her.Plain and simple. But in return, for her to pay her debt to the multi-billionaire, she needs to warm his bed and that includes sex. A lot of sex. Everything went...
