NANG matapos siyang mag-impaki ay nagpasya si Snow na ipagpabukas na lang ang pag-alis. Ayaw niyang magmaneho lalo pa at gabi na.
Baka maaksidente pa sila ng baby niya.
Tatawag nalang siya kay Irish bukas na ipadala ang Ferrari niya sa Huğo Subdivision kung saan nakatirik ang bahay ni Dylan.
Bumaba siya sa dining at naabutan doon si Dylan na umiinom habang pasalampak na naka-upo sa sahig na may carpet.
Medyo malayo siya kay Dylan pero amoy na amoy niya ang whiskey dito. Wala ring pang-itaas na damit si Dylan kaya napansin niyang may tattoo ito sa matipuno nitong dibdib sa bandang puso nito.
Pasimple siyang naglakad papunta doon at napagtatanto niyang isang maliit na snowflake ang tattoo ni Dylan. Mamula-mula pa ang snowflake kaya alam niyang bago palang nagpa tattoo ang binata.
Pero bakit Snowflake ? Dahil ba kasing lamig ng yelo ang puso ni Dylan?
She tsk. Baka nga siguro.
Pero hindi naman yun ang nararamdaman niya. Dylan is sweet and caring kaya imposibleng kasing lamig ng yelo ang puso nito.
O baka naman pakitang tao lang ang ginawa sa kanya ni Dylan para magdalawang isip siyang umalis.
Mahina siyang napailing-iling. Bakit naman yun gagawin ni Dylan e gusto na nga nitong pumunta siya sa hell.
Tsk !
Bahala siya sa buhay niya! Magsama sila ng haliparot na Samanthang yun.
Tse!
Pumasok siya sa isang guest room at pabagsak na isinara ang pinto.
Bwesit!
Humiga siya sa malambot na kama at dahan-dahang hinahaplos ang tyan niya nang biglang nakarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pinto.
Wala namang ibang kakatok kung hindi ang lalaking yun.
"Anong kailangan mo ,Dylan?"
"I want us to talk." numumungay ang boses ito.Halatang lasing.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Aalis na ako bukas na bukas din."
"Pakinggan mo muna ako."
"Ano pang pakikinggan ko? Alam kona lahat. N-nabuntis mo si Samantha and I'm going to leave." Shit! At talagang nauutal pa talaga siya ah.
"Please,Snow.Ayokong umalis ka."
"But that's the right thing to do,Dylan."
"I'm begging you ,baby. Don't leave me."
"I'm begging too,Dylan.Let me go."
Ilang segundong natahimik si Dylan sa kabilang pinto.
"Stay with me ,Snow. For three days. Pagkatapos nun ay malaya kanang makaka-alis."
"For what? Ayokong maabutan ako ng fiance mo dito,noh?!" singhal niya.
BINABASA MO ANG
Claimed by the Billionaire
RomanceON-GOING - EDITING Snow Cullen needs help and Dylan Montefalco is willing to help her.Plain and simple. But in return, for her to pay her debt to the multi-billionaire, she needs to warm his bed and that includes sex. A lot of sex. Everything went...