Chapter 18

29 4 0
                                    

18

Virus:

Caily, hindi ka papasok?

Virus:

Caily, may sakit ka ba? Dalawang araw ka ng hindi pumapasok.

Virus:

Caily, please mag-reply ka. May load ka naman siguro hindi ba? Nag-aalala na ako!

Tamad akong nagtipa ng reply kay Virus na oras-oras ng nag-te-text.

Caily:

Pakisabi na lang may trangkaso ako. Salamat.

Inis kong ibinato ang cellphone sa kama ko at isinandal ang likod at ulo sa upuan. Pumikit ako at mas inayos ang jacket na yumayakap sa katawan ko, nagbibigay init. Ngunit kahit na patong-patong na ang jacket ko, nilalamig pa rin ako.

Rain. Books. Coffee. Broken heart. Tears. Expectations.

“Buhay nga naman. Palagi na lang masakit,” nailing kong sabi. “So unfair!”

Tamad akong tumayo at naglakad papunta sa kama dahil sa biglang pag-ri-ring ng cellphone. Tinatamad mang maggagalaw dahil na rin sa hindi ko malamang bigat ng pakiramdam, kailangan kong sagutin dahil baka si Mama 'yon.

Ayaw kong maabutan niya akong ganito na mukha na namang pasan ang problema ng buong mundo, if ever man na ngayon si uuwi. Miss ko na si Mama.

"Ma." sagot ko at saka lumunok.

"Anak, hindi ka ulit pumasok? Bakit?" Bakas sa tono ng boses niya ang pag-aalala pero iwinaksi ko lang ‘yon.

Pabagsak akong humiga sa kama ko at nakapikit na sinagot ang tanong niya. Ang bigat-bigat.

"May trangkaso ako, Ma."

Natapos ang tawag sa pangungulit sa akin ni Mama na uminom ako ng gamot, magpahinga at magpahinga ulit. Ibinilin niya rin na pumunta ako sa bahay nina Tita Carmen at magpaluto ng lugaw, pero dahil nahihiya ako at may kaunting tampo kay Donnie, hindi ako pupunta. May mapapagtiyagaan namang noodles, okay na ako roon.

At sa halip na sundin ang bilin niya na magpahinga ako, hindi ko pinakinggan. Lumabas ako ng bahay at pinilling maligo sa ulan kahit na sobrang lamig at bigat ng pakiramdam ko.

Nakatingala ako ngayon habang dinadama ang patak ng ulan na tumata sa mukha at katawan ko. Ang lamig na nanunuot sa katawan ko ay nagdadala rin ng sakit. Pakiramdam ko bigla na lang akong babagsak dito.

Basang-basa na ang damit ko pero hindi ko inalintana iyon.

Lulubusin ko ang oras na ito dahil walang makakaalam na umiiyak ako, salamat sa ulan. Iisipin lang siguro ng mga kapitbahay namin dito na tulad din ako ng ilang kabataan na tuwang-tuwa pa rin kapag naliligo sa ulan.

I'm Interested, remember?

Hindi ko alam kung ano ang mararamdam ko noong bigla siyang tumakbo palayo sa akin. Pakiramdam ko, wala ng kakausap at lalapit sa akin. Pakiramdam ko, naiwan na naman akong mag-isa. Ang OA siguro nito para sa iba pero masakit sa akin, sobra.

"I want to break free," Kanta ko habang umiiyak at mapait na nakangiti. "I want to break free. I want to break free from your lie—"

Mabilis akong napamulat dahil sa gulat ng maramdaman ang isang kung anong bagay na bumalot sa katawan ko. Mabilis akong lumingon at agad na nabuhay ang galit ng makita siya. Agad akong nagpumiglas dahil sa marahas na paghawak niya sa akin, ramdam ko ang mas  mabilis na pagpatak ng luha ko at ang mas pagbigat ng katawan ko.

"Caily, ano ba!" malakas niyang sigaw.

"Bitawan mo k— ah!"

Sa isang iglap ay buhat na niya ako sa balikat. Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas dahil ayaw kong binubuhat ako at ayaw ko siyang makita! Ngunit natigiil lahat ng ‘yon ng maramdaman ang  isang tampal sa binti dahilan ng pamumula at pagtahimik ko.

Bowl of Memories | Memories #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon