Chapter 27

13 3 0
                                    

27

Tahimik akong nagsusuklay ng buhok sa harapan ng salamin.

Dalawang linggo na simula ng makauwi ako galing sa Hospital. Sabado ngayon at base sa sinabi ni Mama sa akin, ngayon kami pupunta sa Bennhur. Hindi ko alam kung anong mangyayari mamaya, hindi ko alam kung sinu-sino ang makakaharap namin mamaya.

Natatakot ako.

Bumuntong-hininga ako at ibinaba ang suklay na hawak sa maliit na lamesa. Tiningnan ko ang dalawa kong kamay na nanginginig. Nilalamig din ako at pakiramdam ko may mga nakatingin sa akin. Hinawakan ko ang kamay ko at pumikit, muling bumuntong-hininga.

"Kaya ko 'to. Kaya mo ito, Caily," muli kong sabi sa sarili.

Tatlong katok sa pinto ang narinig ko bago ako lumingon at iniluwa noon si Mama, Tita Shiela, Tita Carmen. Akala ko ay sila lang pero ng makita ko na sunod-sunod ang pagpasok ng apat, napangiti ako.

"Anak."

Napalingon ako sa kanya at saka huminga ng malalim at ngumiti. "Ma?"

Ngumiti rin sa akin at lumapit sa akin para yumakap. Naramdaman ko ang pagpatong niya ng jacket sa likod ko. Kumalas siya sa yakap bago inayos ang pagkakasuot ng jacket sa akin.

"Pupunta tayo sa Bennhur, anak.” Tumitig siya sa akin saka hinaplos ang pisngi ko. “Ready ka na? Anong nararamdaman mo?"

Yumuko ako at muli sanang hahawakan ang kamay ko ng agawin at si Mama na ang humawak at humaplos doon.

"Kinakabahan ka. Malamig ang kamay mo at medyo nanginginig," sabi niya.

Unti-unti kong nararamdaman ang kaginhawahan ng hilutin ni Mama ang kamay ko.

"Natatakot ako, Ma. Baka kasi..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng muling manlaglag ang mga luha ko.

"Hmm... matatapos na 'to, anak, okay? Last na 'to," bulong sa akin ni Mama.

Tumango ako bilang tugon. Sinilip ko ang mga taong nasa likod ni Mama. Nakangiti sila sa akin at pabulong na sinasabi ang mga katagang, ‘kaya mo ‘yan,’ at ‘nandito lang kami’. Lumipat ang tingin ko sa kanya. Ngumiti rin siya sa akin pero nag-iwas lang ako ng tingin.

Hindi naman siguro niya ako iiwan pagkatapos nito. Mag-s-stay naman siguro siya ‘di ba?

Tahimik kaming bumiyahe papunta sa Bennhur. Hindi ko alam kung marami ang estudyante ngayon pero kanina ko pa pinagdarasal na sana walang ni isang estudyanre roon. Kaso pagkababa namin sa sasakyan ay nasulyapan ko agad ang pagbaling ng mga estudyante sa puwesto namin, mapalalaki man o mapapababae saka nagbubulungan.

Hindi sana mawawala ang tingin ko sa kanila kung hindi humarang si Donnie sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya pero tanging ngiti lang ang sukli niya at paghawak sa kamay ko.

"Siya ba 'yong babae sa pictures?" Rinig kong sabi ng matangkad na babae ng mapadaan kami sa gawi niya.

"Siya nga. Ano ba 'yan? Ang ganda pa naman niya kaso hi—"

"Tumigil kayo!" malakas kong sigaw at matalim  na tiningan ang dalawang babae.

Halata ang gulat sa dalawa na hindi alam kung ano ang gagawin ng mabilis akong umabante pero agad akong nahawakan ni Donnie.

"Caily, do—"

"Ano? Wala kayong mapag-usapan kaya ako ang napag-tripan niyo! Kung wala kayong magandang sasabin tumahimik kayo!” sigaw ko at tinuro ang dalawa.

Hindi ko na pinansin ang mga matang nanunuod sa amin pati na ang pag-awat ni Donnie sa akin. Kailangan kong ilabas ang galit ko dahil kung hindi, hindi ko na alam ang mangyayai sa akin.

Bowl of Memories | Memories #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon