07
Tahimik akong nakikinig sa guro namin na nasa unahan, nagdi-discuss habang paulit-ulit kong itinutuktok ang ballpen sa table ko. Hindi niya naman ako maririnig dahil nasa pinakalikod ako, mag-isa. Major subject din namin siya rito sa Bennhur.
Yes. Nag-transfer ulit ako at medyo nahihirapan na naman ako. Kailangan kong mag-adjust ulit sa mga taong nakapaligid sa akin at sa bagong environment na ginagalawan ko. After all, gusto kong makatapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Trabahong habang ginagawa ko ay masaya ako.
Kanina habang naglalakad ako pababa ng hagdan sa bahay, naagaw agad ng atensiyon ko ang dalawa na kausap si Mama. Seryoso silang tatlo na nag-uusap at kahit gusto ko mang usisain ang nangyayari, hindi ko na lang ginawa.
Nagtaka rin ako sa ikinilos ni Mama. Noon kasi, tuwing hihiramim ko ang susi ng kotse ay marami pa siyang sasabihin. Minsan nga ay itinatakas ko o hindi ko siya pinapakinggan katulad ng ginawa ko noong nakita ko si Diego.
Pero ibang-iba kanina si Mama, hindi pa ako nagsasalita ay ibinato niya na agad sa akin ang susi. Hinalikan niya ako sa noo at sinabing mag-ingat ako na palagi niya namang sinasabi sa akin bago ako nagmano. Kaso may iba talaga akong pakiramdam.
Pakiramdam ko kasi tuwing ganoon ang ikinikilos ni Mama sa akin ay aalis siya. Yung tipong aabutin ng ilang araw o kaya ilang linggo bago siya makauwi. And to tell you honestly, I'm scared.
Nagpakunot din sa noo ko ang sinabi ni Mama sa akin kanina na sina Samuel na at Donnie ang bahala sa akin. Lagi ko raw silang isabay, papasok man o pauwi, break at lunch time. Kaya kanina noong papasok ako, kasabay ko silang dalawa.
Nagkahiwalay lamang kaming tatlo ng naiwan sila sa second floor at dumiretsyo naman ako sa fourth floor. Napansin ko rin na kilalang-kilala ang dalawa rito. I mean, hindi naman famous pero noong nasa second floor kami ay sunod-sunod na ang pagbati ng goodmorning sa dalawa.
Marami sigurong chicks ang dalawang iyon dito.
"Class, dismiss," anunsiyo ng guro namin.
Napabuntong-hininga na lang ako at tumingin sa labas ng bintana. Isa-isa na silang nag-aayos ng mga gamit at lumalabas habang ako, nakaupo pa rin, mag-isa. Nagtatalo ang gutom kong tiyan at ang takot kong utak kung pupunta ba ako sa canteen o hindi.
Isinakbit ko ang bag ko at nagsimula ng maglakad pababa. Siguro ay sa labas na lang ako bibili para hindi ganoon karami ang estudyante. Bukas naman palagi ang gate kaya walang problema.
"Caily, ‘yung pangalan. Nasa Green Department."
"Hindi ko po siya kilala," magalang na tugon ng babae.
"Hindi mo talaga siya nakita? I mean, takot kasi iyon sa tao ka—"
Kunot-noo kong pinagmasdan si Donnie na nagsasalita habang iminimuwestra pa ang kamay. Si Samuel naman ay tumatawa sa tabi niya, nakita na akong pinagmamasdan silang dalawa. Naglakad ako papalapit sa kanila at sinamaan ng tingin si Donnie.
"Sinong takot sa tao, Donnie? Hindi ako takot sa tao!"
"Siya ba Kuya Donnie ‘yung ta—"
"Hindi nga sabi ako takot sa tao!" malakas kong sigaw na ikinagulat nilang tatlo.
Ang kulit kasi. Sinabi ng hindi nga!
Hindi ako takot sa tao. Takot lang akong makihalubilo pero hindi nga ako takot sa tao!
"Chill ka lang, Not Interested. Kalma, ang puso baka malaglag," natatawang sabi ni Donnie bago hinaplos ang dibdib niya.
Nagpaalam silang dalawa sa babae at saka tumingin sa akin. Ngumiti silang dalawa kaya nag-iwas ako ng tingin at nauna na sa paglalakad. Maya-maya pa'y nasa tawiran na kami kaya lumingon ako sa kanilang dalawa na seryosong nag-uusap ng kung ano.

BINABASA MO ANG
Bowl of Memories | Memories #1
Teen Fiction"Sa panahon ngayon, wala ng taong totoo dahil lahat peke at manloloko. Kahit kaibigan mo, pwede kang saktan ng patago." Para sa iba, masaya kapag may mga kaibigan. Dahil may taga-pakinig ka sa mga hinaing mo sa buhay. May magpapasaya kapag ang mukha...