Chapter 30

41 3 0
                                    

30

Ilang buwan na ang nakakalipas ng lumipat kami ni Mama rito sa Alfonso, Cavite. Noon, ayaw kong sumama dahil komportable na ako sa dati naming tinitirahan. Wala mang interaksyon na nagaganap sa mga kapitbahay dahil sa takot na ibinigay sa akin ng kahapon, naging masaya ako dahil tahimik ang buhay ko.

At saka bakit pa ako aalis kung ayos na ako kung nasaan ako? Bakit pa ako aalis kung nasanay na ako sa ihip ng hangin sa lugar na 'yon?

Hindi tulad ngayon, minsan tahimik, madalas masaya, medyo magulo, halo-halo pero na-a-appreciate ko lahat ng nangyari, maganda man o hindi. Kung hindi siguro ako bumili sa tindahan nina Donnie noon ng yelo at juice, hindi ko sila makikila. Hindi ako matututong makihalubilo at paniguradong papasok at uuwi na naman ako na parang wala lang. Hindi ako magiging masaya at hindi lalakas ang loob ko na harapin ang kahapon ko, hindi tatatag ng ganito ang sarili ko.

"Saan kayo magbabakasyon?" tanong ni Paul.

"Ewan. Sa bahay lang siguro, pupuntang Batangas kapag may ipon, gala sa Ayala, tulog, kain at saka laro," tugon ni Samuel na kakatapos lang sumubo ng fries.

Nandito kami sa maliit na coffee shop habang kumakain ng fries na binili nila sa labas. Nagulat pa nga ako at sinaway sila ng ipasok ang binili rito sa loob pero ng makita ng isang waiter ang pagpapaumanhin kong tingin, ngumiti siya.

Ilang buwan na rin ang nakakalipas ng maipagpatuloy ko ang pag-aaral sa University. Noong una, halos mangatal ako at tumakbo pauwi dahil sa mga tingin na ipinupukol sa akin ng mga kaklase at ka-schoolmate ko. Hanggang sa isang araw nagpatawag ng meeting sa gymnasium, nagulat ako dahil isa ako sa pinataas sa stage.

Alam ko na medyo masakit pa rin sa akin kapag pinag-uusapan ang mga pangyayaring 'yon pero hindi ko mapigilang matuwa dahil sa ginawa ng Bennhur University. Ipinagbawal ni Dean na pag-usapan lahat ng issue ng kapwa estudyante.

"Kung wala kayong magandang sasabihin. Kung wala kayong idudulot na maganda sa kapwa niyo estudyante, tumahimik. Nakarating ang nangyari kay Mrs. Alcantara at mismong ang anak nina Mr. and Mrs. Santiago ang nagsabi sa akin ng mga sinasabi ko sa inyo ngayon," seryosong sabi ni Dean Lopez sa unahan.

Kita ko ang pagtango ng mga estudyante sa harapan namin. Hindi lang ako nag-iisa, ilan lang ako sa mga kabataang minsan ding nahusgahan ng mga tao sa social media at mga kapwa estudyante ng hindi nila nalalaman ang buong istorya.

Rinig ko ang pagsinghap ng katabi ko kaya mabilis akong bumaling sa kanan. Magalang na binate ni Dean Lopez ang babaeng bigla na lamang pumasok sa gymnasium. Naka-jeans na itim, white over-sized shirt, vans na itim at seryosong naglalakad papalapit sa stage.

"Talaga naman, Xine! Sinabi ng hintayin ako!" Rinig naming sigaw ng tumatakbong lalaki.

"Sinabi kong maghintay ka sa labas," tugon ng babae.

"Ayoko. Masyadong maraming lalaki rito baka maka—"

"Hotdogs! Hotdogs! Hotdogs!"

Napabaling naman kami ng tingin sa limang lalaki na naglalakad din palapit sa stage habang nasa gitna ang isang matandang babae. Umiiling at hiyang-hiya sa pinaggagawa ng limang lalaki.

"Good morning, Dean Alcantara," bati ni Dean Lopez.

Tumayo ang mga estudyante sa harapan namin kaya nagtaka na ako. Ano bang nangyayari? Bababa na ba ako?

Nakakunot ang noo kong sinusundan ng tingin ang babaeng pinalo ang balikat ni Dean Lopez bago yumakap. Hinawakan niya ang mic bago iginala ang tingin bago sumulyap sa akin na ikikaba ko.

Gusto ko ng bumaba ng stage!

"Okay.” Panimula ng babae na sa tingin ko ay kasing edad ko lang.

Bowl of Memories | Memories #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon