Chapter 23

23 4 0
                                    

23

Sa mga oras na ito, para na akong pasyenteng nasisiraan na ng bait para sa kanila.

Nararamdaman ko na naman ang pakiramdam na pinagkakaisahan ako ng mga taong pinagkakatiwalaan ko. Gusto ko may ginagawa ako kahit ano basta hindi 'yong ganito na nakatengga. Sunod-sunod ang pagpasok ng mga ideya at pangyayari sa utak ko na mas lalong nagpapabigat sa dibdib ko.

Ang nakaraan. Ang litrato at ang short clip video. Ang mga kaibigan ko. Ang pagpasok ko sa Bennhur bilang IT Student na ginusto ko lang para makaganti sa kanila. Masama na ba akong tao kung sasabihin ko na gusto kong gumanti sa kanila? Sa ginawa nila?

"Hindi naman siguro," sagot ko sa sariling tanong habang nakapikit.

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at nakita ko na naman ang puting kwarto. Ako, ang hinihigaan ko, itim na sofa, ang maliit na lamesa, ang kurtinang puti na nililipad ng malimig na hangin ng hapon at ang tali sa dalawa kong palapulsuhan.

Wala akong ibang kasama ngayon sa hindi ko malamang dahilan. Iginalaw-galaw ko ang kamay ko, nagbabaka sakaling matanggal ang taling nasa palapulsuhan ko pero hindi. Sakit lang ang nakuha ko.

"Niloloko mo na naman ang sarili mo."

Hindi ko alam kung ilang araw na akong nandito o ilang araw na akong tulog. Basta ang alam ko lang, kakagising ko lang. Natatandaan ko bago ako tuluyang mawalan ng malay, narinig kong sinabi ni Mama na mahal niya ako.

Kaso bakit may mali? Ganito ba ang depinasyon ni Mama ng pagmamahal sa anak? Grabe.

Napalingon ako sa pinto ng makita ang paggalaw ng door knob at bigla nitong pagbukas. Sunod-sunod silang pumasok, tahimik silang lahat pero may ilang seryoso at may ilang nakikita ko ang awa sa mga mata.

"A-Anak."

Walang emosyon akong tumingin kay Mama.

"Hi, Ma," bati ko at ikinaway ang isang kamay.

Maglalakad n asana siya palapit sa akin ng hawakan ni Raymundo ang braso niya. Mariin at inis akong pumikit, kinakalma ang sarili. Ayaw kong magsalita dahil baka kung anong isipin nila.

"Raymundo, bitawan mo ang Mama ko." Utos ko na sa estado pa rin ng pagpapakalma sa sarili.

"Cai—"

"Sinabi ng bitawan mo ang Mama ko!" malakas kong sigaw at umamba itataas ang kamay pero hindi nagawa dahil sa tali.

Nagmulat ako at tinginan siya ng masama. Kita ko ang unti-unting pagbitaw niya kaya muli akong pumikit at kinalma ang sarili.

Kalma, Caily. Kalma.

"Caily, pasensiya na kung umabot pa tayo sa ganito na kailangan kang itali." Rinig kong sabi ni Mama na ikinapagtaka ko rin.

"Bakit nga ba, Ma?"

Ang tahimik. Ang payapa. Ang sarap sa pakiramdam. Gusto ko ng ganito.

"Iniisip niyo ba na baliw na ako?" tanong ko habang nakapikit pa rin.

"Bawal bang natatakot lang ako? Napa-paranoid dahil takot na akong maramdam ulit ang sakit noon? Ang nangyari noon. Natatakot na baka kung sino ang mga kasama ko ngayon, wala na bukas? Natatakot na baka lamunin na naman ako ng sarili ko sa kakaisip ng paraan, ng bakit ganito bakit ganyan?” Iminulat ko ang mata ko at mapait na ngumiti. “Bakit ako?"

"A-Anak..."

Umiling ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. Iniisip kung ano ba ang magandang gawin.

Sabihin lahat ng nasa isip ko para malaman nila habang sinasaktan ang sarili ko at patuloy na sinusugatan? Oh huwag ng sabihin at hayaan na lang sila sa kung ano mang iniisip nila dahil hindi naman nila ako papakinggan?

Bowl of Memories | Memories #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon