MFS 5

127 23 15
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Hi readers :) I just expected for 230 readers ng story na ito at nagulat ako lumagpas na ng 300 kaya naman nainspire ako mag-update. Maraming salamat at patuloy ninyong subaybayan ang story ko kahit na super slow ang update :)

Enjoy our 5th chapter (^_^)

English Version will come soon, for my English readers, please wait for a while :) Thank you.

**************************************************

Bakit parang narinig ko ang boses ni Agnes na nagsabing ...nawawala si Rose...? Bahagi pa rin kaya ng aking panaginip ang sinabi niyang iyon? Bakit parang ang layo niya mula sa kinahihigaan ko? Umaalingawngaw ang kanyang boses sa buong kwarto. Di ba dapat normal lang ang pagkakasabi niya dahil andito siya sa aking likuran at nakayakap? 

Nagkaroon ng katahimikan sa aking paligid at nakapikit pa rin naman ako. Mabigat pa rin ang aking mga mata kaya ayoko muna imulat ang mga ito. 

"Kuya.....!" tinawag ulit ako ni Agnes, hindi naman niya kailangan isigaw ang pangalan ko, magkatabi lang naman kami ah?

"Kuya.....!" at tinawag niya ulit ako na parang may ipinipilit siya sa akin. Ano bang nangyayari dito kay Agnes? Nakaramdam ako ng kaunting pagkairita. Bahagyang kinusot ko ang aking nakapikit na mga mata.

"Bakit ba, Agnes?" sinusubukan ko sanang gumalaw paharap sa kabilang gilid ngunit di ako makagalaw mula sa pagkakayakap ni Agnes. Teka, parang may mali dito. Ramdam kong malamig ang yakap sa akin. Tiningnan ko ang mga brasong nakayakap sa akin. 

"Kuya.......!" ang muling pagtawag sa akin ni Agnes na para bang may gusto talaga siyang sabihin at puro Kuya lamang ang lumalabas sa kanyang bibig.

Habang nakatingin ako sa brasong nakayakap sa akin, hinawakan ko ito at... Huh? Ang lamig naman, parang yelo sa lamig. Namumutla ang balat at mamasa-masa ito. May ilang guhit na makikita sa brasong iyon at masasabi kong sugat ang mga iyon. Napakalaki ng mga mahahabang sugat na yun ngunit hindi naman ito nagdurugo. Nakaramdam na ako ng kaba. Hindi talaga tama ito. Kung si Agnes ang kapapasok lang kani-kanina, sino itong katabi ko na matagal nang nakayakap sa akin?! 

"K-Kuya....! Di mo ba a-ako naririnig???!" may halong inis na ang pagkakasabi ni Agnes sa mga katagang iyon.

Sinubukan kong alisin sa pagkakahawak sa akin ng kung sinuman ang yumayakap sa akin. Ilang saglit pa'y kusa itong gumalaw. Nakawala na ako sa yakap, ngayon ang tanong sino ang nasa likuran ko?! Unti-unti akong gumulong paharap sa aking katabi. Sana mali ako ng hinala, sana mali ako....

At....

Nagulat ako at nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Bigla akong napaupo sa kama at tinitigan ng napakatagal ang taong katabi ko sa kama. Si Rose! Napakaputla, medyo basa siya at napakalamig niya. Suot niya ang isang patient's gown. May tag pa siya sa paa. Kulay itim na tag na nagsisimbolo ng taong patay na. 

MY FANTÔME SWEETHEART (12 Official Chapters, SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon