Chapter 06

23 7 0
                                    

06

Kanina habang nagmananeho ako, tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko. Gustuhin ko mang tumigil sa pag-iyak, ayaw namang tumigil ng mga luha ko kaya wala rin akong nagawa.

Nakaramdam na rin ako ng hiya dahil sa mga kasama ako, ang tahimik nila. Sa halip na makalma ako ng katahimikan, hindi. Nag-aalala ako dahil baka sabihin nila kay Mama ang nangyari. Natatakot ako na baka anong gawin ni Mama.

Kung bakit pa kasi sa hinaba-haba ng panahon ngayon pa lumitaw ang walanghiyang iyon. Sana hindi na lang siya nagpakita. 

"Not Interested, are you okay?" tanong ni Donnie.

Bumuntong-hininga ako bago tumatangong pinahid ang luha. Mukha na ba akong okay kapag ngumiti ako sa harapan nilang dalawa?

"O-Okay lang ako."

Sinungaling ka talaga!

"Bakit ka umiiyak?"

Bakit nga ba? Kasi nakita ko si Diego? Kasi bumalik ‘yung sakit? Kasi pinagkatiwalaan ko siya pero sinira niya lang iyon? Kasi bumalik lahat?

Ang gulo! Ang gulo-gulo na ng utak ko. Nakakapagod na!

"Bakit? Masama na bang umiyak ngayon ha?" inis kong tugon baka siya sinulyapan.

"Liar. Hindi ka okay."

Mabilis kong tinapakan ang break dahil sa narinig. Tumulo na naman ang luha ko at mas pinili kong itabi ang kotse dahil may mga naririnig na akong sumisigaw at bumubusina sa likod.

"O-Okay ako. T-Tears of j-joy 'to," nauutal kong sabi habang nakasubsob ang mukha sa manibela.

"Mukha mo, Not Interested. Hindi mo kami maloloko. Umiiyak tapos okay lang daw siya" natatawang tugon ni Donnie na siyang katabi ko. “Okay ka lang friend?”

Napabaling ako kay Donnie na nakangisi sa akin habang nakasandal at nasa likod ng ulo ang mga kamay, ginawang unan. Nang-aasar ba siya o ano? Naasar kasi ako sa paraan niya ng pagbibitaw ng mga salita.

"Hindi ka okay at lalong hindi iyan tears of joy.” Turo ni Samuel sa mukha ko kaya mabilis ko ulit pinunasan. ‘Pagkatapos mong magsisigaw doon, tears of joy? Sinong niloko mo."

"O-Okay nga lang ako!"

"Please take off your mask and let other people see how broken you are."

Ang sinabing iyon ni Donnie ang patuloy na naririnig ko hanggang ngayon. Sila lang dalawa ni Samuel ang nakapagsabi sa akin noon ng diretsyahan. Sila lang dalawa. Never kong narinig iyon kay Mama.

Take off my mask and let other people see how broken I am?

Hindi. Mas kailangan kong suotin ang maskarang iyon dahil nasasaktan ako. Paano kung tanggalin ko nga, pwede nilang gawing advantage iyon para saktan ulit ako. Lokohin.

Kung hahayaan ko silang makita ako ng ganoon hindi ba sila lalayo? Hindi ba sila tulad ng iba na hindi pa alam ang tunay na nangyari pero manghuhusga na agad? Because people nowadays are so fucking judgemental, they didn't know the whole story pero mas nauuna pa silang manghusga kaysa sa mga nakakaalam.

Some people is so judgemental. Kapag hindi ka kaaya-aya sa paningin nila, talo ka. Kapag hindi mo kayang sabayan ang mga ginagawa nila, talo ka. Kapag may ginawa kang ikakapahiya mo, kahit hindi mo sinasadya at hindi talaga ikaw ang may kasalanan, talo ka.

Talo ka rito sa mundo kung hindi ka magsusuot ng maskara at magiging matapang. Talo ka kapag naging mahina ka.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Alas-kwatro pa lamang ay mulat na mulat na ang mata ko. Iginala ko ang tingin sa buong kwarto at napansing may maliit na bookshelf malapit sa pintuan ng banyo.

Bowl of Memories | Memories #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon