Chapter 21

21 4 0
                                    

21

"Casey, Andrei, Hannah, Justin and..."

Mariin kong ipinikit ang mata ko at nanalangin na sana hindi ako ang tawagin.

"... Caily."

Putangina naman!

"Yes!" maligayang sabi ng katabi ko.

Umiling ako sa kanya at saka tamad na ipinakita ang dalawa kong kamay. Ang kaninang ngisi niya ay nawala at napalitan ng medyo galit na mukha. Wala pa siyang alam tungkol sa nangyari katulad ni Samuel. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanila. 

"Go to your group mates now!” anunsiyo ng Professor.

Kita ko ang mabilis na pagtayo ng mga kaklase ko at tuwang-tuwa na naglalakad papunta sa mga ka-group mates nila. Habang ako ay napabuntong-hininga na lang.

Nagsitayuan sila pero kaming dalawa ni Justin, hindi. Akala rin naming dalawa noong nakaraan sa tabi namin uupo si Casey pero hindi na ikinapagpasalamat ko. Magkakatabi silang apat sa likod. At minsan ko ng nakita ang mapang-asar na ngisi ni Casey at ang nagsusumamong mga mata ni Hannah ng minsan kaming magkasalubong.

"What are we going to do now?" maarteng tanong ni Casey.

Isang palakpak mula kay Justin ang naging hudyat sa akin para kuhanin ang papel at ballpen niya. Sa halip na magsalita, isinulat ko ang mga ideas na nasa isip ko.

Bullying.

What is bullying? Effect? Cause?

Simple lang ang sagot. Pisikil na pananakit, pangungutya sa kapwa, pagtawag ng iba’t ibang pangalan na hindi maganda sa pandinig at nakakasakit. Halos pare-pareho pero alam ko na kapag nakaranas ka ng ganito at umabot sa puntong halos patayin mo na ang sarili mo dahil sa mga naririnig at naranasan mo, masakit at malala na ang epekto nito sa ‘yo.

Dahilan? Kasi hindi nila gusto. Kasi hindi ka maganda sa paningin nila. Kasi hindi ka raw perpekto. Kasi napagtripan ka.

Epekto? Natatakot ka ng mag-express ng sarili mo sa paraang gusto at komportable ka. Natatakot ka ng makihalubilo.

Lintik na bullying na 'yan. Hindi na mamatay-matay.

Double kill.

"Bakit mo sinusulat? Ang sabi pag-usapan." Rinig kong sabi ni Casey pero hindi ko na pinansin.

"Hey, Casey! Put your hands down." Si Hannah.

Nag-angat ako ng tingin sa kanilang dalawa at nakitang nakataas nga ang kamay ni Casey. Sumulyap naman ako sa Professor naming na ngayo’y naagaw na niya ang atesniyon at naglalakad na palapit sa amin.

"Yes?"

"Siya po,” sabi niya sabay turo sa akin. “Ayaw niyang mag-share ng ideas."

"Casey," tawag sa kanya ni Hannah na sumulyap sa sinusulat ko.

Sumulyap ako sa kanilang dalawa na wala man lang hawak na kahit maliit na papel. Bagkus, hawak ni Hannah ang bilog na salamin habang si Casey ay nilalaro ang isang Maybelline na lipstick at mascara.

Inis kong tiningnan ang hawak kong papel at saka malakas na inihampas sa desk niya mismo. Kita ko ang pagtalon nilang dalawa sa gulat at nasulyapn na nagulat din ang Professor namin at ang ilang kaklase. Gulat siyang tumingin sa akin kaya seryoso kong tinitigan ang pares ng mata niya na akala mo’y mahihipnotismo ko.

"Isinusulat ko ang mga ideas ko para mamaya hindi tayo nakatanga lang,” seryoso kong sabi at hinablot ang hawak niya at galit ding ipinatong sa desk niya. Napalunok siya. “Bakit ayaw mong gayahin ang ginagawa ko o kaya ni Andrei? Isulat saka pagsasamahin.”

Bowl of Memories | Memories #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon