20
"Aalis na ako."
Nakangiti akong tumango sa kanya. Nagulat man sa bigla niyang paghakbang palapit sa ain at yakap, hindi na ako nagreklamo.
"Mag-ingat ka,” bulong niya bago tinapik ang balikat ko saka kumalas sa yakap at lumayo. “Alam ko na hindi ka papabayaan nina Samuel, lalo na ni Donnie."
Tumango ako at saka pekeng tumawa bago ko inabot ang laylayan ng damit ni Donnie na nasa gilid ko lang. Narinig ko ang pagtawa nilang dalawa kaya agad akong sumimangot.
Binuhat ni Diego ang back pack niya kaya kahit ilang pa rin ako sa kanya ng kaunti, itinaas ko ang kamay ko at kumaway sa kanya bilang pamamaalam.
"Bye.”
"Bye," nakangiti niyang tugon.
Tahimik akong nagsusulat ng notes sa isa naming minor subject na sadyang nakakaburto. Kanina pa kasi ako nagsusulat at masakit na rin ang kamay ko. Hindi naman ako pwedeng tumigil dahil bukod sa mabilis na nagsusulat ang kaklase ko sa board, maiiwan ako.
Kagat labi akong bumuntong-hininga at ibinaba ang ballpen na hawak ng may marinig kaming kumatok. Napangiti ako ng marinig ang reklamo ng mga kaklase ko na pagod na rin sa kakasulat at naiinis sa kaklase namin.
“Tito ata nito si Flash,” natatawang asar ng kaklase na ikinangiti ko.
Sumandal ako sa upuan at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Hindi ko na sana pagtutuunan ng pansin ang kumatok dahil akala ko ay estudyante na i-e-excuse lang ang Professor namin, pero hindi.
Mabilis akong nag-angat ng tingin sa babae at agad na tumindig ang balahibo ko ng makilala ang pamilyar na boses at hitsura.
"Hi. I'm Casey Reyes," nakangiti niyang pakilala sa unahan.
Halos mag-iwas ako ng tingin ng magtama ang mata namin. Ngumisi siya saka bumaling sa Professor namin bago muling nagsalita. Halos kumunot ang noo ko ng masulyapan ang pagturo niya sa puwesto namin.
"Shit! May sisiw na tatabi sa akin." Rinig kong sabi ng katabi ko.
"Kung dito man uupo ang babaeng 'yan. Sa gitna ka, maliwanag?"
Sa pagdaan ng araw, mas nakilala ko si Justin o mas kilala sa codename na Virus. Isang kwelang tao na malimit ay seryoso rin na miyembro ng Club of WriPho, ganoon din siya sa akin. Alam niya na kapag galit na ako, kapag seryoso at kapag hindi na natutuwa sa nangyayari o kung minsan ay sa pinagsasabi niya. At alam ko, sa oras na 'to, nabasa na niya ako.
"Noted, Not Interested."
Habang naglalakad palapit sa amin si Casey na ngising-ngisi. Napadako ang tingin ko sa likod niya at mas nagulat pa’t nanlaki ang mata ng makitang sunod-sunod na pumasok sina Hannah, Andrew at Andrei at sunod-sunod rin na nagpakilala.
Hindi lang ako ang nagtaka sa biglang pagpasok nila, pati na ang ilan kong mga kaklase na agad silang pinag-usapan. Doon na ako pumikit at pinili na lang ipatong ang ulo sa desk dahil sa inis at galit.
Anong ginagawa nila rito? Mangugulo? Mang-aasar? Hihingi ng tawad o kakausapin ako katulad ng ginawa ni Diego? Makikipagbati? Makikipag-ayos? Nasaan si Diego? Alam ba niyang nandito sila? Sila lang ba o kasama siya?
Bakit sa tuwing tinatakbuhan ko ang isang problema o tao mas lumalapit sila? Bakit 'yong mga pinipilit kong kalimutan 'yon ang nagsusumiksik sa utak ko?
Okay! Sinusubukan ko ng harapin kahit takot pa rin ako, pero wala man lang bang pahinga? Kakatapos ko lang sa isa, hayan na naman at lima pa!
Ako na ang nag-adjust. Ako na ang umalis para iligtas ang sarili ko sa kahihiyan at sa mga taong nagbabaon ng masasakit na salita sa puso ko. Ako na ang umalis kasi bakit hindi?
BINABASA MO ANG
Bowl of Memories | Memories #1
Teen Fiction"Sa panahon ngayon, wala ng taong totoo dahil lahat peke at manloloko. Kahit kaibigan mo, pwede kang saktan ng patago." Para sa iba, masaya kapag may mga kaibigan. Dahil may taga-pakinig ka sa mga hinaing mo sa buhay. May magpapasaya kapag ang mukha...