Chapter Ten

2.1K 61 8
                                    

MATAPOS mag-ayos ng mga gamit niya ay pumunta muna siya sa kitchen para mag-umagahan. Bawal sa mga buntis ang magutom dahil magugutom din si baby kaya dapat ay kumain talaga siya. Lulunukin na muna niya ang pride niya para sa anak niya.

Nang makarating doon ay nandoon si Samantha. Masayang kumakain habang sinusubuan ito Dylan.

Kailangan ko ba talagang pumunta doon?

Dahil wala naman siyang magagawa kasi gutom na talaga siya ay bahala na si Spongebob sa kanya.Nagpatuloy siya sa paglalakad at tahimik na kumuha ng pinggan at naglagay ng pagkain doon.Sa guest room nalang siya kakain at baka maka-istorbo pa siya dito.

Habang kumakain siya ay biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Samantha at may dalang kutsilyo.

"A-anong ginagawa mo dito? Ba-bakit may hawak kang ganyan?"

Nauutal niyang tanong dahil talagang natatakot na siya.Baka ano pang gawin ng babaeng to sa kanya at sa baby niya.

"Ano pa nga ba? Edi papatayin kita at yang pesting bata na nasa sinapupunan mo." tumawa pa ito na parang demonyo at dali-daling sumugod sa kanya.

"Dylan! tulungan mo ko!!!!" sigaw niya.

Nang papalapit na sa kanya si Sam ay naitulak niya ito dahilan para masubsob si Sam sa sahig at tumilapon ang kutsilyo.

Nagmamadali si Snow na kunin ang kutsilyo at itutok ito kay Sam. "Sige, subukan mong lumapit, papatayin talaga kita."

Matapos niyang sabihin yun ay sumigaw si Samantha dahilan para bumukas ang pinto at dumating si Dylan.

"Dylan,honey,tulong! Papatayin ako ng babaeng yan at ang baby natin!" sumbong ni Sam sa binata.

Tumingin sa kanya si Dylan na puno ng galit at puot.Inagaw nito sa kanya ang kutsilyo."Ano na naman to, Snow? Kung gusto mong umalis ay umalis ka! Hindi mo na kailangang idamay si Sam at ang baby namin!" Sigaw nito sa kanya na ikinadurog ng puso niya.

"Dylan, mali ang sinasabi niya. Pu-pumasok siya dito na may dalang kutsilyo at sumigaw ako para tawagin ka pero hindi ka dumating. Pero nung siya ang sumigaw saka ka lang dumating kaya ganoon ang nakita mo. Pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko laban sa babaeng yan! Bakit ayaw mong maniwala sakin?" mangiyak-ngiyak niyang tanong.

"Bakit ayaw kong maniwala? Kasi sinungaling ka Snow. Pinapaniwala mo ako sa mga bagay na hindi naman pala totoo. At yan? Dyan ka magaling eh. Sa pag-iyak mong yan.You're such a best actress. Pero ang totoo isa kang manloloko at sinungaling kaya pwedi ba, umalis ka sa paningin ko at lumayas ka na sa bahay ko."

"A-akala ko ba, ayaw mong umalis ako?" umiiyak na talaga siya."Sabi mo, aayusin mo to." nag-angat siya ng tingin dito."Dylan, kilala mo ko, hindi ako sinungaling at manloloko."

"Hindi kita kilala, Ms.Cullen. I just knew you a month ago after our one night stand. Nakipag deal lang ako sayo to have you again in my bed because I'm lusting on you. I just had associate with you to have an efficient sex. Yun lang naman ang habol ko sa'yo."

"Yun lang ba talaga ang ha-habol mo sakin?"

"Ano pa ba?"

"Bakit ka possessive sakin? May pa mine-mine ka pang nalalaman."

"Its because I don't want any man to lust to you. Baka mahulog ka pa sa kanila at makipag-sex ka sa iba habang naka tira ka sa ilalim ng bubong ko. Baka magkasakit pa ako ng aids nang dahil sa'yo."

Claimed by the Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon