28
When I wake up to your footsteps
as you get up out of bed.
They make a song that sounds so simple,
but it dances in my head.
A melody so perfect
that it gets me through the day
and the thought of us forever.
Is one that won't ever go away.Makakatakas pa ba ako? Takbuhan ko kaya?
Takasan ko ng matapos na. Hindi pa tapos ang isang dagok, may kasunod na agad, tapos susundan pa ng isa hanggang sa magsuka ka na ng dugo.
Nakakapagod. Nakakasakit.
Noong Sabado, nang nalaman ko na dapat ako pala ang mamatay at hindi ang dalawang estudyante na 'yon, mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Nakokonsesiya ako kahit hindi ako ang pumatay. Hindi dapat ang dalawang babae na 'yon ang namatay, ako dapat, dapat ay buhay pa sila at pinagpapatuloy ang buhay nila.
Wala akong ibang ginagawa kung hindi bumuntong-hininga at isuntok ang kamay ko sa kama kapag nararamdaman ko ang galit, inis, at pagsisisi.
Paano nagawang pumatay ni Casey ng dahil lang sa selos niya sa amin kay Diego? Kung sinabi niya agad sa akin, isinaksak ko na sana sa bunganga niya si Diego!
Nasagot lahat ng tanong ko na konektado sa kanya. Kaya pala siya galit na galit sa akin at malimit akong pag-trip-an ay dahil may nararamdaman pala siya kay Diego.
Si Hannah? Hindi ko rin inakala na magagawa niya 'yon sa akin. Siya ang pinaka-anghel sa grupo namin kaya bakit niya gagawain sa aming apat 'yon?
Don't judge the book by its cover.
All I need to know is where to start.
Take my hand and show me forever.
So never will I ever let you go.
So let's hold on together
to this paper and this pen.
and write down every letter
to every word we've ever said.Masayang magkaroon ng kaibigan. Iyong hindi man kayo laging nagkikita o magkakasama, ‘yung bond hindi nawawala. Iyong kapag may problema ‘yung isa, magsasama-sama para tulungang tumayo ang nadapa. Iyong tipong kapag nalulunod ka na sa kalungkutan, biro at ang mga alaala niyo ang mag-aahon sa ‘yo.
Sa panahon ngayon, mahirap humanap ng masasabi mong totoong kaibigan na hindi pahamak ang dala sa ‘yo. Sabihin na rin natin na may ilang mga taong hindi maganda ang image sa ibang tao pero once na maging kaibigan mo, masaya at alam ang tama sa mali.
May ilan na maswerte pero isa ako sa ilang mga kabataan na medyo bumaligtad.
Hindi ko maikakaila na masaya silang kasama. Na-experience kong protektahan ng mga kaibigang lalaki kapag may nam-bu-bully. Na-experience kong magdala ng love letter sa isang babae dahil torpe ang isa. Na-experience kong maging laman ng booth, mangolekta ng mga litrato at i-keep sila. Natuto rin akong mas pahalagan silang lahat kahit hindi ko iyon nagawa sa sarili ko habang sila ang kasama ko, na mali pala.
Alam ko na noon na si Casey ang kumukuha ng credit card sa wallet ko. Bibili ng mga gusto niya, make-up, damit at kung anu-ano pa. Anong ginawa ko? Nanahimik ako kasi ayoko ng gulo.
Ang nangyari sa bahay noon na sinabihan ko siya ng malandi? Nadala lang ako ng galit kaya ko nasabi ang bagay na ‘yon at nagsisisi ako. Wala akong balak na saktan siya – wait. May balak talaga akong saktan siya noon pero physically at hindi emotionally. Dahil alam ko ang sakit kapag nakakarinig ng mga masasakit na salita.
Saktan na ang katawan pero huwag ang puso. Kasi kapag sa katawan, maghihilom, pepeklat at mawawala. Pero kung puso niya ang sasaktan mo, hindi maghihilom, hindi aalis, lagi mong maririnig hanggang sa kwestunin mo na ang sarili mo kung totoo ba 'yon.
Hindi ba talaga ako importante sa kanila? Hindi ba talaga sila natatakot na mawala ako?
All I need to know is where to start.
Take my hand and show me forever.
So never will I ever let you go.
So let's hold on together
to this paper and this pen.
and write down every letter
to every word we've ever said.
BINABASA MO ANG
Bowl of Memories | Memories #1
Novela Juvenil"Sa panahon ngayon, wala ng taong totoo dahil lahat peke at manloloko. Kahit kaibigan mo, pwede kang saktan ng patago." Para sa iba, masaya kapag may mga kaibigan. Dahil may taga-pakinig ka sa mga hinaing mo sa buhay. May magpapasaya kapag ang mukha...