MFS 10

86 8 6
                                    

A/N: Hello to all the readers of this story :) Thank you for supporting every chapters ^____^

-------------------------------------------------------------

"Wag! Pakiusap!" sigaw boses ng isang babae. Maraming pang ibang sigaw na humihingi ng tulong.

Maraming tao ang nagsisitakbuhan. Nagpapanic. Natatakot. At ako, nakatayo sa gilid ng kalsada habang iniikot ang aking paningin sa buong paligid. Ano ba'ng nangyayari?

"Mommy!" ang iyak ng isang batang babaeng nakatayo sa gitna ng kalsada. Tinangka kong tumakbo papalapit sa kanya upang kunin siya, ngunit sa isang iglap siya'y biglang kinuha ng isang mabilis na bagay. Nilingon ko ang direksyong na pinagdalhan sa bata at nakita mula sa di kalayuan ang pagbagsak ng isang tila bilog na bagay. Tumakbo ako palapit sa bagay na iyon. Sobra akong nagulat kaya napaatras ako at tinakpan ang bibig ko.

Iyong bagay na iyon na nahulog mula sa taas, ang ulo ng batang babaeng nakita ko kanina.

--------------------------------------------------------------------

Agad kong iminulat ang aking mga mata. Simula ng maaksidente kaming dalawa ni Rose, naging madalas ang mga panaginip ko...karamihan ay patungkol sa kalungkutan at takot. Naupo ako sa aking kama at ipinatong ang aking ulo sa aking kanang kamay. Ugh, ang sakit ng ulo ko. Hinimas himas ko ang aking ulo. Nasilaw ang aking mga mata sa liwanag na nagmumula sa bintana. Umaga na pala. Napabuntung-hininga na lamang ako. Maya-maya's may biglang kumatok sa pintuan.

"Hello?" ang bati ni Michael nang buksan niya ang pinto. Nakita niya akong hinihimas himas ang aking ulo. "Masakit na naman ang ulo mo Kuya William?" At lumapit siya sa kama.

"Medyo lang naman," pero ang totoo sobrang sakit ng ulo ko. Parang hinahati sa gitna at tinutusok ng mga karayom. 

"Masamang panaginip na naman?" ang tanong ni Michael at may inilabas siyang bote ng gamot sa bedside drawer. "Uminom ka ng gamot para maibsan ang sakit." Inabot niya ang bote ng gamot at isinubo ko ang isang capsule. "Ano'ng panaginip na naman ba yan?" Si Michael lamang ang pinagsasabihan ko ng mga nagiging panaginip ko dahil baka daw may kinalaman iyon sa aksidenteng nangyari sa amin. At muli, ikwento ko sa kanya ang lahat, ngunit ang ibang detalye ay hindi ko na matandaan.

Pagkatapos naming kumain ng agahan, ipinahanda ni Rose sa akin ang kotse. Pinapupunta si Michael ng kanilang tito sa shooting range na pagmamay-ari nito. Bilang mga nakatatandang kasama naman, kailangan namin siyang samahan ni Rose. 

As usual, si Rose ay nakasuot ng isang magandang damit. Simple lang naman pero napakaganda niya talaga sa mga klase ng damit na gusto niya. Suot pa niya ang malaking sumbrero na iniregalo ni Michael sa kanya. Si Michael naman ay nakaupo sa back seat, tinatanaw ang view sa bintana. Pasulyap-sulyap naman ako kay Rose, baka sakaling makita ko siyang nakatingin sa akin at paraan ko na yun para makipag-usap sa kanya. Kahapon pa niya ako hindi kinakausap simula nung nakauwi na kami. 

"Kanina pa kayo hindi nagpapansinan," ang biglang sabi ni Michael. Na naka-crossarms at nakatingin sa amin, kitang-kita ko kasi sa rear-view mirror. Wala namang sumagot sa aming dalawa ni Rose. "May away ba kayo? Nakakapanibago naman. Parang ngayon lang yata kayo nag-away?" Oo, ngayon lang nga talaga kami hindi nagkikibuan. Hindi gusto ni Rose na di kami nag-uusap o nag-aaway, pero mukhang dati yun, hindi na ngayon.

MY FANTÔME SWEETHEART (12 Official Chapters, SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon