15
"Alas otso na, Caily. Hindi ka pa papasok?" Rinig kong tanong ni Mama sa kabilang linya.
Tamad akong nakaupo sa sofa at nanunuod ng hindi natapos na episode ng Mr. Bean kahapon. Kumakain pa lang nang agahan at sobrang gulo ng buhok. Wala pang kayos-ayos sa sarili at wala pang ligo. Walang balak maligo para sa araw na ito.
"Wala kaming pasok, Ma."
Tamad kong isinubo ang cereals. Muli akong sumulyap sa mangkok na kinulang sa gatas kaya mukhang pagkain ng baby ang kinakain ko ngayon. Anyway, masarap naman kahit kinulang sa gatas, hindi kasi ganoon katamis.
At sa totoo lang, ayaw kong pumasok ngayon, iyon ang totoo dahil sa sinabi ni Donnie sa akin. Kinabahan ako ng sobra sa sinabi niya kahit hindi ko alam kung totoo ba ‘yon o hindi. Kung tutuusin nga, dapat siya ang nahihiyang magpakita sa akin, pero bakit ako? Ako pa ang nahihiyang magpakita sa kanya!
"Ma?" taka kong tanong.
Ilang minuto kasi siyang hindi nagsalita. Kung busy siya ngayon kahit sobrang aga, maiintindihan ko. Pwedeng magpalaam na muna kami sa isa’t isa for now tapos mamaya kapag hindi na siya busy, tatawag ulit ako kay Mama. Hindi naman ako papasok so, free akong buong araw.
"Yes, anak?"
Isa rin sa dahilan kung bakit ako hindi pumasok, na konektado pa rin naman sa sinabi ni Donnie ay dahil nagtataloang isip ko kung sasabihin ko ba o hindi kay Mama?
Hindi ko alam ang gagawin ko! Takte. Nagsabi lang na manliligaw, susko naman, Caily, hindi hinihingi ang kamay mo para sa isang kasal!
"P-Paano ka niligawan ni Papa noon?" nakapikit kong tanong sa kanya.
Tatlong sunod-sunod na subo ng cereal ang ginawa ko saka itinaas ang kutsara sa ere, katapat ng ulo ko dahil sa kaba.
Nakakahiya!
"Caily."
"P-Po?" kabado kong tugon. Nilunok na ang cereals at mabilis na uminom ng tubig.
"May nanliligaw sa 'yo?"
Iyon ang huling tanong ni Mama na hindi ko sinagot. Pinatay ko agad ang tawag dahil sa sobrang kaba.
Alam mo ‘yung kabang ikaw na ang susunod na pupunta sa stage para mag-perform ng declamation sa isang daan mong ka-batchmate? Ganoon! Parang mas gugustuhin ko na lang na tumambay maghapon sa CR o mag-cutting class kaysa makita ako ng tao.
Nagpapabalik-balik ako sa harap ng TV ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Tumakbo ako papunta roon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Mama.
Bakit siya tumawag? Hindi ba siya busy? Oh my! Kinakabahan ako.
"H-Hello, Ma?" kabado kong tanong at umayos ng upo sa sofa.
"Caily, wala ba talaga kayong pasok?"
Patay na.
Napalunok ako at kinagat ang labi, naghahanap ng pwedeng alibi sa hindi ko pagpasok.
"Caily, tinatanong kita,” seryosong sabi niya sa kabilang linya.
"Ma, masakit po kasi ang puson ko. Ano...” Muli akong lumunok at bahagyang tumawa. “… may pasok ako. Mamaya pa pong one at kapag okay na ang pakiramdam ko, baka pumasok po ako." Pagsisinungaling ko ulit.
Sa mga oras na ito, alam kong may klase na kami. One ang uwian namin, hindi one ang pasok.
"Caily."
"Po?"
"One ang uwian niyo, hindi ang pasok."
Napakagat ako sa labi at nagmura sa isip. Paano niya nalaman?
BINABASA MO ANG
Bowl of Memories | Memories #1
Novela Juvenil"Sa panahon ngayon, wala ng taong totoo dahil lahat peke at manloloko. Kahit kaibigan mo, pwede kang saktan ng patago." Para sa iba, masaya kapag may mga kaibigan. Dahil may taga-pakinig ka sa mga hinaing mo sa buhay. May magpapasaya kapag ang mukha...