05
"How are you, Diego?" tanong ni Mama kay Diego na kanina pa nakatingin sa akin, ramdam ko kahit hindi ko siya tingnan.
"I'm taking a course related to our company, Business, Tita. Next week is my flight going to Europe because of some shits. You know naman Tita si Lolo."
Some shits? Ikaw at ang Papa mo ang shit, bwisit ka!
"DIto kaba nag-aaral?" tanong ni Mama na ikinaling lang niya.
Buti naman. Sana ito na ang huling pagkikita namin.
Kanina ko pa nilalaro ang pagkain sa plato ko at hindi siya pinapansin. Ayaw kong kumain ng pagkaing galing sa kaaway. Sabihin ng maarte ako o OA, wala akong pakialam.
Kanina pa sila nag-uusap. Pilit akong isinasama ni Mama sa usapan nila pero tanging tango lang lagi ang sagot ko. Baka kasi hindi ako makapagpigil at ihambalos ko sa pagmumukha ni Diego ang plato. At saka bakit ko kakausapin ang walanghiyang 'yan. Nang dahil sa kanila, may nasira.
"Caily, what's that face? Kanina ka pa badtrip ah. Any problem?" inosente niyang tanong dahilan ng lalo kong pagkainis sa kanya.
Seryoso akong nag-angat ng tingin sa kanya. Nang magtama ang mga mata namin ay doon mas lalong naging klaro ang pangyayaring 'yon. Memories that are slowly killing me, inside. Those memories, those fucking memories!
"No. I'm perfectly fine. I can kick and punch faces, Diego. You want some demo? Try ko sa mukha mo gusto mo? Gusto mo bang maging punching bag ko?"
Naging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Nang ngumiti siya at umiling ay umirap ako at tumayo na. Tapos na ako sa walang kwnetang pagpapanggap na ito sa harapan niya.
Nagulat silang dalawa sa marahas kong pagtayo. Nasulyapan ko rin ang pagtingin sa amin ng ilang customer.
"Aalis na kami dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong dugo na kumulo ng dahil sa pagmumukha mo. Mayaman ka naman diba? Kaya mo namang patakbuhin at bayaran ang lahat 'di ba?" Itinuro ko ang lamesa naming na maraming putaheng nakahain pero hindi ganoon nagalaw. "Ikaw na ang magbayad ng kinain niyo ni Mama. Barya lang naman sa'yo ito."
Lumingon ako kay Mama na ngayo'y bakas ang pagkagulat sa mukha. Hinawakan ko ang palapusuhan niya at saka ngumiti sa kanya. Marahan ko siyang hinila patayo.
"Let's go, Ma."
Tahimik akong nagmamaneho papunta sa isang Mall dahil gusto kong magpalamig man lang. Iniuwi ko muna si Mama at tinulungan sa pag-aayos ng mga binili bago nagpaalam na aalis ulit. Hindi ko rin makalimutan ang biglaan kong paghila kay Donnie kanina sa tapat ng bahay namin.
"U-Uhm... ano..." Kinamot ko ang pisngi ko bago muling bumuntong-hininga. "Pwede bang tingnan tingnan mo si Mama ngayong gabi? I-I mean, sabihin mo sa akin kapag may nakita kang pumasok sa bahay namin."
Dahan-dahan sIyang tumango sa akin at saka ngumiti. Kung hindi lang ako nag-aalala kay Mama, tuluyan ko na sIyang dinagukan dahil sa paraan niya ng pagngiti sa akin.
"Oh sige, makakaasa ka, Not Interested," nakangiti niyang sabi bago nag-thumbs up.
Tinalikuran ko siya at saka naglakad na papunta sa kotse. Akmang papasok na ako ng bigla niya akong tawagin kaya nilingon ko agad.
"Bakit?" taka kong tanong dahil tuwid lang siyang nakatayo.
Nagkamot din siya ng batok bago may kinuha sa bulsa at ilahad sa akin ang bagay na iyon. "Can I have your number, Not Interested?"
Sumulyap ako sa cellphone na hawak niya bago nag-angat ng tingin para tingnan siya. Gusto ko talagang masubukang madagukan siya at hindi ko alam kung bakit. For the first time, ngumiti ako sa kanya at hindi matanggal ang ngiti sa labi niya.

BINABASA MO ANG
Bowl of Memories | Memories #1
Jugendliteratur"Sa panahon ngayon, wala ng taong totoo dahil lahat peke at manloloko. Kahit kaibigan mo, pwede kang saktan ng patago." Para sa iba, masaya kapag may mga kaibigan. Dahil may taga-pakinig ka sa mga hinaing mo sa buhay. May magpapasaya kapag ang mukha...