ITS been one month since sinundan ni Dylan ang malanding higad na baliw na nagngangalang Samantha nung bigla itong umiiyak na tumakbo palabas ng mansyon ni Dylan.
Nung mga ilang araw pa lang itong nawawala ay pilit niyang ipinapasok sa isip niya na baka may inasikaso lang ito tungkol sa baliw na yun o baka may importante lang na pinuntahan pero isang buwan na ang nakakaraan ay hindi pa rin ito bumabalik.Gusto niyang isipin na baka na traffic lang ito pero alam niyang niloloko lang niya ang sarili niya.
Nagsisimula na siyang mag-alala para dito pero may iba't-ibang negatibo na senaryo din ang pumasok sa isipan niya tulad ng pano kung iniwan na siya nito para sa Samantha na yun? Paano kung nakumbinse na ito ng ama nito na hindi talaga ang binata ang ama ng mga sanggol sa sinapupunan niya? Paano kung may masama na palang nangyari dito?
Ayaw man niya na isipin na sumama na ito kay Samantha pero parang mas mabuti nalang siguro yun kaysa may nangyari nang masama dito.Mas kakayanin pa niyang makita si Dylan sa piling ng ibang babae kaysa na may nangyari nang masama dito. Ikakamamatay niya siguro yun.
Ano ba? Bakit nag-iisip ako ng mga ganito?
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya para sa mga anak niya pero pilit parin na hindi mapakali ang isip niya.Ayaw niya ng stress pero talagang hindi niya maiwasan na mag-alala.
Syempre,si Dylan yun.Kahit pabago-bago ang ugali ng lalaking yun ay mahal niya yun.Hindi man niya masabi-sabi dito ay pilit naman niyang ipinararamdam dito.
Kahit isang buwan na ang nagdaan ay hindi parin niya susukuan ito.She loves him and she will wait for him to go home no matter how long it is.
Niyakap niya ang kanyang sarili nang bigla nalang siyang gininaw. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya sanay sa klima ng Greece.
Noon naman ay hindi niya nararamdaman ang lamig kasi palagi siyang niyayakap ni Dylan pero ngayon ay wala ito kaya dama niya talaga ang pangungulila.
Asan na ba kasi ang lalaking yun?
Ilang sandali lang ay namalayan niyang tumunog ang cellphone niya.
Tita Emma calling....
"Hello ,tita? Kamusta po? May balita na po ba kayo kay Dylan?"
"That's the reason why I call you ,hija."
"Bakit po?" Kinakabahan niyang turan. Ano kaya ang ibabalita sa kanya ni Tita Emma? She hopes thats its a good news. Hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama sa taong mahal niya.
"Someone called me.I know where he is."
"Really tita? Where is he? Can I see him?" puno ng pag-aalala na tanong niya.
"Hija,relax yourself.Remember your babies. Please, avoid stress. I'll be fetching you there para sabay na tayong pumunta."
"Sige po ,tita.Salamat."
"You don't have to thank me,my future daughter in-law. I know that you're worried sick because of my son. I don't want you the be stress kaya ginagawa ko to."
"Thank you po talaga tita."
Nang makarating si Tita Emma sa mansyon ni Dylan ay agad na silang tumulak patungo sa ospital kung saan daw sinabi ng anonymous caller.
Kung sino man ito ay malaki ang pasa-salamat niya dito.
Pero gayunpaman ay hindi pa rin siya mapakali dahil punong-puno ng mga katanungan ang isipan niya kung bakit nasa hospital ito.
BINABASA MO ANG
Claimed by the Billionaire
RomanceON-GOING - EDITING Snow Cullen needs help and Dylan Montefalco is willing to help her.Plain and simple. But in return, for her to pay her debt to the multi-billionaire, she needs to warm his bed and that includes sex. A lot of sex. Everything went...
