MFS 6

113 18 11
                                    

AUTHOR'S NOTE:

At dahil may 502 READS na ang story na ito as of 7:45 pm, 8/27/2014 ....eto na ang chapter 6 na ipinangako ko sa mga readers nito :) MAraming salamat sa inyong suporta, comments, at votes... I highly appreciate the comments, you give me inspiration ^_^

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Totoo ba ang lahat ng iyon? Nakita ko si Rose sa aking tabi. Buhay siya ngunit kasing lamig naman ng isang bangkay. Kinakausap ko siya ngunit hindi siya nagsasalita. Gayunpaman, anuman siya sa mga oras na ito, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. Siya pa rin si Rose, ang aking pinakamamahal.

-------------------------

Makalipas ang halos magdadalawang linggong pananatili sa ospital, binigyan na ako ng permiso ng doktor na makauwi dahil maayos na ang aking kalagayan. Mabuti na lamang at sa loob ng pitong araw, naitago namin si Rose sa loob ng aking kwarto na hindi napapansin ng mga nurse at doktor na bumibisita araw-araw. Hindi ko alam kung ano'ng excuse ang sinabi ni Agnes para hindi na hanapin ng buong staff ng ospital ang nawawalang katawan ni Rose.

Agad kaming pupunta sa bahay nila Rose. At eto si Rose, katabi ko sa loob ng sasakyan. Suot niya ang isang bestidang ipinakuha ko kay Agnes sa kanilang bahay at nakabalot ang kanyang ulo ng puting scarf. Hindi na siya kasinglamig ng una namin siyang makita sa ospital. Hindi na rin maputla ang kanyang balat. Weird? Pero masasabi kong mukhang bumabalik ang estado ng kanyang katawan gaya ng isang normal na buhay na tao. Gayunpaman, wala pa siyang kinakain o iniinom kahit pa bigyan siya ni Agnes ng pagkain.

Sa loob ng pitong araw, wala ni isang salita ang nagmula sa bibig ni Rose maliban sa pagtawag niya ng aking pangalan nung una naming pagkikita. Palagi lang siyang nakatingin sa akin at wala siyang ibang reaksyon na ipinapakita sa akin. Naghilom na rin ang kanyang mga malalalim na sugat at ni isang peklat ay hindi makikita sa kanyang makinis na balat. Para siyang isang imortal na nilalang dahil dalawang beses na siyang bumangon mula sa kamatayan. Nakakapangilabot isipin pero wala akong ibang mapagtatanungan kung hindi ang kanyang kapatid na si Michael. Maaaring may paliwanag siyang maibibigay kung paano nangyari ang mga bagay na ito kay Rose.

 *DingDong!*

Pinindot ni Agnes ang doorbell. Nakalock ang gate ng bahay nila Rose mula sa loob kaya siguradong nakauwi na si Michael. Napatingin ako kay Rose na nakatayo sa aking kaliwa. Ganun pa rin ang kanyang facial expression, hindi nagbabago...wala pa rin siya reaksyon. Napansin kong nakatingin siya sa mga bulaklak na nasa labas ng gate. Lumapit ako sa halaman at pumitas ng isang pirasong bulaklak. Iniabot ko iyon kay Rose. Tiningnan niya lang ang bulaklak na hawak ko at mukhangwala siyang balak tanggapin ito. Hinawakan ko ang kanyang kamay at ibinigay ang bulaklak.

Ilang saglit pa'y bumukas na ang gate ng bahay nila Rose. Nakatayo sa loob si Michael na suot-suot ang kanyang laboratory gown.

"Kuya William!" ang pangiting pagbati nito sa akin.

Nginitian ko lamang siya at pumasok na kaming apat sa loob ng bahay. Pinaupo ko si Rose sa sofa. Ang sofa na siya ang pumili ng kulay at disenyo na binagayan ng kulay itim na coffee table sa gitna ng sala. 

"Gagawa muna ako ng maiinom ninyo..." ang sabi ni Michael at dumiretso na siya sa kusina.

"Tutulungan ko na siya, Kuya," at sumunod si Agnes sa kanya.

Tiningnan ko si Rose. Palagi siyang nakatingin sa baba. May malungkot na aura ang bumabalot sa kanya ngunit hindi mababakasan ng anumang ekspresyon ang kanyang mukha.

"Nakakaramdam ka na ba ng gutom ngayon?" ang tanong ko sa kanya sabay upo sa kanyang tabi. Gaya ng mga nakaraang araw, hindi niya ako sinagot. "Alam mo bang bumabalik na ang dating kulay ng balat mo? At mas gumanda ka pa ngayon."

Napatingin sa akin si Rose. Gaya ng aking pagkakakilala sa kanya, gusto niyang sinasabi ko sa kanyang maganda siya. Ayon kasi sa kanyang paniniwala, lahat ng lalaki ay pwedeng sabihing maganda siya ngunit hindi niya ito maappreciate, tanging ako lang daw ang gusto niya magsabi ng salitang iyon. Napangiti ako sa kanya kahit na wala naman siyang reaksyon na ibinigay sa akin. Nakita kong hawak pa rin niya ang bulaklak na iniabot ko sa kanya kanina.

"Ate Rose, may black tea ako na pasalubong para sa iyo..." at dumating na sina Michael at Agnes na may dala-dalang tray ng mga pagkain at inumin. Umupo si Michael sa kaharap naming sofa at si Agnes naman sa single sofa seat.

"Hmm? Hindi ka man lang ba natuwa sa dala ko? At mukhang wala ka din yatang balak tikman ang tinimpla ko?" ang sabi ni Michael na sinisilip ang nakayukong mukha ni Rose. "Sobra ka bang nalungkot at hindi mo na akong kinakausap ngayon? ...at tsaka parang may kakai----"

"Ah, baka pagod lang ang Ate mo Michael...mahaba rin kasi ang byahe na tinahak namin..." at sumingit bigla si Agnes tila gagawa na siya ng excuse.

"Ah ganun ba. Magpahinga ka na, ate, sa kwarto mo. Mukhang hindi maganda ang kulay mo ngayon, stress ka ba? Marami ka bang ginawa nung mga araw na wala ako?" naghihintay si Michael ng sagot mula kay Rose. Nagkatinginan naman kami ni Agnes. At sa palagay ko, nahahalata na ni Michael na talagang may kakaiba sa kanyang kapatid.

Nakatitig lang si Rose sa bulaklak na hawak hawak niya. Gaya ng ibang mga araw, hindi niya ginagalaw ang pagkaing inihain ni Michael para sa kanya.

"Hmmm, kakaiba ka talaga ngayon, ate," ang patuloy ni Michael habang kumakain ng cookies. "Hindi mo ako pinapansin na....akala ko pa naman isa ako sa mga lalaking mahalaga sa buhay mo..." at nagkaroon ng malungkot na tono sa boses niya.

"Ah? Wag kang mag-isip ng ganyan.. Siguro may mga iniisip lang si Rose kaya hindi ka niya kinakausap.." ang sabi ko sa kanya para mapagaan ang kanyang kalooban.

Pero parang hindi nakikinig si Michael sa sinabi ko, nakatingin siya kay Rose at nagpatuloy magsalita,"...ate, tapatin mo nga ako..ginahasa ka na ba ng lalaking yan? Para kang natrauma or something.." Nagulat ako sa sinabi niya maging si Agnes din ay nagulat. Kakaiba talaga ang batang ito. Ngunit napakaseryoso ng kanyang mukha at bigla siyang sumandal sa sofa. Pumikit siya. Ano kaya iniisip nito?

"ah, Michael...hi-hindi ko ginahasa ang kapatid mo at hinding-hindi ko gagawin sa kanya yun. Alam kong alam mo yun," bakit ba nanginginig ang boses ko sa sinabi kong ito? 

"Kuya William..." tumingin sa akin si Michael na may seryosong tono sa pagtawag ng aking pangalan,"....may kakaiba kay ate hindi ba? Napansin ko kasi bakit kaya nalalanta ang bulaklak na hawak ni Ate?"

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Napatingin ako sa kamay ni Rose at nakita ang bulaklak na natuyo na at unti-unting nadudurog na parang abo.

MY FANTÔME SWEETHEART (12 Official Chapters, SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon